Chapter 13

35 2 0
                                    


TAMARA DILUMAQUE’S POV***

KASALUKUYANG naghahanda ako para sa pagdating ngayon ng kapatid ni Zandrick. Luto na ang ibang putahe. Huli na itong Caldereta. Ito raw ang paborito ni Edrin.

“Hmmm... Ang bango naman...” Nanginig ako nang biglang maramdaman ang paghinga ni Zandrick sa aking leeg.

“P—patapos na ako rito, Sweetheart.”

“Uh-uh...” Narinig ko pa ang biglang paghuhurumentado ng tiyan ko, nang bigla akong ikinulong ni Zandrick sa kanyang mga bisig.

He dropped tiny kisses on my neck. Nakikiliti ako kaya bahagyang naipapaling ko ang leeg, kaya malaya niya na itong mas nahahalikan.

“Z—Zandrick... Hinto na. Mauna ka na  sa sala. Ako na ang bahala rito sa Caldereta.”

“Ayoko. Gusto ko rito.” Patuloy pa rin siya sa pagbibigay ng mumunting halik sa leeg ko, habang ako ay halos hindi na makapagluto ng maayos!

“Darating na si Edrin mamaya, Zandrick. Tatapusin ko lang ‘to.”

“Yeah, I also invited your friend— Lourdes.”

“Talaga?! Maraming salamat, Sweetheart!”

Namimiss ko na rin si Lourdes, eh. Dahil sa nangyari ay hindi na kami masyadong nagkita.

“Alam niya na ba?”

“Oo, sinabi ko na noong isang araw pa.”

“Galit ba siya?” tanong ko.

“Hindi naman. Mukhang masaya naman siya no’ng sinabi ko.”

“Salamat...”

“Ayaw ko ng salamat lang. Gusto ko kiss.”

“Pero...kanina ka pa humahalik sa akin...”

Pinatay niya sandali ang stove. Pinaikot niya ako para magkaharap na kami.

Dumapo ang kanyang malalaking kamay sa aking pisnge.

“I can't get enough of you, Sweetheart... I can't get enough of this delicious lips. This is mine... including the owner...”

“May advance na kainan na pala rito! OMG ka, Kuya! Grabe kang mambungad!” gulat na sambit ni Edrin.

Mabilis akong lumayo kay Zandrick. Tinulak ko na siya palabas ng kusina. Agad naman siyang sumunod.

“Magandang umaga, S—Sir— Ma’am Edrin!” Hindi ko alam ang itatawag ko sa kanya.

Napahalakhak lang ito.

“Masyado kang pormal, Sissy, ha! You can call me Sissy Drin na lang. Ilang taon ka na ba sister in law?” tanong niya.

“22 na ako,” sagot ko rito. 

“Oww, I'm 24. Si Murzhel naman ay 21 at si Kuya ay 26,” paliwanag ni Edrin.

“Ang bango ng Caldereta mo, Sissy, ha! In fairness naman, ang galing mamili ni Kuya ng aasawahin.”

Nag-init ang buong mukha ko. Ang bait nila, mula kay Lolo Zandro hanggang sa mga kapatid ni Zandrick.

“Salamat, Drin... Ah. Malapit na ‘tong maluto. Pasensiya ka na sa naabutan mo kanina.”

“Walang kaso, Sissy. I did not expect na ganoon ka clingy si Kuya.”

“Ahmm... tinutulungan niya lang ako sa pagluluto.”

“Ibang klaseng tulong, ha. Sissy, hindi naman nakakatulong sa pagluluto ng Caldereta ang pahalik-halik sa leeg mo.”

“Ah...” Wala na akong maisagot kay Edrin. Nakakahiya talaga!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Naive GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon