Chapter 5

904 39 4
                                    


Tamara Dilumaque's POV***



"HINDI ako makapaniwalang may trabaho na talaga tayo rito, Tamara. Grabe!" masayang sabi ni Lourdes.

"Ako nga rin, e. Salamat kay Lolo Zandro. Napakabit talaga niya, ano?" segunda ko.

"Sinabi mo pa, Tam. Hulog siya ng langit. Kung hindi dahil sa kanya, malamang sa daan na tayo pupulutin."

"Maglinis na tayo, Des. Baka mapagalitan na naman tayo ni Ma'am Linda." Sabay naming tinapos ni Lourdes ang panglalampaso sa sahig nitong banyo. 

"Hoy!" Napaigtad kami ni Lourdes. "Hindi kayo binabayaran para mag-chismisan lang dito! Hala! Magtrabaho na kayo!"  Nagulat kami ni Lourdes sa biglaang pagpasok ni Ma'am Linda.

  "At ikaw, Tamara. Sumunod ka sa akin,"  turo nito sa akin. 

Nagkatinginan muna kami ni Lourdes. Bago ako sumunod na kay Ma'am Linda, ang mayordoma sa amin. Siya ang may pinakamataas na posisyon sa aming mga utility crew.

"Simula ngayon, ikaw na ang naka-toka sa opisina ng C.E.O. Nasa 8th floor ang opisina niya. Linisin mong mabuti iyon. Dapat walang dumi o alikabok na maiiwan. Intiendes?" sabi nito, habang naglalakad kami sa pasilyo ng building. 

Tumango ako. "Opo."

Huminto kami sa mga lalagyan ng mga panlinis. "Good." Binigyan niya ako ng mga mop at balde. "Ano pang hinihintay mo? Pasko? Gora ka na!" 

"O-opo!" natataranta kong sabi.

Agad naman akong pumunta sa opisina ng boss namin. Medyo nahihirapan pa akong makalakad dahil sa bitbit kong mop at balde.

"Miss, tulungan na kita," alok sa akin ng lalaking nakasabay ko.

"Ay hindi na po. Kaya ko po ito," nahihirapan kong sagot.

Sa totoo lang ay hindi ko naman talaga kaya. Nahihirapan ako. Kaso bawal akong magpatulong, e. Halatang malaking tao siya. Base sa suot niya.

Sa wakas ay nakarating na rin ako sa opisina ng C.E.O. Grabe din ang hirap ko.

Dalawang araw na ako sa kompanyang ito. Pero hindi ko pa nakikilala ang C.E.O namin dito.

Pumasok na ako sa loob. In fairness naman. Ang ganda at ang lawak dito sa loob. Kulay itim at puti ang mga nandito. Tapos may crystal na malaki sa gilid na tanaw mo ang magandang tanawin sa labas.

"Ikaw?!" biglang sigaw ng isang lalaki.

Napatingin ako sa gilid ko. Lumabas doon ang lalaking nakita ko sa banyo na may kasamang babae.

"Uy! Ikaw pala 'yan."

"Anong ginagawa mo ri—" Hindi niya na naituloy ang sasabihin nang makita niya ang suot ko. Siguro nasagot niya na mismo ang tanong niya.

"Mabuti naman at may kasama pala ako sa paglilinis sa opisina ng C.E.O," bulong ko sa aking sarili.

Walang anu-anong hinagis ko sa kanya ang mop. Agad niya naman iyong nasalo. Nagtataka niya iyong tiningnan.

"Anong gagawin ko rito?" tanong niya.

"Ano ba 'yan. Ang bobo mo namang janitor. Hindi mo alam ang gamit ng mop? Nilalampaso iyan sa sahig. May tubig diyan sa balde. Ikaw na ang maglampaso ng sahig. At ako na ang magpupunas ng buong opisina. Oh, ayan. Sounds fair, right?"

Sa wakas may naituwid akong magandang English. Achievement ko na 'to. Natuwa naman ako masyado. Hindi ko namalayang tinititigan na pala ako ng lalaking ito.

"Anong tinitingin-tingin mo diyan? Magsimula ka nang maglinis! Hindi ka binabayaran para titigan lang ako. Susmarya! Ako mapapagalitan dahil sa iyo, e," nakanguso kong sabi, sabay punas ng kristal na bintana.

"P-pano ba 'to?" nakakamot sa ulo niyang tanong.

"Anong klaseng janitor ka ba? Hindi mo alam kung paano maglampaso? Bago ka lang din siguro. At dahil mabait akong partner. Sige, tutulungan na kita kung paano."

Iniwan ko muna ang basahan sa gilid. Lumapit ako sa gawi niya para tulungan siya. Nanatili lang siyang nakatayo. Napansin kong kakagising lang niya. Magulo pa kasi ang buhok niya. Tapos nakaputing t-shirt lang siya at saka short.

"Hey, done fantasizing?" nakangisi niyang sabi.

"Hay naku, janitor ka lang kung maka-english ka diyan. Magsimula na nga lang tayo," sabi ko, sabay kuha ng mop sa kanya.

Medyo yumuko ako para makapaglampaso nang maayos. Nakatingin lang siya sa akin mula sa gilid ko.

"Owh, sh*t. You look ravishing," bulong niya. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Hindi ko naman alam kung ano ang sinabi niya, e.

Matapos kong ipakita sa kanya kung paano maglampaso ay agad kong ibinigay sa kanya ang mop.

"Nakuha mo ba?" tanong ko.

"Hindi ako naka-focus. Pakiulit, please," sabi niya, at saka sumipol pa siya sabay tingin sa gilid niya. 

Napailing ako. "Ano ba 'yan! Paano tayo matatapos dito? Papagalitan tayo ng C.E.O. niyan. Ang kulit mo namang partner," medyo naiinis na sabi ko.

"Okay, I'll listen this time."

"Okay, ganito 'yon," sabi ko, at saka inulit lang ang ginawa ko kanina.

Nagulat ako nang pumunta siya sa likuran ko. Nasa magkabilang bewang ko siya. Pero humawak siya sa mop na hawak ko. Bale, parang nakayakap siya sa akin.

"Ganito ba?" paos niyang sabi sa akin. Napalunok naman ako, bago tumango.

"Uh, uh?" paninigurado niya. Nagsimula na siyang maglampaso habang nakayakap pa rin sa akin. Napapasabay na lang ako sa ginagawa niya.

"Ah, ano. O-okay na. K-kaya mo na 'yan," nahihiya kong sabi.

"Yeah..." aniya, pero hindi pa rin siya umaalis sa likod ko.

"Tamara, tapos mo na bang linisin ang—" Hindi na natapos ni Ma'am Linda ang sasabihin niya nang mapatingin siya sa aming dalawa ng lalaking kasama ko na magkayakap.

"Ma'am Lin—" Magsasalita pa sana ako, ngunit naunahan ako ng lalaki. 

"We're okay, Linda. You can leave us," sabi ng lalaki.

"S-sir Zandrick, ako na po ang humihingi ng despensa sa ginawa ni Tamara." Napakunot ang aking noo. Ano ba ang ginawa kong masama? Tinuruan ko lang naman itong lalaki kung paano maglampaso ng sahig.

"Wala siyang ginagawang masama. I am enjoying her company, though," sagot ng lalaki kay Ma'am Linda. 

Napanganga ako sa sinabi niya. Sir Zandrick ang tawag sa kanya ni Ma'am Linda. Ang ibig bang sabihin nito ay Sir ko pala itong inutos-utusan ko lang?!

"O-kay po. Magt-trabaho na po ako Sir Zandrick," sabi ni Ma'am Linda, bago siya tuluyang lumabas na ng opisina.

"Hala! Hindi ko alam. Ikaw pala sir ko. Sorry po. Sorry po talaga... Huwag niyo po sana akong paalisin," naiiyak kong pakiusap sa kanya.

"Sige, pag-iisipan ko," nakatungo niyang sabi.

"Po?!"

"Sinisigawan mo ba ako, ha?"

"H-hindi po!" maagap kong sagot.

"Nakasigaw ka na ngayon, e."

"H-hindi po talaga, Sir Zandrick," iiling-iling kong sabi.

Nakayakap na siya sa akin ngayon. Dahil aksidenteng napaharap ako sa kanya. Nabitawan na rin namin ang mop sa sahig.

Nakatitig lang siya sa akin. Tapos bigla siyang ngumiti. Nataranta ako, dahilan upang matabig ko ang baldeng may tubig. Inaabangan ko na lang ang pinakamasakit na pagbagsak ko sa sahig. Pero hindi ako nasaktan.

Napamulat ako ng mata. Nakahiga na ako ngayon sa sahig. Pero hindi ako nakaramdam ng sakit sa likod ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang nakapatong sa akin si Sir Zandrick. 'Tapos nakasuporta sa likod ko ang dalawang malaking kamay niya.

"Hey, are you alright?" nag-aalalang tanong niya.

"O-ok—"


"Zandrick De Zaio! Panagutan mo si Tamara!" sigaw ng isang dumadagundong na boses.

His Naive GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon