Chapter 8

517 17 0
                                    


Tamara Dilumaque


MASAYA ako sa mga sandaling ito dahil nakatulong ako sa mag-lola. Ang sarap sa pakiramdam kapag nakatulong ka sa kapwa mong nangangailangan ng tulong. Alam ko ang pakiramdam na halos wala nang makain, dahil salat sa pera. 

Ay, oo nga pala. Dapat akong magpasalamat kay Zandrick kasi sa kanya galing ang perang pinambili ko ng pagkain at gamot. "Sweetheart," tawag pansin ko sa kanya.

"Hmm..." sagot niya, habang itinituon pa rin sa daan ang kanyang atensiyon.

"Salamat pala," sabi ko.

Sandali niya akong nilingon, ngunit ibinalik din naman niya ang atensiyon sa pagmamaneho ng kanyang mamahaling sasakyan. "Para saan?" tanong niya.

Ngumiti muna ako sa kanya. "Sa pera na ibinigay mo kanina. Alam mo ba, ang saya-saya nilang mag-lola."

"It's nothing, sweetheart. I'm glad they like it." Minsan talaga hindi ko mapigilang mamangha kay Zandrick. Nasa kanya na ang lahat. Mula sa; pera, itsura at mapagmahal na pamilya. Masuwerte siya sa buhay niya ngayon. "Gutom ka na ba?" aniya.

Kanina pa talaga ako gutom. Nakalimutan ko lang ngayon, dahil sa pag-aalala kina Lola at sa apo niya. Ngayon, nararamdaman ko na ulit ang paghapdi ng tiyan ko.

"Medyo, sweetheart," nahihiya kong tugon.

"'Wag kang mag-alala. Malapit na tayo sa Jollyvev," sabi niya.

Tumango ako at ibinaling ang aking tingin sa labas. Masaya kong tinitingnan ang aming dinaraanan. Mayamaya ay inihinto na niya sa may tabi ang sasakyan niya. Nauna siyang lumabas. Lalabas na rin sana ako, pero pinigilan niya ako. "Hintayin mong pagbuksan kita."

Isinara ko ulit ang pinto ng mamahaling sasakyan niya. Sandali siyang umikot at pinagbuksan niya ako ng pinto. May kung anong pinindot siya tapos biglang nahubad sa akin ang bagay na nakakabit sa akin kanina. Proteksiyon ko daw iyon. Mahalaga raw na nakakabit sa akin ang bagay na iyon.
"S-salamat, sweetheart," pagpapasalamat ko kay Zandrick.

"You're welcome," nakangiti niyang sabi.

Bigla ko na lang naramdaman ang kamay niya na nakahawak sa bewang ko.  "S-sweetheart, m-maraming tao," nag-aalangan kong sabi.

Nahihiya ako, hindi para sa sarili ko, kundi para kay Zandrick. Mukha lamang akong katulong niya. 'Tapos hinahawakan niya pa ako. Baka mapahiya lang siya nang dahil sa akin.

Napakunot lang ang noo niya sa sinabi ko."Mas mabuti nga 'yon. 'Wag kang mag-alala. Ako ang bahala sa 'yo."

"...Tara, pumasok na tayo," sabi niya, habang nakahawak pa rin siya sa bewang ko.

Hindi na ako nagreklamo pa. Baka magalit siya sa akin. Medyo naiilang ako kasi parang tinitingnan kami ni Zandrick. Ang totoo, siya lang naman talaga ang tinitingnan. Nadadamay lang ako kasi kasama niya ako at nakahawak siya sa akin.

"Don't mind them, Sweetheart."

Sinunod ko ang sinabi niya. Hindi ko na lamang pinansin ang mga taong nakatingin sa amin. Pero nakakahiya pa rin ang suot ko. Nakabestida lang ako na pinaglumaan ko na. Hindi ko alam na dadalhin pala ako ni Zandrick dito. Pero kung sakaling alam ko. Wala pa rin naman akong maisusuot na maganda.

Parehas lang din naman pala. Probinsiyana pa rin akong tingnan. Walang magbabago sa akin, anuman ang aking isuot.

"Sino ang kasama ni Mr. De Zaio? Hindi ko alam na bumaba na pala ang standard niya sa isang babae. Kung alam ko lang, noon pa sana ako nagtanim ng kamote sa bukid," tumatawang sabi ng babae. Hindi ko man siya makita, batid kong ako ang tinutukoy niya. Ayaw kong lingunin ang babae sa likuran ko, kasi alam ko naman na maganda siya. Lahat naman ng nandito puro magaganda at mayayaman. Ako lang ang hindi.

His Naive GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon