Chapter 2

1K 40 6
                                    


TAMARA DILUMAQUE' POV***


MASYADONG magulo; mausok at maingay sa lugar na ito. Hindi ko na maamoy ang sariwang hangin na nagmumula sa mga puno at halaman. Wala na rin akong makitang mga hayop.

"Ganito ba talaga rito, Des? Masyadong magkaiba ang Maynila at bukid, ano?"

"Masanay ka na, Tam. Magkaiba talaga ang bukid at siyudad. Pero wala na tayong pagpipilian. Mas malaki ang oportunidad na naghihintay sa atin dito," paliwanag niya.

"Magiging ayos lang ba tayo rito?" nag-aalalang tanong ko.

Pakiramdam ko ay mahihirapan talaga kaming mamuhay rito sa siyudad. Nakakapanibago lang. May mga bagay akong ngayon lang nakita.

"Kakayanin natin para sa mga pamilya natin. Isipin mo na lang na para din sa kanila ang maliit na sakripisyong gagawin natin," sabi niya.

Napatango ako sa kanyang sinabi. Alam kong malalampasan namin ang mga pagsubok na darating sa buhay namin dito sa siyudad.

"Ang mas mabuti pa, Tam. Maghanap muna tayo ng matutulugan," suhestiyon ni Lourdes.

Tumango naman ulit ako. Bago ko maalalang wala pala kaming pambayad. Tanging pamasahe lang ang dala namin papunta rito sa Maynila. "Des, saan tayo kukuha ng pambayad?"

"Ay! Oo nga pala. Unahin na natin ang pag-a-apply."

"Pero, iisa lang ang dala nating damit na pormal," sabi ko. Sandali muna siyang nag-isip at saka ngumiti sa akin.

"Ikaw na muna ang mag-apply ng trabaho sa kompanyang iyon. Sabihin mo na lang sa akin ang mga tanong para makapag-handa ako sa mga isasagot ko sa interview. Matalino ka naman, Tam. Alam kong masasagot mo agad ang mga tanong sa iyo. Ayos lang ba kung ikaw na ang mauna?" nagbabakasakaling tanong ni Lourdes sa akin.

"Ayos lang sa akin. Ako na muna ang magsusuot nitong damit. Pagkatapos ay ikaw naman," pagpayag ko.

"Oo, sige. Galingan mo, Tam, ah? Kaya mo iyan," pagpapalakas niya ng loob ko.

"Salamat, Des. Gagawin ko ang makakaya ko para matanggap sa trabaho."

Ngumiti muna siya sa akin bago niya kinuha ang damit na na susuotin namin sa interview.

"Isuot mo na iyan. Hihintayin kita rito sa labas," aniya.

Agad naman akong pumasok sa isang pampublikong kainan, hindi para kumain kundi para makigamit lamang ng banyo. Hindi naman siguro sila magagalit kapag nagpalit ako ng damit.

"Good morning, Ma'am. Welcome to JollyVev!" masiglang bati sa akin ng isang lalaki, na siyang nagbukas sa akin ng pinto. Nakasuot ang lalaki ng sumbrero na may nakasulat na JollyVev.

Nginitian ko naman ang lalaki. "Salamat po sa pag-welcome sa akin, Kuya," nakangiti kong sagot bago ko tuluyang pinasok ang pintuan na may simbolo ng babaeng nakapalda. Na ang ibig sabihin ay banyo iyon ng mga babae.

"F-faster, l-lalabasan na ako. Oooh!" narinig kong ungol ng isang babae.

Sandali kong kinatok ang pintuan ng banyo. Bakit kailangang umungol ng ganoon kapag tumatae?
Hindi naman ako ganoong umungol kapag nagbabanyo ako. 

"Ne, pakibilisan mo namang labasan diyan. Magbibihis kasi ako," sabi ko. May problema siguro ang babaeng iyon sa bato. Ayaw labasan ng ihi. 

Tatlo ang pintuan. 'Yong dalawa may nakalagay na out of order. Kaya hihintayin ko na lang na malabasan 'yong babae.

"O-oh my gosh! M-may tao sa labas, Zand!" narinig kong sabi ng babae. Halata ang pagkataranta sa boses niya.

"Ne, kung balak mong makipag-usap sa sarili mo. Puweding lumabas ka na lang diyan? Baka mahuli kasi ako sa a-apply-an ko. Dito mo na lang sa labas tapusin ang eksena kung saan ka tumigil," sabi ko bago idinikit ang ulo ko sa may pintuan ng banyo. Masyado nang matagal ang babae sa loob. Baka mainip na sa paghihintay si Lourdes sa labas.

Mayamaya lang ay bumukas na ang pinto. Lumabas ang isang babaeng nakayuko at may sumunod ding lumabas na lalaki. Magulo ang ayos ng buhok niya at nakabukas ang suot niyang polo na kulay puti.

"What are you looking at?" sabi ng lalaki.

Hindi ko ito pinansin. Binalingan ko ng tingin ang babae. "Ne, masyado kang natagalan sa loob. Hindi ka ba marunong gumamit ng banyo? Nagpasama ka pa ng lalaki."

Nanlaki ang mga mata nilang dalawa. Tapos biglang ngumisi ang lalaki. Sinuyod nito ng tingin ang katawan ko at saka siya napangisi.

"A  d*mn probinsiyana," bulong niya na narinig ko naman.

Binalingan ng lalaki ang babaeng kasama niya. "You can go, Charlene? Charice? Coreen? Cherraine? Chansai?" hindi sigurado pang sabi ng lalaki.

"It's Chendall, you jerk!" sigaw ng babae bago nito sinampal ang lalaking kasama, kanina lang dito sa banyo. Hindi naman sa hinuhusgahan ko ang babae. Pero bakit nagpasama siya ng lalaki sa loob at mukhang hindi rin siya kilala ng lalaki. Paano kung masamang tao pala ang pinasama niya? Mga tao ngayon, minsan hindi na nakakapag-isip.

"Oh, my bad. But I don't give a single f*ck," nakangising sagot ng lalaki. Nang makaalis na ang babae. Hinimas-himas niya ang pisnge niyang nasampal.

"Ampucha! Nasampal na naman ako. It's not my fault that I intend to forget their names," bulong niya sa sarili. 

Napailing na lang ako at saka pumasok na sa banyo. Pero bago ko tuluyang isara ang pinto ay may pumigil sa akin. "Hey, hey, woman. P'wedi bang sumama?" aniya, habang nakataas-baba ang kilay niya.

"Pasensiya ka na, Bai. Marunong naman akong maghugas ng sariling pwet. At saka hindi ako tatae. Magbibihis lang ako rito," nakangiting sagot ko, bago tuluyang isinara ang pinto ng banyo, para makapagbihis na ng pormal na damit para sa interbyu.


**********************************************************************************************


A/n: His Naive Girl: Tamara Dilumaque and Zandrick De Zaio story. Pinalitan ko na po ang apelyido ni Zandrick. May nalilito po kasi magkapareho sila ng apelyido ni Corps Commander Louie Miguel Percigal. Kaya, DE ZAIO na po si Zandrick. Hindi na siya PERCIGAL. Again... DE ZAIO.

Enjoy reading HNG!

His Naive GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon