Zandrick De Zaio
"What the f*ck, Dude. Ipapakasal ka talaga ng lolo mo sa janitress niyo? What a pure torture," komento ni Luke, sabay lagok niya ng iniinom naming margarita.
"Oo nga. Hindi na rin masama, dude. Madali lang utuin. Probinsiyana, e," nakangisi kong sabi.
"Pumayag ka?"
"Why not? As if I have a choice. Mas gusto ko pang sa kanya na lang ako ipakasal kaysa sa mga maaarteng babae diyan. Besides, oo lang siya ng oo sa 'kin. At ito pa, parang single pa rin ako sa setup namin."
"Poor girl, bro. Hindi na rin naman siya lugi sa 'yo. The mighty Zandrick De Zaio was being cage to her."
"Hindi rin. Sa papel lang kami mag-asawa at sa harap ng pamilya ko. The rest, single na ulit ako," sabi ko sabay tingin sa babaeng biglang dumaan sa harap ko.
Nandito nga pala kami sa Elite D' Eux Bar, bar na ako mismo ang nagmamay-ari.
Dito kami madalas tumambay kapag stress na stress na sa trabaho at sa pamilya namin.
Biniyayaan man kami ng maraming pera. Hindi pa rin kami masasabing perpekto. Wala namang perpektong tao. Lahat tayo may depekto. We have the looks, yes. Pero sa pagmamahal? Wala.
"Tutugtog ba ang banda nila Murzhel mamaya?" biglang tanong ni Luke.
"Oo. Mamayang 9 p.m pa ang schedule nila. Bakit mo naman natanong?"
"Wala lang. Ibang banda kasi ang tumugtog kahapon, e. Mas maraming nanonood dito kapag ang banda nila ang tumutugtog," paliwanag niya.
"I've noticed it, too. Iba talaga kapag ang Beyond Galaxy na ang nasa stage. And I am proud of my sister Murzhel."
Minsan naiinggit din ako sa kanila ni Edrin at Murzhel. They were free from the responsibilities. Ako lahat ang umako sa naiwang kompanya ng mga magulang ko, when they met an accident.
They can do whatever they want. Samantalang ako nakakulong sa apat na sulok ng kwarto na puro papel ang kaharap.
F*ck this life.
"Yeah. Who wouldn't be proud of Murzhel She's very passionate in singing. Mapapakanta ka rin kapag nagsimula nang bumuka ang mga labi niya," biglang singit ni Luke sa pagmo-monologue ko.
"Ladies and gentlemen please welcome the Beyond Galaxy!" anunsiyo ng emcee.
Nagsipalakpakan naman ang mga nasa loob ng bar. Lahat sila ay naghiyawan. Lumabas na rin sa stage ang mga kagrupo ni Murzhel. Panghuling pumasok ang kapatid ko. Lahat sila nakasuot ng kulay itim na damit na may tatak ng pangalan ng grupo nila.
Nagsimula na silang tumugtog. All eyes are on them. I smiled. Tama si Luke, Murzhel was very passionate with singing. She enjoyed every lyrics at alam kong malayo ang mararating niya sa pagkanta.
Nakipalakpak na rin ako matapos ang kanta nila. She saw me and she immediately smiled.
"Special mention nga pala sa Kuya kong guwapo. Thank you for the support, Kuya Zandrick! I dedicate this song to you," anunsiyo ni Murzhel sa mikropono.
Nag thumbs-up lang ako sa kapatid ko at nakita ko siyang ngumiti.
Natawa lang si Luke sa tabi ko. Nag-aabang yata ng pang-alaska sa 'kin.
"Iiyak na 'yan. Iiyak na 'yan," pang-aasar ni Luke. Kung hindi lang ako good mood ngayon. Malamang nasakal ko na ang isang 'to.
Pumalakpak ulit ang mga tao sa loob ng bar. Matapos ang ilang kanta nila ay bumalik naman kaagad sa pagsayaw ang lahat.