Chapter 9

926 39 9
                                    

Tamara Dilumaque

Nandito kami ngayon ni Zandrick sa kanyang bahay. Unang pasok ko pa lang sa bahay niya. Alam kong maliligaw na ako sa lawak at laki nito. Halos ilang hektarya na yata ito. Kompleto siya sa mga gamit. May mga bagay din akong hindi alam kung paano gamitin. Pero tawagin ko na lang daw siya kapag may kailangan ako.

"Ma'am, saan po ang punta niyo?" tanong sa akin ni Nanay Minda. Isa siya sa mga tagapangalaga nitong bahay ni Zandrick.

"Maglilibot-libot lang po ako," sagot ko.

"Ah, ganoon ba? Kailangan mo ba ng kasama?" aniya.

Agad akong umiling. Hindi ko na iistorbohin pa si Nanay Minda. Baka sumakit ang mga paa niya. May katandaan na rin kasi ito. At saka kaya ko naman. Matandain naman ako pagdating sa direksiyon.

"Salamat po, pero magpahinga na lang po kayo."

"M-mauuna na po ako, Ma'am Tamara. Maglilinis lang po ako sa loob," pagpapaalam niya sa akin.

"Sige po. Huwag po kayong magpapagod masyado, ah. At saka Tamara na lang po ang itawag niyo sa akin. Hindi po ako sanay na tinatawag na Ma'am. Hindi naman po ako titser."

"Nakakatuwa ka naman talaga, T-Tamara. Napakabait mong bata. Hindi nagkamali si Zandrick na ikaw ang unang dinala niya rito sa bahay niya," nakangiting sabi ni Nanay Linda.

"P-puwedi ko ho ba kayong tawaging nanay? Nami-miss ko na po ang Inang ko sa bukid namin..." Nakaramdam ako ng lungkot at pangungulila.

"Oo naman, Tamara. Walang problema sa akin. Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka, ha."

"S-salamat po, Nanay Minda."

Nang makaalis si Nanay Minda. Agad kong inilibot ang aking mata sa malawak na hardin ng bahay. Naaaliw ako sa mga bulaklak. Naaalala ko bigla ang aming bukid.

Kumusta na kaya sila Amang at Inang?

Napabuntung-hininga na lamang ako at naglakad-lakad na. Hinahaplos-haplos ko rin ang bawat nadadaanan kong bulaklak na may iba't ibang kulay. Ang pinakagusto ko ay ang kumpon ng mga santan. At saka ang mga rosas na kulay pula sa gilid nito.

"Mukhang nag-e-enjoy ka rito sa garden, ah?"

Napaigtad ako nang marinig ko ang boses ni Zandrick mula sa aking likuran. Lumingon ako sa kanya at agad akong napangiti nang makita siya. "Sweetheart! Saan ka galing?" nakangiti kong tanong.

Pero may bigla akong naalala tungkol sa kasunduan namin. Sinabi niyang walang pakialamanan. Hindi na dapat ako nagtanong baka magalit siya sa akin.

"Ah... sa-" pinutol ko na ang sasabihin niya.

"Ay! Hindi mo na kailangang sagutin pa iyon, sweetheart. Kumain ka na ba?" pag-iiba ko ng usapan.

"Huh? No- galing ako sa-"

"H-hindi mo naman kailangang sagu-" Napatigil ako sa pagsasalita nang biglang kumunot ang kanyang noo, habang nakatingin sa akin.

"Galing ako sa opisina. May meeting ako kaninang umaga sa isang investor. Mabuti na lang at na-close ko ang deal. Ang galing ko, 'no? Nasaan na ang premyo ko?" nakangiti niyang pagkukuwento sa akin. Napangiti na lang din ako. Nakakahawa kasi ang ngiti ni Zandrick.

"Ang galing naman! Ano ba ang gusto mong premyo, sweetheart?" tanong ko.

Lumapit ako kay Zandrick at hinayaan naman niya ako.

"Kiss lang, okay na."

Agad akong namula sa sinabi niya. Bakit ganoon ang hiningi niyang premyo mula sa akin? Hindi ba siya nandidiri? Hahalik siya sa janitress nila?

His Naive GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon