Chapter 03It's a yes!
Parang ayoko na tuloy lumabas ng apartment ko. Hindi naman sa ayaw ko siyang makita, natatakot lang ako kung ano'ng magiging kinahihitnan lahat ng gagawin niya sa akin.
Masyado akong overthinker when it comes to this, pero kasi mas mabuti ng may plano o kaya alam na ang kinahihinatnan lahat ng gagawin kong aksiyon. This is not new to me, but I always feel a certain effect whenever he is near me-and it's frightening.
"That's for today, see you tomorrow!" Pumalakpak si coach.
Diretso-diretso akong naglakad sa bag ko para kumuha ng tubig. Grabe, nakakapagod pero sobrang saya kasi gusto ko talagang maglaro ng volleyball. Since, when I was a kid my Ate taught me to play this. Pampalipas oras ko lang dapat 'to pero nagustuhan ko talaga siya, kaya ito sumali.
"Desteen, sama ka sa amin?" Tanong ni Gracey sa akin na siyang captain namin.
"Huh? 'Di na, kayo na lang," nginitian ko sila at sinabit na ang bag ko sa aking balikat. "Enjoy kayo,"
"'Di mo pa nga alam kung saan pupunta, e." Umakla siya sa braso ko. "Sa may resto lang tayo malapit! Libre ko naman kasi birthday ko! Birthday ko naman, e. Dali na, Desteen!"
Napakamot na lang ako ng batok dahil mahirap makatanggi dahil birthday niya at higit sa lahat libre pa. "Oh, sige. Happy birthday!" Nginitian ko siya at niyakap ng sandali. "Shower lang muna ako,"
"Yes! Sabay na tayo!" Madali niyang kinuha ang duffle bag niya at hinatak na ako papasok ng shower room.
Sa may Samgyupsal niya kami dinala, siguro mga pito lang kami kasi 'yong iba sinundo ng jowa nila o kaya naman may gagawin daw sila.
"May darating pa, ah?" Nginitian niya kami. "Wait lang natin pero order na tayo! Waiter!"
Bebs Tintin The GREATest🤫
Bebs, hindi ako makakapunta sa apartment ngayon may libre kasi si cap dito sa samgyupsal
Enjoy ka! Iuwi mo ako ng kimchi tsaka baboy hahahhahahaha
Gaga
"Hello?"
Napakunot ang noo ko ng may narining ako na pamilyar na boses. Nang iniangat ko ang tingin ko ay nakita ko si . . . Kiel?
"Bakit nandito ka?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Nandito ka rin pala—"
"Magkakilala pala kayo ni Kiel, Deesten? Paano mo nakilala 'tong bulok kong pinsan?" Gracey cut Kiel's word and also she look so shocked.
"Grabe ka naman sa bulok, Gracia!" Suway naman ni Kiel kay Gracey at sinamaan pa niya 'to ng tingin.
She mocked Kiel's before she looked at me. "Nililigawan ka nitong si Kiel?! Huwag kang maniniwala sa mga pautot nito! Puro salita lang 'yan!"
"Gracey!" Bakas ang galit sa boses ni Kiel nang sinaway niya si Gracey.
Agad namang tinaas ni Gracey ang dalawang kamay niya na parang sumusuko. "Ito 'di naman mabiro, tsk. Seryoso 'yarn?"
Parang gusto ko na lang tuloy lumubog dito sa kinau-upuan ko kasi may kasama na pala kami rito ng hindi ko napapansin. May limang lalaki na kaibigan yata ni Kiel na kaibigan din siguro ni Gracey base sa nakikita ko.
"Sorry . . . " bulong ni Kiel sa akin.
"Para saan?" Kunotan ko siya ng noo at umiling. "Wala kang dapat ika-sorry, wala ka namang ginawa."
![](https://img.wattpad.com/cover/301764775-288-k724296.jpg)
BINABASA MO ANG
Interview: A Relationship That Sadly Failed
Teen FictionThere was an interview, which discussed A Relationship That Sadly Failed. *** Deesten Chiara Corpuz is a 20-year-old student currently pursuing a degree in Business Administration with a major in Financial Management. She has many suitors. At the su...