Chapter 06Meet again
"Ang pogi! Mukhang professional!" Sigaw pa ulit ni Tintin.
"Bakla, tama na 'yan, tara na!" Hinila na ni Coleen si Tintin sa kanyang kaliwang kamay habang ako naman ay hinila niya sa kanan.
"Wait lang!" Pagpupumiglas naman ni Tintin habang nakatanaw pa rin sa building. "Hintayin nating makapasok sa building!"
Nakakahiya iyong sigaw ni Tin-tin kasi nasa part pa naman kami ng karinderya kung saan kumakain lahat ng nagta-trabaho sa building na iyon, ang Jeykey Corporation. Dream work place ko. Except sa kilala ito not only nationwide but also worldwide. Ang nakakatuwa pa ay malapit sa lugar kung saan ang bahay-isang jeep lang.
"May kausap na bigtime si Kiel," bulong pa ulit ni Tintin na tila proud na proud siya sa natamo ni Kiel.
Ako rin naman. Sobrang proud na proud sa kanya. Masaya ako for him, he already proved himself to other people na pinagchi-chismisan sila, na kaya niyang tumayo sa sarili niyang paa.
Proud ako sa 'yo, Kiel . . . sobra. Gustong-gusto kong isigaw ang katangang iyon sa kanya kaso . . . natatakot ako at nahihiya ako.
"Tama na nga 'yan, Tintin!" Suway naman ni Coleen sa kanya at tuluyan na siyang hinatak papalayo roon.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad kasabay sila at patuloy pa rin ang pagdakdak ni Tin-tin kay Kiel, na tipong sobrang saya niyang nakita 'yong taong 'yon.
"Ang pogi talaga niya!" Sigaw na naman ni Tin-tin at naunahan na niya kaming maglakad. "Malaglag panty 'yong suite and tie ni Koya! Kyaahh!" Nagtatalon pa siya habang sinasabi iyon.
"Gaga! Wala ka namang panty," kontra naman ni Coleen sa aking tabi.
"E 'di brief! Gaga!" Irap ni Tintin tila para siyang naasar sa sinabi ni Coleen. "Basta talaga kapag nakita ko ulit si Kiel magpapa-autograph talaga ako!"
"Gaga, hindi naman artista 'yon," hinala ni Coleen ang manggas ang damit ni Tin-tin para makasabay siya sa paglalakad.
"Artista lang ba puwedeng pagpa-autograph, momsh?" Sarkastikong tugon niya.
"Tara na nga," sumingit na ako baka magaway na naman sila. "Maga-away na naman kayo."
Hinawakan ko na ang kanya-kanya nilang kamay at hinala na. Maganda dapat ang mood ko ngayon dahil kakatapos lang ng finals namin-celebration dapat namin ito kaso ayon . . . nakita ko na ulit siya makalipas ang dalawang taon.
Ang tagal na pala. Nakaya ko pala 'yong dalawang taon? Kakayanin ko pa kaya sa mga susunod na taon?
Mahal ko na ba siya? Oo . . . basta ang alam ko oo ang sagot ko roon. Mahal na mahal. Huli na, e. Hindi na kasi puwede. I tried naman, pero wala, e.
May iba na raw kasi . . . hindi na ako.
***
"Deesten, 'asan ka na?"
Nagtatakbo na ako papuntang village kung saan siya magpapatayo ng bahay nila. Nuong nakaraan pa kasi niya ako pinipilit tignan 'yong design ng bahay pati 'yong lupa.
Pinatayan ko na siya ng phone dahil tanaw ko na sila. Dapat pala nagtricycle ako papasok ng village, ang layo ng nilakad ko. Hindi ko ine-expect na ganuon kalayo, akala ko kayang lakarin. Feel ko nga nakapunta na ako sa ibang bansa sa sobrang layo.
Hinga-hinga ako ng malalim bago lumapit kanila ate. "Baby ko!" Sigaw ko sa pamangkin ko at nakawide ang kamay ko habang tumatakbo papalapit sa kanya.
"Tita!" Salubong niya at niyakap ako agad.
![](https://img.wattpad.com/cover/301764775-288-k724296.jpg)
BINABASA MO ANG
Interview: A Relationship That Sadly Failed
Teen FictionThere was an interview, which discussed A Relationship That Sadly Failed. *** Deesten Chiara Corpuz is a 20-year-old student currently pursuing a degree in Business Administration with a major in Financial Management. She has many suitors. At the su...