Chapter 08

204 5 1
                                    


Chapter 08

Proud of you

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko—kagabi pa siya actually at hindi nga ako makatulog kagabi. Kung hindi pa ako nakita ni Kuyang mulat na mulat at pumapapak ng cake sa rep ay hindi pa ako matutulog. Kasi literal ba naman na hinila ako sa kwarto niya at pinatulog ako sa tabi niya. Scammer din 'tong si Kuya, na ang sabi ay maliit ang kama niya, ulol.

Huminga ako ng malilim bago ako pumasok sa restaurant na sabi ni Kiel kung saan kami magkikita. Inagahan ko ang punta ko para sana makahinga at maging komportable ako sa upuan ko, kaso laking gulat ko na lang pagpasok ko sa resto ay nakaupo na si Kielven sa at nakatingin sa akin.

No'ng nakita niya akong pumasok ay agad siyang tumayo at ngumiti sa akin. Iyong ngiti niyang gustong-gusto ko laging nakikita, ang mga ngiti niyang namiss ko. Ilang araw din kaming hindi nagkita.

"Hi," he smiled in front of me.

Kakaiba ang mga ngiti niya. Hindi ko maipaliwanang kong ano klase ang ngiti niyang binibigay sa akin. May pahiwatig, e. Pahiwating na ako mismo ay nakaramdam ng takot na hindi ko maintindihan kung bakit.

"Hello," I smiled also.

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin. Sobrang higpit, tipong ayaw na niya akong pakawalan.

"I miss you so much . . ." he whispered while his faced is in my shoulder.

Takot. Takot na nararamdaman ko sa araw na nakita ko silang dalawa ng Mommy niya, na hindi ko maramdaman ngayon habang yakap niya ako.

Nangingibabaw kasi sa akin na may dahilan siya, hindi niya gagawin iyon sa Mommy niya. Pinipilit ko iyon sa sarili ko, pero pinipilit ko na nga lang ba ang sarili ko para kahit paano gumaan ang bigat ng damdamin ko?

Tinapik ko na lang ang braso niya bago ako humiwalay ng yakap at dumeretso na sa upuang inalalayan niya akong makaupo.

"Let's eat?" He smiled and raised his hand to get an attention to the crew.

Iniabot na sa amin ang menu. Napakunot ang noo ko habang tinitignan ang laman ng menu. Bakit ang hirap naman nitong basahin?

Appetizer
Hors-d oeuvre...

Huh? Nabobo na yata ako. Halos gusto ko ko na lang magpakain sa lupa dahil baka mapahiya pa ako.

May pa-api-apitizer pang nalalaman. E, kami nga 'pag may pagkain bira agad at paramihan ng cup of rice.

"Dito talaga?" Mahinang bulong ko sa kanya. Mabuti na nga lang umalis 'yong waiter.

"Huh? Bakit? May problema?" Litong siyang napatingin sa menu.

"Ah, wala-wala, hehe." Nagiwas na lang ako ng tingin. "Ano order mo?"

"Ito tiyaka, ito." Sagot niya habang may tinuturo sa menu.

"Iyan na lang din sa akin," nginitian ko siya.

Ayaw kong ipahiya ang sarili ko sa harap ni Kiel, kahit alam naman niya talaga ang ugali ko. Huwag lang ngayon, ngayon na nagkita ulit kami.

Matapos kaming nakapag-order ay tila may dumaang anghel sa harap namin dahil walang gustong magopen ng topic.

Parang panatang na ako sa ganito. Na nakikita ko siya at malapit siya sa akin kahit hindi na siya umimik at magsalita, basta nakikita ko siya, ayos na ako.

Oo, ang sakit kasi may hint na ako e. May hula na ako kung bakit niya ako pinapunta rito. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman iyon e.

Gusto kong maiyak. Gusto kong ipahiwatig na sa kanya lahat ng nararamdaman ko. Gusto nang sumagot ng 'oo' sa kanya, ora mismo. Pero may puwersang pumipigil sa akin, hindi ko alam kung ano iyon.

Interview: A Relationship That Sadly Failed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon