Chapter 11

63 1 0
                                    


Chapter 11

Viral

"Kiel . . ."

Mukha na akong tanga siguro kung titignan. Hindi kasi mawalay ang tingin ko sa kanya. Nuong huling kita ko kasi sa kanya ay nuong nagaya sila Tintin malapit sa pinagta-trabaho-an niya.

Naglakad siya papalapit sa akin kaya halos mawalan na ako ng hinihinga kada hakbang niya.

"Kumusta?" Agad na tanong niya ng makalapit.

Ako'y ngumiti habang nakatingin sa kanya. "Ayos lang. Napadaan ka?"

"Galing akong registrar. Puwedeng maupo?" Agad akong napaatras upang paupo-in ko siya sa aking tabi. Ang upuan naman ay isang mahaba na katulad sa bus station na kakasya ang tatlo.

"Ano'ng ginawa mo?"

"Kukuha ako ng cerficate of graduation ko. Dalawang taon na akong graduate hindi ko pa rin naaasikaso," tumawa pang sabi niya. "Ikaw, ba't nandito ka? Wala kang pasok?"

"May interview ako," natawa pa ako ng mahina. "Masyadong makulit si Tintin, hindi niya ako tinantanan dito sa interview na 'to,"

Inalala ko lang kung paano niya ako napa-oo, napailing-iling na lang talaga ako. Halatang pinilit at ginamit pa niya ang kahinaan ko e-ang pamilya ko.

Alam kong simpleng hiling niya lang ito at hindi naman ako nagagalit duon, ayaw ko lang sigurong may makaalam ng nararamdaman ko o parang manipulate 'yong utak ko habang ine-interview ako.

Para naman 'to sa grades ni Tin-tin at para sa sarili ko na rin. Gusto ko maimprove 'yong self confidence ko dahil siguradong pagkatapos kong mag-aral ay hindi na puwedeng hiya hiya kung gusto ko magkaroon ng maayos na buhay.

"Yeah, right." Sumabay siya sa mahinang tawa ko. "I remember Tintin, a journalism student na sobrang kulit."

Nailing-iling na lang ako sa sinabi niya.

"How about Coleen? This is her last year here, right?" Napatingin siya sa akin.

"Ay, hindi," umiling ako. "Limang taon ang architecture so bali sabay sabay kaming magmamartiya-kung papalarin,"

"It should be," he smiled. "I believe in you . . ."

Napatigil ako. Nagloading yata ako.

". . . the three of you, I mean."

Paasa ka naman, koya.

"S-salamat . . ." nahopia ang Lola mo.

Gusto na lang tuloy lumubong sa lupa tapos magpakain sa mga uod. Umaasa na naman ako e. Putakteng puso kasi 'to, ang bilis ng tibok akala mo may kalaban.

Ilang minuto rin kaming tahimik. Nakatingin sa langit at ang mga dumadaan dito sa hallway. Napapaisip na lang ako na ganito kaya kami kalapit ni Kiel kung sinagot ko agad siya?

Gumuhit na naman ang kirot sa puso kong matagal kong ipinahinga pero bumalik na naman. Kahit anong iwas talaga kapag nakikita ko siya bumabalik 'yong sakit at mga what ifs.

What if, mas inagahan ko ang pagsagot sa kanya? What if after kong malaman na wala na ang Mommy niya, pumunta ako? What if dinamayan ko pa siya lalo? What if . . . ayoko na ng what if, masyado nang masakit.

Kinalma ko ang sarili ko, ayaw kong umiyak sa kanya. Siguro kahit paguwi ko na lang ako umiyak, huwag lang sa harap niya.

"Ikaw naman, kumusta ka?" Magtigil ko sa katahimikang namamayani sa amin.

"Doing good," he smiled habang nakatingin sa malayo. "Hindi man maayos pero umuusad-nagpapatuloy."

I bit my lower lip to prevent myself to cry in front of him. Napakatatag niyang tao. Hangang hanga ako sa kanya. Hindi ko masabi 'yong tamang word to describe him. I'm just speechless.

Interview: A Relationship That Sadly Failed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon