051

212 8 5
                                        

[NARRATED]

Alice's POV

"Angela halika nga dito." pag tawag ko sa kaibigan namin na kanina pa asa cr. "Nanonood ako mamaya na." sagot niya. "Kanina ka pa diyan tangina mo hindi mo paba nalalabas sandamakmak na nakain mo kanina?" pag aasar ni Audrey.

"Nanonood ako happy three friends, patapos na manahimik kayo." napasapo kami ni Audrey ng noo at hinayaan nalang siya.

Kanina pa ako hindi mapakali, alas-otso na din pero hindi pa umuuwi si Timothy, sobra na akong nag-aalala. Pero may part sa'kin na iniisip ko na baka kasama niya 'yung bagong student, I hate overthingking tangina baka lalo akong ma stress.

"Kanina kapa gan'yang tanga, 'wag mo na muka kasi isipin si Tim, uuwi din 'yon." saad ni Audrey, siguro napansin niyang kanina pa ako balisa, pero hindi ko talaga mapigilan mag-alala.

"Hoy gago nag chat na si Mama, pinapauwi na ako." sabay kaming napatingin sa kalalabas na si Angela habang nakatutok padin sa pinapanood. "Mag-isa mo lang umuwi?" tanong ko, tumango naman siya.

Tumingin ako kay Audrey, "Samahan mo na umuwi 'yan, magkalapit lang naman kayo ng bahay."

"Pa'no ka dito?" sabay nilang tanong. "Andito naman si Huan, I'll just lock the door nalang after niyo umalis para safe." ngiti kong sabi, tumango naman sila at ngumiti din.

Lumabas na kami ng kwarto at hinatid ko sila papunta sa pinto papalabas. "Ingat kayo." saad ko bago sila lumabas. "Ikaw din, 'wag ka papaka stress." paalala ni Angela kaya tumango nalang ako.

Pa'no ako hindi maiistress, anong oras na wala padin si Tim.

Mr. Starbucks [Epistolary]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon