[NARRATED]
"HOY GAGA MAY NAG REPLY SA PHONE!" muntik na kaming mahulog sa sofa ni Audrey nang biglang sumigaw si Angela ng napakalakas mula sa kwarto. Chinarge niya kasi yung phone na nakita namin, bigla nalang nag power off nung bubuksan sana namin, walang passcode eh.
Tumakbo si Angela palabas ng kwarto at lumapit sa'min, dala dala ang phone. She put the phone infront of us, nakalagay Asshole tapos 'yung chat is 'Stop'.
"Open mo, stalk natin." nagmamadaling sabi ni Angela, pipigilan ko na sana sila kaso wala eh, nabuksan na. Wala namang mawawala kung makikichika kami diba. "Wait kunin ko 'yung chips na binili niyo." pagpapaalam ko sakanila at pumuntang kusina.
I put all the chips na binili nila sa paper bag para isahan lang when suddenly I heard something, banda siya sa bintana kaya agad akong napatingin do'n. And before lapitan ko 'yung salamin, nakarinig ako ng panibagong ingay, parang tumakbo.
What the fuck, may nang iistalk ba sa'min?
"ALICE, GAGA KA HALIKA DITO BILIS." sabay na sigaw ng dalawa kong kaibigan, hindi na ako nag abala pang tumakbo papunta sakanila habang hawak ang dala kong chips. Nilapag ko 'yun sa harap nila, they look at me with a meaningful look and suddenly and me the phone.
"It's better if you read this by yourself." wika ni Audrey.
It's a conversation, ito 'yung nag chat dito sa phone. The worst is, acc ni Timothy 'yon.
