097

146 4 0
                                    

[NARRATED]

Alice's POV

Nagising ako bigla dahil sa pagsara ng pinto, nakita ko'ng pumasok roon ang dalawa ko'ng kaibigan. "Oops sorry, did I wake you up?" pagpapaumanhin ni Angela pero umiling ako. "Mukhang kanina pa naman ako nakatulog kaya ayos lang." sagot ko naman.

Lumapit sa'kin si Audrey habang may hawak itong soup sa kamay. "Kain ka na, para may lakas ka." ngumiti ako. God, binabawi ko nang sobrang malas ko, kasi kun tutuusin, sobrang swerte ko. I have my two bestfriends that's always here by my side. And also Xavie to help me escape.

"Nginingiti mo 'jan? 'Di na ata hospital kailangan mo, mental na." ay God binabawi ko na po ulit. Inis ko'ng inagaw kay Audrey ang soup na hawak niya habang patawa-tawa naman silang dalawa dahil nakapuntos nanaman sila. 

"Pag ako talaga may lakas nang gumalaw galaw makikipag barilan ako sainyong dalawa." susubo na sana ako nang biglang umiyak ng kalakas si Angela at ito namang si Audrey mukhang pinipigilan ang pag-tawa.

"Wag mo pinapaalala ang baril baril na 'yan 'jan sa babaitang 'yan." tinignan ko si Audrey ng patanong na tingin, ano nanamang meron? "Ano nanaman kagagahan ginawa niyan?" tanong ko. "Nakabaril ng aso." muntik ko nang mabugahan 'yung soup ko nang marinig ko 'yon.

Aso? Punyeta?

"Hoy hoy, ang sama mo!" sabi ko rito pero ang gaga patuloy lang sa pag iyak. "Ano ba, kumain ka na nga lang 'jan 'wag mo na paiyakin 'to." suway ni Audrey sa'kin at nilapitan si Angela para patahanin. Jusko ako na naaawa para sa aso.

Mr. Starbucks [Epistolary]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon