[NARRATED]
Audrey's POV
Nang mabasa ko ang message ni Xavie ay agad ko itong sinabi kay Angela, buti nalang at nakatulog pa si Alice dahil kung malalaman nito ay siguradong magpupumilit itong pumunta kung nasaan si Timothy.
Awang-awa na ako sa kaibigan ko, akala ko matutuwa ako dahil meron na siyang forever, pero hindi ko naman inexpect na aabot pala sa gan'to, halos mamatay na siya! Binigyan pa ako ng baril eh 'yung dahon lang ata ng puno 'yung mga natatamaan ko kanina.
Sa tingin o gawin ko nalang remembrance 'yung baril na binigay ni Timothy, hindi naman ako marunong.
"Let's visit Timothy later pagkatapos natin bumili ng pagkain ni Alice." I nodded. Kanina pa mukhang seryoso si Angela, I can tell she's really really concern to our friend, Alice. Maski naman ako pero iba talaga ang dinadalang aura ni Angela ngayon.
She's so cold and I can't even talk to her properly because she's always spacing out.
"Are you okay?" tanong ko, tumingin siya sa'kin at agad ko'ng kinagulat nang makita ko siyang umiiyak na parang bata.
"N-Natamaan ko 'yung aso k-kanina." eh?!
