PROLOGUE
Normal na araw lang at weekend ngayon kung saan dagsa ang mga tao sa kani-kanilang destinasyon. Ang iba ay mamamasyal at ang iba ay magbabakasyon.
Just like what's going on sa isang airport sa Manila. Maraming dumagsang turista at marami naman ang paalis nh bansa, para siguro sa trabaho o magbakasyon.
"Hanapin nyo! Andito lang ang pasaway na anak ni Senyora!" Anang ng isang bodyguard sa mga kasama nito. Well, may pinapagawa lang naman ang kanilang amo na si Senyora Thea ukol sa pinaggagawa ng anak nitong bunso na si River.
Andito sila ngayon sa airport para abangan ang bunsong anak ng amo nila. Hindi para sunduin,kundi para ito'y harangan at pabalikin ng Italy. Nakakuha sila ng sources ng oras ng paglapag nito at ng litrato nito na suot ang isang shades at diumano'y nakasuot din ito ng black pants and striped longsleeves at kulot din ang buhok nito.
Kilala bilang pasaway si River at hindi nya hahayaan na maiisahan sya ng mga tauhan ng kanyang ina kaya inunahan na nya ang mga ito. Hindi lingid sa mga ito na kanina pa nakalapag ang eroplanong lulan ng dalaga at mukha ito ngayon tuwang tuwa na pinapanood sila sa gilid while sipping her coffee. She smirked as she saw them na parang hindi mapakali.
She's just wearing an ordinary hoodie and shades. Kilala sya ng mga ito na mahilig magsuot ng magaganda at magagarang damit but not this time. Para sa kanya, magtutuos pa sila ng kanyang ina at ng kaisa-isang lalaki na di nya alam kung minahal ba talaga sya.
Wala syang ideya at basta nalang sya pinaalis ng kanyang ina noon, dahil lang sa ayaw nito kay Jewel para sa kanya.
Now she already finished her studies and came back to become more powerful. Nope, she came back much stronger and powerful.
Fully confident syang naglakad papunta sa parking lot ng airport kung saan iniwan ng kaibigan nyang si Scarlett ang isang sports car. Bilang may-ari ng airport ang pamilya ng kaibigan, mas madali syang nakabalik sa Pilipinas,malayong malayo sa inaasahan ng kanyang ina.
She's droving off the BMW and turned on the sounds. Buong lakas syang sumabay sa kanta. For her, this is like her freedom.
Papunta sya ngayon sa private lunch ng isa sa mga head ng Cinco. Magmimeet na sila ng isa sa mga architect na nag offer sa kanya ng trabaho dito and she gladly to accept it para maisakatuparan ang mga plano nya.
Well,not really na ito ang nag offer. Nirecommend lang sya ni Carmela sa kapatid nito at kahit ayaw nila ni Kate sa isa't isa,inofferan pa rin sya ni Kate at tinanggap pa rin nya.
Mamaya nga ay ipapakilala sya bilang isa highly skilled engineer sa private meeting with her Mom. Yes, Senyora will be also there bilang isa ito sa stockholders ng sister-company ng Cinco.
Nang marating ang Cinco ay agad nyang nakita roon si Kate na nag aabang sa kanya. As soon as she arrived,she tossed the key at the valet para ito na mismo ang magpark ng sasakyan.
"How's flight?" Salubong sa kanya ni Kate.
"Oh dear, come on. Don't be like a concern citizen."
"Walang pagbabago. Kung may choice lang ako,hindi ko gugustuhin na makatrabaho ka."
Natigil sa paglalakad si River at hinarap sya. She smiled na mas lalong kinainis ni Kate.
"The feeling is mutual." Binaba nya ng kaunti ang shades at kumindat kay Kate bago ito nagpatuloy sa paglalakad.
Kuyom na kuyom naman ang kamao ni Kate bago nito sinundan ang matangkad nitong bagong katrabaho.
~
Sa isang dako naman,aligaga at di mapakali si Senyora. Kanina pa ito palakad lakad sa isang conference room ng Cinco.
At habang palakad lakad ito ay tumunog ang phone nito na kaagad nyang sinagot.
"Balita? Nakita nyo na ba? Napabalik nyo ba ng Italy?!"
[Ma'am sorry. Maling babae yung nasa picture. We checked the cctv's at iba po ang suot ni Miss River.]
"Mga leche!26 years old lang ang anak ko na yon,naisahan pa kayo?!" Napapikit sa galit ang ginang "Bueno, hanapin nyo!Baka di pa yun nakakalayo! Pilitin nyong mapabalik yan ng Italya! Hindi babalik si River dito hangga't hindi natutuloy ang kasal ni Jewel kay Leanna!" Aniya bago nito binaba ang tawag.
"Ma,the special guest is already here na." Bulong sa kanya ng anak nito na si Lorraine, ang panganay sa tatlo nyang anak habang ang nag iisa nyang anak na lalaki ay prenteng nakaupo lamang. "You looked so distressed."
"Paano,mukhang naisahan ng bunso nya." Echo smirked.
"Mukhang andito na sa Pilipinas ang kapatid nyo."
""What's wrong with that? Wala namang mali kung gustuhin nyang umuwi. Ma,it's been a long 8 years. It's been a long overdue."
"Not unless na matuloy ang kasal ni Jewel at Leanna."
Napairap at napabuga nalang ng hininga si Lorraine sa inasal ng ina. Hindi talaga papatalo ang kanyang ina at lagi pa itong may issue sa buhay pag-ibig nilang magkakapatid.
Para sa kanya, si Echo ang pinaka maswerte dahil naipaglaban nila ni Carmela ang relasyon nila laban sa ina nila,ilang buwan nalang ay ikakasal na sila. Ang issue nito ay dahil sa ninuno ni Carmela habang ang issue naman nito sa kanila ni Sean ay ang Family Business nito.
Ang babaw diba? Pero walang nagawa si Lorraine. Masaya na ito sa kanyang asawa at hiling nalang niya ay ang masayang buhay para kay Sean.
"Excuse me, the special guest is already here." Pumasok ang isang Engineer at kasunod nito ay ang isang babaeng nakahoodie lang.
Ganon na lamang ang gulat nila nang tanggalin ng babae ang shades nito at ang kanyanh hoodie.
"River? Ikaw ang special guest?" Gulat na tanong ni Echo na napatayo pa sa pwesto nya.
"Surprise?" Aniya at naupo ito sa pinaka dulong upuan. "Ganito pala iwelcome ng Don Maximo Brewery. How boring."
Manghang nakatingin sa kanya ang lahat,lalo na ang kanyang ina at mga kapatid.
"Ano na namang kalokohan ito,River? Bukas na bukas din bumalik ka ng Italy!"
"I won't." She smirked at makikita sa mga tingin nya ang pagmamatigas. Kung magmamatigas man ang kanyang ina,para sa kanya ay dapat mas matigas sya.
~
Natapos ang meeting na yun na puro pagsaway lang sa kanya ng kanyang ina ang mostly na naririnig pero pinagwalang bahala nya yun.
Nang matapos ang meeting ay naunang lunabas si Senyora at ang iba pang kasama sa meeting. Nagpaiwan lang sya at ang Ate Lorraine nya.
"I'm glad you've made it. Ayos ba yung acting ko?" Lorraine playfully smiled at her.
"You know what Ate,hindi ko akalain na effective pala ang natutunan mo sa pagsali mo sa Theater Clubs nung Highschool ka." She smiled.
Yes,indeed. Alam na alam ni Lorraine na parating ang bunso nitong kapatid at isa sya sa umasikaso ng mga kailangan nito para pagkauwi nito sa Pilipinas,komportable na ang kanyang kapatid.
Pero hanggang doon lang ang nagawa nya dahil wala itong kaalam alam sa mga pinaplano ng kanyang kapatid. Ang alam lang nito ay atat na itong makauwi ng Pilipinas.
All of River's plans was focused for what was left behind.
~