Chapter Six

10 4 4
                                    

Chapter Six


Sa huli, napagpasyahan din ni River na sagutin ang tawag ng Boss niya na si Engineer Lausingco. Medjo kinakabahan siya at alanganing ngumiti dahil sa posibilidad na baka nagsumbong nga rito ang EJ na yun.

"Yes, Mr.Lausingco?" Hawak-hawak niya ang dibdib at hinahanda ang sarili sa puwede nitong sabihin.

Oo, mataray siya at palaban pero nililimitahan naman niya ang actions niya lalo kung wala naman ginagawa sa kanya...minsan.

[I just wanna ask something.] Seryoso ang boses nito kaya mas lalo siya kinabahan.

"Go ahead." Inilayo niya ang sarili sa phone at huminga ng malalim. Medjo kinakabahan talaga siya.

[You're in Isla Verde right?]

"Yezzir."

[Enough of that yezzir. Be a professional.] Umirap si River sa komento ng kausap niya. [Have you seen someone with a soft and heart-shaped face there?]

"Mr.Lausingco, sa dami ho ng tao dito hindi ko po alam kung may nakasalamuha ako na ganyan ang description."

[Oo nga naman.] Rinig niya na sabi nito sa kabilang linya. [I just called to check to that someone.]

"Yun lang ba, Mr.Lausingco?"

[Bakit? Meron pa ba?  May dapat pa ba ako malaman?] Tanong ni Shin mula sa kabilang linya na nagpipigil ng tawa.

Shinubo knows what River did to his cousin. Halos mamatay siya sa kakatawa nang magsumbong ang pinsan nitong si EJ. Pinagwalang bahala lang niya ang issue ang dalawa kaya wala siyang balak sermunan si River at di rin naman niya masisisi ito so he decided not to open the topic.

"Wala na. Baka you need something pa, that's why." Huminga ng malalim si River. Sa tingin niya ay walang nalalaman ang Boss niya pero ang di niya alam, pinagtatawanan siya nito.

[Okay, have a good night.]

Right after she dropped the call, isang panibagong tawag na naman ang natanggap niya. It was Carmela.


"Hi, Ate Carmela!" Nakangiti pa siya at tuwang tuwa na binati ang tumawag.

Pero napawi ang ngiti na yun nang marinig ang isang pamilyar na boses.

[Anong Ate Carmela? It's me, your Mom!] Nilayo ni River ang phone sa tenga niya dahil sa sigaw ng kanyang ina. [Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan! Ano't suspended ka pala? Hindi ko pa malalaman kung di ako nagpunta sa opisina mo!]

"Mom, relax. It's part of my life and part of your reputation."  Aniya and she take a look at her fingernails. Natutuwa talaga siyang asarin ang sarili niyang ina.

[Part of reputation your face! Ano nalang ang sasabihin ng mga nakakakilala sa'yo? Sa atin? Na ganyan kita pinalaki?]

"Kung ano yung puno, yun yung bunga Mom. Wala nang kataka taka dun."

[River, umayos ka kung ayaw mong puntahan kita ngayon diyan!]


Pilyang tumawa si River sa sinabi ng ina.

"Hehe. Love you, Mom!" Aniya bago mabilis na pinatay ang tawag bago pa siya tuluyang bugahan ng apoy ng kanyang ina.




Mabilis na lumipas ang dalawang linggo nang makatanggap siya ng tawag mula sa Cinco para ibalitang na-lift na ang suspension niya. Hindi niya alam kung matutuwa ba siyang balik trabaho na siya o hindi dahil bitin ang bakasyon niya.

All That's LeftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon