Chapter Eighteen
Months have passed mula noong nakuha ni River ang anak mula sa ampunan at ngayong week din na ito ay kailangan na niyang maipasama ang anak sa nakatatandang kapatid papuntang New York lalo at lumiliit lalo ang mundo para kay Jewel at Quinn.
"Be good to your Tita Lorraine and Tito Mau ha. Huwag ka makikipag away sa US. Baka manggulpi ka na naman doon." Anito matapos basahan ng kwento ang bata bago matulog.
"Susunod ka naman po doon, di'ba?"
River nods. She also kept thinking about following them after six months. Kailangan lang niya tapusin ang mga natitirang proyekto niya sa Cinco.
"Tatapusin lang ni Mommy ang work niya dito then susunod na ako, don't worry." She gave a soft smile to Quinn.
When it comes to Quinn, naglalaho bigla ang malditang River na kilala ng lahat. Ginaguide kasi siya lagi ng Ate niya at laging pinapaalalahanan na kailangan niyang maging isang magandang ehemplo para sa anak.
When Quinn was already asleep, pinagpatuloy na niya ang pag iimpake ng iba pang gamit nito at tinutulungan siya ng kasambahay. Well, she's just making sure that Quinn will be good there kahit alam niya sa sariling hindi naman ito pababayaan ng mag-asawang Lorraine at Maurice. Bukas na ang alis ng mga ito habang siya naman ang magchecheck sa anak ng Ate niya na mag-sstay sa poder ng Biological Father nito.
Kinabukasan, maaga niyang hinatid ang bata sa airport. Nadatnan na niya roon ang mag-asawang Lorraine at Maurice kasama ang anak nilang lalaki at bunso na si Sage na karga ng ama.
"Sure ka na ba, River? Wala nang atrasan to." Paniniguro ni Maurice sa kanya. River nodded.
"100% sure. Para sa kanya din naman to."
Ginulo ni Lorraine ang buhok niya na kinainis niya. Ayaw na ayaw niya ang nahahawakan siya sa ulo but she can't blame her Ate. Alam niya ang gestures nito kapag natutuwa or proud sa kanya.
"Nagma-mature ka na. Hindi ka na selfish."
"Ate!"
Nagtaka siya sa nireact ng Ate niya. Nanlalaki ang mata nito, maging si Maurice ay parang gulat sa nakikita nito sa likod.
"Jewel is here. Dali na tayo. Mauuna na kami."
Nilingon niya ang likuran niya at nakita roon si Jewel na kayakap ang ina nito at mukhang inihatid din ito sa airport. Agad din niya sinenyasan ang kapatid at ibinigay rito ang mga bagahe ni Quinn.
Nang masiguro niyang nakapasok na sa designated Gate ang mag-anak at ang anak niya ay sinilip din niya agad si Jewel. Nakita nito na pumasok ang ina nito sa ibang Gate. Pinagdarasal na lang niya na sana hindi siya nito nakita at ang Ate niya.
Papasok na siya sa kotse niya nang may mag-salita mula sa likod niya.
"Hey River, you're here?"
"Ay jusmiyo." Sa gulat niya ay hinarap niya ang nagsalita. It was Jewel.
"Ano ba? Ang hilig mo pa rin manggulat! Nakakainis ka talaga kahit kailan!" Sapo-sapo nito ang dibdib dahil sa kaba. Kanina pa siya ninenerbyos na baka makita siya ni Jewel at heto na nga.
"Seems like you're panicking." Aniya. "What are you doing here?"
"Bawal ba ako magpunta dito? And why the hell do you care?"
"Nagtatanong lang eh. Sungit mo talaga."
"So what? Ako hindi kita tinanong kung bakit mo hinatid ang Mommy mo,wag mo ako paandaran jan ha."