Chapter One
Mini Flashback 8 years ago...
"River, papicture naman!"
Dagsa ang ilang tao sa isang ginaganap na shoot sa isang studio sa Manila. Aniya, ito raw ang fans club ng baguhang modelo na nagngangalang River May Torres.
River was a known model for quite some time and at the same time, kilala din sya bilang isa sa mga anak ng mga may-ari ng Don Maximo Brewery, ang kumpanyang kung saan nanggaling ang mga sikat na brand ng Kape at Alak sa loob at labas ng bansa.
But River wasn't interested in their Family Business that's why hindi sya nag-take ng Business Course na ikinagalit noon ng kanyang ina.
She doesn't care about any Business Publicity. Gusto lang nya maging isang Engineer at Model. Para sa kanya,tama nang alam ng lahat na anak sya ni Senyora Thea at Don Maximo and not as a future businesswoman.
"Okay na! Okay na! Tama na, pagod na si Miss River!" Awat ng kanyang Manager sa kanyang mga tagahanga habang ang kanyang P.A at driver ay tinataboy na ang mga ito para makasakay na sa sasakyan kanilang alaga.
"Gosh, that was stressful ha. I never expect na marami ang pupunta here." Ani River na nagmamadaling sumakay sa loob at pinagtatanggal ang kanyang make-up sa mukha. "Di na tayo uulit doon kung dun uli ang set ng shoot. Ang super init ha." Reklamo nito sa manager.
"Yes River,I'll make sure of that."
"Yan din sinabi mo last month." Umirap sya rito at binalingan ang driver. "Anyway,just drop me off at the Home Gallery"
"Kikitain mo na naman ba ang anak ni General na si Jewel, Miss River?" Tanong ng P.A nya na si Rica.
"Baka malaman yan ng nanay mo, Miss River. Pare-pareho tayong lagot nito."
"Walang mananagot if hindi kayo magsasalita." Duro nya sa mga ito.
Bilang may attitude si River, ay hindi na nila binalak pang pigilan ito. Nakailang palit na ito ng mga tauhan dahil lang sa di nasunod ang gusto nya at parepareho nilang ayaw mawalan ng trabaho.
They dropped her off at Home Gallery as what she requested. Mabuti nalang at magaling sa pagdidisguise si River kaya wala gaanong nakakakilala sa kanya.
As soon as she entered the Home Gallery,agad syang pumwesto sa paborito nilang pwesto ni Jewel.
45 minutes have passed pero wala paring Jewel na dunarating sa Home Gallery. Medyo naiinip na siya dahil kanina pa siya pinagtitinginan ng mga tao dahil siya lang ang walang kasama at kung minamalas nga naman, puro mga mag-jowa pa ang mga narito.
Saktong pagtayo nya sa pwesto nila ay ang pagpasok naman ni Jewel. Inirapan niya ito.
"Sorry, I'm late." Anito. "Dad set me up a blind date kaya hindi ako makatyempo."
"Hindi ka naman na-late, super late lang." Ani River. "Isn't it unfair? Ako, nakakagawa ng paraan para lang magkita tayo tapos ikaw hindi? Ni wala ka man lang pasabi?"
"River, that's my Dad. Ayoko namang sumama ang loob niya sakin."
"Kaya okay lang na sa akin mo ibigay yung sama ng loob? Ano silbi ng phone mo? Ni text, kahit dot lang wala!" Aniya River sabay dinampot na ang pouch nito na nakalagay sa mesa saka nilampasan si Jewel pero hinawakan nito ang braso nya.
"Not now. I'm tired of your excuses. Uuwi na lang ako." Saka nito binawi ang braso niya at umalis na.
Patago silang nagkikita ni Jewel dahil ayaw nyang malaman ng kanyang ina na nakikipagkita siya rito kay Jewel. Kamakailan lang nang paghiwalayin nito ang kanyang Ate at ang nobyo nito at ipinakasal sa isang Chinese Businessman ang kanyang nakatatandang kapatid.
Ayaw nyang matulad sa kanyang Ate lalo at alam nila pareho na ayaw ni Senyora Thea kay Jewel sa hindi malamang dahilan.
~
Back in Present
Kasalukuyang inaaral ni River ang magiging first project niya with Cinco. Kasalukuyan siyang nasa isang exclusive condominium na kinuha ng kanyang Ate last month pa. Fully furnished ito at sila lang ng isang kasambahay ang naroon.
[I already got the car key, Girl. Sorry I can't welcome you personally. Ya know,I'm with my Mom. I'll make bawi nalang next time.]
Isang text ang ipinadala ng kaibigan niyang si Scarlett matapos nito kunin na ang BMW.Since her Ate bought her very own car, kailangan na niyang ibalik kay Scarlett ang hiniram niya.
Isa-isa niyang nirereview ang blueprints na iniabot sa kanya kanina. Engineer Hercules Villanueva will leave for Isla Verde kaya sa kanya natransfer ang iba pa nitong projects. Nasimulan na rin naman na ang mga yun at madali na lang sa kanya ang tapusin ang mga yun.
"Ma'am, ready na po ang hapunan." Tawag sa kanya ng kanilang kasambahay sa intercom kaya tumayo na siya. Kanina pa siya nagugutom kaya hindi niya palalampasin ang pagkain ngayon.
"Alexa, turn off the lights."
~
The next day, maaga siyang pumasok sa Cinco. She's wearing her corporate attire and Black Heelsand she's also wearing her make-up. Nakalugay din ang kinulot niyang buhok kaya halos lahat ng nakakasalubong niya ay napapatingin sa kanya.
Looks like they just passed with a Super Model but River chose to ignore it.
"Good Morning Miss River, I'm Architect Yskaela Layco. I'm your partner as of now for Moon Light and Moon Palace Resort." A narrow-eyed lady welcomed her as soon as she enter her new office.
"Nice to meet you." At nag-shakehands sila. "I thought, si Architect Madrid ang makakasama ko rito?"
"Siya po ang pinasama kay Engr.Villanueva so as a result, I replaced Arch.Madrid through this projects."
Napatango si River sa ibinalita sa kanya ni Kaela. Mas mabuti na rin yun para sa kanya, dahil wala siya sa mood makipagtarayan kay Kate.
River and Kaela discussed about their projects for the whole time. Madali kausap si Kaela tungkol sa mga plano para sa projects nila kaya hindi na siya nahirapan pa.
"Ito yung 3rd project natin which is a house of Miss Leanna Leyva. Here, take a look." Pinasilip sa kanya ni Kaela ang isa pang blueprint na dala nito. "I already took care of everything na po. Any minute,parating na po dito sina Miss Leanna."
"Good job." Tumatango na turan ni River habang sinisipat ang blueprint at sumisimsim siya ng kape.
As on cue, may kumatok sa pinto ng office niya. Nakabukas lang yun kaya kitang kita niya kung sino ang kumakatok.
"Come in."
"Engr.Torres, siya po si Miss Leanna." Pakilala ni Kaela kay Leanna pero hindi dito nakatuon ang pansin niya, kundi sa sumunod na pumasok sa opisiniya niya.
It was Jewel. She never expected na magkikita sila kaagad ng kumag na yun. Walang emosyon ang mukha niya nang magkatitigan sila ni Jewel. Parang sumama ang panahon sa loob ng opisina niya.
At sumabay pa ang pagkulog at biglang pag-ulan sa labas.
~