Chapter Eleven
"What are you talking about?" Senyora asked towards the raging River now.
"You can't fool me now, Mom! Nasabi na sa akin ni Manang ang lahat." Halata sa boses ni River ang pagpipigil sa kung ano mang puwede niyang sabihin. "Now, where is my child? Nasaan ang anak ko, Mom?"
"Nagpapaniwala ka sa matanda na yun? That caretaker has an alzheimer's! Wag ka maniwala sa kung anong sinasabi niya!" Nag alangan pa si Senyora na abutin ang bkraso ni River pero kumalas sya sa ina.
"I clearly remember anything now, Mom. Hindi niyo na ako mauuto. Sabihin niyo nalang kung nasaan ang anak ko bago ko pa kalimutan na Nanay ko kayo."
"Here." Si Lorraine na nilapag ang Journal at ang documents na nahanap nito sa loob ng dati nilang bahay. "Don't try to make excuses Mom. Sabihin mo nalang. Kaya ba bawal kami noon magpunta sa lumang bahay na yun? To hid River? To hide her daughter? What for? Para itulad sa akin?"
Nangingilid na ang luha ni Lorraine sa mga sinasabi niya sa kanyang ina.
"Mom, gumising ka na! Yung buhay nila ay hindi katulad ng akin na naging succesful kay Maurice!" Inalog alog ni Lorraine ang ina nya. "Hindi ka na nakuntento sa ginawa mo sa amin ni Sean noon, ginawa mo pa kay Echo. Ngayon, kay River naman?"
"Sean?" Tumingin si River sa Ate niya at iniisip niya kung tama ba yung Sean na nasa isip niya ngayon.
"Saka mo na itanong sa akin ang tungkol kay Sean,masyado ka chismosa." Sagot ng Ate niya. "Ang focus natin ay ang anak mo, hindi ang past ko." Bumaling uli ito sa ina. "Now what?"
"Walang anak si River! Th-that documents---"
"And you're still denying. Her name was written on this. May pictures na, kitang kita Mom tapos idedeny mo pa rin?"
"Intindihin niyo rin naman ako! I'm doing this for our Family's public figure! Ano nalang ang sasabihin ng mga tao? Na may anak si River sa pagkadalaga? At kay Jewel pa?" Luminga linga sa kanila ang kanilang ina. "Ano nalang ang sasabihin ng mga Leyva?!"
"You're being lunatic!" Halos sugurin na ni River ang ina pero pinigilan lang ito ni Lorraine.
"She's still our Mother."
"Itong kumpanya lang naman ang itinuri niyang anak, hindi tayo! Ngayon kung ayaw niya sabihin, di wag! I can find my daughter on my own!" Turan ni River at kinuha ang mga dokumento at iba pa niyang magagamit para mahanap ang anak niya.
The following days, masyado nagmamatigas si River sa lahat lalo na sa Nanay niya. She filed for leave at Cinco, napasapo pa nga sa noo ang Boss niya na si Shinubo na kebago bago raw, nag-file agad ng leave. Pero nang malaman naman nito ang dahilan ni River, he approved it immediately.
River moved back at her condominium. Her Mom cut off all of her cards pero di naman problema sa kanya yun since may pera pa naman siya mula sa last will ng kanyang Daddy and Senyora has no access with that at bilang bunso si River, mas mataas ang nakuha nitong mana sa pera kesa sa dalawa niyang nakatatandang kapatid.
She also started to search for her daughter, ipinakalat na nga nya sa ilan sa mga taga media na kakilala at mapagkakatiwalaan niya ang informations na makakatulong para mahanap ang bata and that makes Senyora mad, na kesyo baka naaapektuhan raw ang pangalan nila sa Business. She even paid them to keep it silent, ayaw niyang ilabas ito sa publiko, ayaw niyang malaman ito ni Jewel.
But she wouldn't mind about her Mom's rage. Hindi naman nya gagawin yun kung sinabi lang niya kung nasaan ang bata at wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Ang anak niya ang importante sa kanya.