Chapter Eight
Bored na pumalakpak si River through the Host's announcement. Halos lahat ay bumati ng congratulatory sa dalawa while she didn't give any damn about it.
Andito lang naman siya para pagbigyan si Engineer Lausingco at hindi para makisaya sa kanila. Wala siya panahong makipagbeso, magcongratulate at makipagplastikan kay Jewel.
Habang abala si Jewel at Leanna na batiin ang mga bisita, hindi sinasadya na biglang nagtama ang mga tingin nila. Of course, River just raised her eyebrow towards him like the usual at inirapan pa siya nito.
The despedida party went well at nang saglit na nagpunta ng banyo si River, nigrab na ni Jewel ang chance na yun para sundan ito at makausap. It's now or never, kapag hindi pa niya ito nakausap ng maayos.
Nagulat pa si River nang ito ang mabungaran niya sa labas ng banyo. Luminga linga pa ito para masigurong walang makakakita sa kanila.
"Ginagawa mo dito?"
"Is that has something to do with me, Jewel? Ano naman ang paki ko dun?" Inirapan niya ito at lalampasan na sana si Jewel nang higitin nito ang braso niya. "Ano ba?! Kung iniisip mong nagseselos ako, mali ka! Jewel, kung nasira man tayo 8 years ago, hindi ko kasalanan yun!"
"There you are, jumping into conclusions. I'm not saying anything."
Pilit na inalis ni River ang braso niya mula sa pagkakahawak ni Jewel.
"Yes you're not saying anything but your actions say so." Anito at dire diretsong bumalik sa pwesto nila ni Carmela. Nasalubong pa nga niya si Leanna but who cares? Kahit ito pa ang Presidente ng buong mundo, iirapan parin niya ito.
Each passing day, hindi naging madali ang lahat kay River. Hindi niya alam pero parang masyado nathreaten sa kanya si Leanna at hindi na rin siya tinatawagan nito para bisitahin ang site.
Well, pabor naman sa kanya dahil napaka rami nilang projects ni Kaela. Idagdag pa ang sunod sunod na endorsements na natatanggap niya mula sa Department of Tourism. Dinagsa siya ng offers mula nang lumabas ang TV commercial nila ng Cinco Building.
Kasalukuyan silang nasa isang event ng Cinco at kasama niya sa iisang table si Senyora at ang Team nito sa Brewery at si General Bernard na katabi ang ibang kapwa nila shareholders. Panay naman ang irap ni Senyora sa Heneral.
"I've heard na ikakasal na ang anak mong si Echo, Thea. Congratulations."
Pero pinagsawalang bahala ni Senyora ang pagbati ng Heneral kaya muli itong tumikhim dahilan para maagaw ang atensyon ni Senyora.
"Papansin lang?"
Hindi na bago ang ganitong senaryo kay River sa kada magkakasalubong ng landas ang nanay niya at ng Heneral at hindi niya malaman kung bakit ganun nalang ang galit ng nanay niya rito.
Then Senyora smirked.
"I heard Tricia got promoted as a Principal. Congrats, kahit papaano may isa sa pamilya mo ang hindi naging failure katulad mo." Nakataas ang kilay na sabi ng Ginang.
"And I heard that Lorraine started her newest business. Good thing she was not..." Nang aasar na turan ni General sa Ginang.
"Sige, ituloy mo." Aniya at itinuro ang fountain. "Nakikita mo ang fountain na yun?" Anito at lumingon naman si General sa tinuturo niya pero ang di alam ng Heneral, pinalingon siya roon para batukan.
"Gosh, hindi na kayo bata para mag away ng ganyan. Nakakahiya kayo sa mga bisita." Irap ni River sa dalawa.
"Itong nanay mo kasi e." Inis na sabi ni General at tumingin ito sa kanya. "I actually liked you for my son. Kaso si Thea ang nanay mo, River."
Halos masuka si River sa sinabi ng Heneral.
'Kay Jewel talaga? Hell no!' ani River sa isip niya at para bang diring diri siya.
Sa narinig na yun ni Senyora, s'yempre magpapatalo ba siya?
"You know what, I actually liked Jewel for my River." Aniya at sumenyas sa waiter na paglagyan siya ng champagne sa hawak niyang baso.
At nang mapuno ang baso, lumingon ulit ito kay General tapos...
*Splash!*
"Kaso ang hambog na ikaw ang tatay niya."
"Mommy!" Awat ni River sa ina niya matapos nito buhusan ng champagne ang Heneral. "Nakakahiya na ha."
Pinagtinginan sila ng mga tao dahil sa nangyari na yun habang si Shinubo naman ay sapo-sapo ang noo dahil sa mga nakikita niya ngayon sa pa-event niya.
Ang Mag-ina pa ata na yun ang magiging dahilan ng maagang kamatayan niya.
Weekend have passed at naisipan ni River na puntahan ang mansion nila kung saan nakatira ang Mommy niya. Confident na rin naman na siya na hindi na siya pipilitin nito na bumalik ng Italy. She knows for herself that she's doing good... Hindi nga lang sa paningin ng kanyang Boss na agad siya pinagalitan dahil sa eksenang ginawa ni Senyora Thea noong may event ang Cinco kahit na wala naman siya kinalaman sa away na yun ni Senyora at General Bernard.
"What brings you here all of a sudden?" Tanong ng kanyang ina habang pababa ito ng Grand Staircase at siya naman ay prenteng nakaupo sa isang sofa roon. She stood up at sinalubong ang ina.
"I just wanna ask kung may bahay pa ba tayo sa Laguna? I just want to spend my New Year there and I plan to visit the Bahay Parola with Ate Carmela."
Bakas sa mukha ni Senyora ang gulat at pagkabahala nang marinig ang mga plano ng anak pero may dapat nga ba siya ikabahala?
"No! Don't you ever dare go at Bahay Parola!" Mariin na sabi ng kanyang ina habang nagtataka naman ito. "At wala na tayong bahay doon!"
"Pero Ate Carmela said---"
"Ah basta! Kahit ito nalang ang sundin mo sa akin, River May Torres! Hindi ka pupunta ng Laguna! Intiendes?"
Sa isip-isip ni River, mali na nagpunta pa siya sa kanyang ina para lang magtanong dito. Tumango tango nalang ito kahit naman alam niyang susuwayin niya lang ito. Bigla siya naintriga kung bakit ganun nalang siya pagbawalan ng kanyang ina na bumalik ng Laguna.
Buong linggong inisip ni River ang mga plano niya para malaman ang dahilan ng kanyang ina para siya ay pagbawalan na pumunta roon. May dapat ba siyang hindi malaman? Meron bang tinatago roon ang kanyang ina?
Sa huli ay nakapag isip din siya ng isang matibay na desisyon para lang malaman ang tinatago ng kanyang ina. Sa ngayon, papayag na siya sa gusto ng kanyang ina na lumipat siya pabalik sa Mansion upang doon na manirahan kasama siya.
~