Chapter Twelve

10 4 18
                                    

Chapter Twelve

"Palibhasa walang magulang kaya di natututo sa sariling nanay!"

Quinn doesn't mind what her classmates' Mom are telling her. Kunot pa tin ang noo nito at iisa lang ang nasa isip niya, siya ang nasa tama.

"Madam Principal, andito po yung Guardian---"

"Mother." River corrected the Teacher. "You can confirm it through this paper." At inabot nito ang dna test result. "Kung kulang pa yan, tawagan niyo ang Bahay Parola."

Lumabas ang Teacher ni Quinn para siguro makumpirma nga ang sinasabi ni River. Sinundan naman ito ni Kaela.

"Kaya naman pala di matuto ang bata eh. Batang bata ang ina at mukhang di marunong dumisiplina ng bata." Ani ng Ginang na siyang ina ng bata na ginulpi ni Quinn.

"Hindi siya ang nanay ko." Si Quinn.

"Pwede ba Quinn, mamaya ko ipapaliwanag. For now, let's resolve your problem." Anito at humarap sa Ginang. "Naiinggir ka ba na batang-bata ako to think na halos magkaedad lang tayo pero mukha kitang nanay?"

"Enough. Andito tayo para resolbahin ang away ng dalawang bata." Saway ng Principal sa kanila at tumingin ito kay River. "Miss Torres, ginulpi ng anak niyo itong kaklase niya. Sa tingin ko, dapat turuan niyo magpakumbaba ang bata, hindi basta ito mapapalampas ni Mrs.Navarro."

"Tingin ko rin." Ngumiwi si River at nagtaas noo pa ang kabilang panig. "Tingin ko rin dapat sana marinig niyo ang panig ng anak ko. Hindi basta manggugulpi ang bata kung walang magtitrigger."

"Quinn, ano masasabi mo?" Tanong ng Principal.

"Inaaasar niya po ako na laking ampunan at hindi mahal ng magulang kaya iniwan sa ampunan." Ani Quinn sabay tumingin ito kay River.

"Paanong hindi iiwan, batang-bata ang ina at mukhang enjoyment lang gusto." Paismid na sabi ng Ginang.

"Wag ka judgmental. You don't have idea what I'm going through." Tinaasan ito ni River ng kilay. "Anak mo yata ang kulang sa Maternal Education. Basta nambubully, hindi naman alam ang buong kwento."

"Aba't---" akmang susugurin ito ng Ginang pero pinigilan ito ng Principal.

Lumuhod si River kay Quinn para makapantay ito at tinitigan niya ito ng mata sa mata.

"Hindi ba, naturuan ka naman sa Bahay Parola?" Tumango ang bata dito. River smiled.

"Now I'll teach you to say sorry for someone who's lack of Good Manners and Right Conduct." River smirked at naintindihan ito ng bata na mas lalong nagpainis sa Ginang sa maaaring pinapahiwatig ni River.

Sa senaryo naman na yun ay bumalik ang guro ni Quinn kasunod si Kaela at may kung anong binulong sa principal at may inabot pa itong papel. Ganun na lang ang gulat nito.

"Naku, pasensya na po sa abala Miss River. I received your elder brother's call. Handa raw po magdonate ang Kuya niyo ng karagdagang classrooms at libraries ang Don Maximo Brewery. Maraming maraming salamat po." Paulit ulit na nagbow ang Principal.

"Pasalamat nalang kayo na dito nag-aaral ang anak ko. Torres Clan wants the best facility for our Little Quinn."

"Don Maximo Brewery?" Mrs.Navarro scoffed. "Nagpapaniwala kayo? Sigurado namang pipichuging empleyado lang dun ang Kuya niyan."

"Ahm Mrs.Navarro, Mr.Enrico Torres was the current Vice President of Don Maximo. Alam na alam po yun dito sa lugar natin at siya po ang bunsong kapatid ni Sir Echo, si Miss River."

Rumehistro ang gulat sa mukha ng Ginang at inirapan lang ito ni River.

"Navarro? Tignan ko nga ang list of Employees ng Don Maximo at baka may Navarro dun." River wore her evil smirk at bumaling sa Principal. "Mauuna na kami. Aasikasuhin ko pa ang pagbawi sa anak ko. Just call us for the updates of the classrooms." The Principal nodded before they exit.

All That's LeftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon