Chapter Two

8 3 5
                                    

Chapter Two


Manghang nakatingin si River sa dalawa habang si Kaela na ang nag-eexplain ng napag-usapan nilang dalawa at nagsasalita lang siya kapag may question si Leanna.

"Daig pa ang ahas kung makalingkis" sa isip-isip niya nang maobserbahan ang dalawa.

Si Jewel naman ay tahimik lang sa gilid at puro "ikaw ang bahala" ang isinasagot kay Leanna.

Para tuloy gustong makipag switch ni River sa ibang Engineer. Hindi niya gaano napaghandaan na mapapaaga ang pagkikita nila ni Jewel!

"Congrats. Hindi ka na pala gaanong duwag." Aniya kay Jewel nang sila lang dalawa ang naiwan sa office dahil nagpasama kay Kaela si Leanna sa comfort room.

"If you're talking about the past---"

"Cut it out, I just congratulated you. No need for damn excuses." Aniya saka sumimsim ng kanyang kape at sinipat nalang ang ibang blueprints na nasa table. Wala siya panahon makipag catch up kay Jewel.


Jewel on the other hand, nakatitig lang siya kay River at hindi siya makapaniwala na ito ang magiging Engineer ng magiging bahay ni Leanna. Pinakiusapan lang siya ng tatay nito na samahan ang dalaga sa araw na ito. Leanna's father was his superior in Philippine Army, isa itong General like his Father na isang Major General while he is in the Captain Line.

Unang kita niya kay River, hindi niya talaga ito matitigan sa mata unlike before. Nagiguilty siya dahil sa pagiging duwag niya sa past nila.

"You good, Babe?" Ani Leanna nang makabalik sila mula sa banyo. River almost puked when she heard their call sign. Gusto niya na lang masuka. Nakakakilabot.

"Engineer Torres, mauuna na kami. I'll see you in the site." Paalam ni Leanna sa kanya while Jewel stood up at kumapit sa braso niya ang kasama.

"K. Shoo." Pagtataboy sa kanila ni River. Nagtataka man si Leanna pero hindi na niya inabala ang sarili na tanungin si River kung bakit ganon na lang sila kung itaboy nito. Aso lang?

Hindi manhid si Leanna. Parang sa tingin niya ay may ugaling hindi maganda ang inhinyera.




~

Kinagabihan ay dumiretso siya sa bahay ng kanyang Ate Lorraine. Inimbita siya nito para doon na maghapunan pero hindi niya inaasahan na andun rin ang kanilang ina kaya ang ending, tahimik lang silang lahat sa hapag kasama ang pamilya ng kanyang Ate at ang kanyang ina.

"May bahay tayo, bakit hindi ka doon umuuwi? Saan ka nakakuha ng perang pambili ng condominium?"

Nagkatitigan kaming tatlo nina Ate Lorraine at Kuya Maurice.

"Ah Ma, that was my sister's unit. We let River to borrow that for some time." Si Maurice na ang nagpalusot para sa kanilang magkapatid.

Maurice is always been a nice husband to her Ate kaya di na siya magtataka kung natutunan man ito mahalin ng kanyang Ate kahit nagsimula lang sila sa isang Arrange Marriage.

"May Mansyon naman kami. Bakit hindi siya doon umuwi? At bakit kayo ang nagsasalita para kay River?"

"It's simply because you're pressuring her, Ma. Masyado nyo binibaby, let her become independent. Hindi na siya bata. Wag niyo namang itulad sa amin ni Echo." Inis na turan ng kanyang Ate. "Kids, continue your food. Don't mind us." Aniya sa mga anak niya na nakatingin lang sa kanila at mukhang natigil sa pagkain.

"I already thought about that. That's why I'm not going to send her back in Italy. I'll let her have her lesson here in Philippines." Saka ito tumingin kay River. "Pumunta ka bukas sa bahay or kung kelan ka libre. We have to talk about something."

"Bakit hindi pa dito?"

"I know you for your humiliations at ayaw kong makita yun ng mga pamangkin mo." Senyora Thea stareed at her. " Now, do me a favor and finish your food."


Right after their dinner, nag-stay pa muna ng ilang oras doon si River to catch-up with her niece and nephew. She even bought gifts for them. Hindi na niya nasubaybayan ang paglaki ng mga pamangkin niya kaya ngayon siya bumabawi at nakikipagclose.


Nang matapos nila mapatulog ang dalawang bata ay pansamantala silang tumambay ng Ate niya sa balkonahe ng bahay nila. Maurice is in his office for an urgent call kaya sila lang muna na dalawa ang magkikwentuhan.

"I never thought na may magandang result pala tong pa-arrange marrige ni Mommy sa'yo. Buti natitiyaga ka ni Kuya Maurice? Sobrang bait nun ha. Ano gayuma mo, Ate?"

Bigla-bigla ay nakatikim siya ng pitik sa noo mula sa Ate niya.

"Sadista ka talaga."

"Parang sinasabi mo na walang magkakagusto sakin e."

"Ito naman, di mabiro." At napasandal nalang siya sa inuupuan niya. "Feeling ko, sakin mo pinaglihi si Sherrinah. Hindi niyo naman kamukha ni Kuya Mau eh."


Tinignan siya ng Ate niya mula ulo hanggang paa bago nakatikim pa muli siya ng isa pang pitik sa noo.

"Nakakadalawa ka na ha!"

"Napaka lawak kasi ng imaginations mo!" Lorraine said and she crossed her arms. "Yan ba ang natutunan mo sa Italy?"

"Malay ko ba kung masyado mo ako namiss at pinaglihi mo sa akin si Sherrinah habang nasa Italy ako? Pasensya na ha, godbless you." She giggled. She really loved to piss off her elder sister. Pero masyado mahaba ang pasensya ni Lorraine kaya minsan lang ito mainis.



While having a pep talk with her Ate, her phone suddenly rang at hindi niya alam kung kanino ang unregistered phone number na yun.


"Yes, Hello? River May speaking."


[How was the first project?] Napairap si River nang marinig ang boses ng tumawag sa kanya.


It's Kate.

"Fine. Why did you call me all of a sudden?"

[As if na gusto naman kitang tawagan and me being a professional, I have to call you to ask how was the project going with Miss Seranilla? And Hercules also asked me about the project that's why I asked Kaela for your number.]

"Surely Kaela already informed you."

[I just have to make sure. Malay ko ba kung may balak kang isabotahe ang bahay ng rumoured girlfriend ng ex-MU mo? Knowing you?]

"Mosa yarn?" She scoffed. "And as you said, I am also being a professional. I always set aside my personal matters."

[Uhuh, I don't believe you.]

"E di don't." Umirap siya rito kahit hindi naman siya nakikita. Thou may point din naman si Kate, naisip na rin niyang isabotahe ang magiging bahay ni Leanna.


She concludes na hindi lang basta bahay lang yun ni Leanna, baka yun pa ang love nest nila ni Jewel.

[Alright. Just always update me or Hercules. Kapag may problema, don't hesitate to call us.]

"K." Aniya at saka nito ibinaba ang tawag saka bumaling sa Ate niya.

"Dito ka na matulog, it's already 9pm na."

"Hindi na Ate. Nasa unit ko pa yung ibang files na kailangan ko ireview sa projects. Ayaw ko naman maabutan ng deadline." Aniya saka inasikaso ang mga dalahin niya saka ito lumapit sa Ate niya at nagyakapan sila.

"My baby sister is already a woman na talaga." Sabi ng Ate niya at tinitigan siya sa mga mata niya. "I'm proud of what you have become now. Don't pressure yourself too much on your work."


Hindi niya inaasahan na sa Ate niya maririnig ang mga salita na gusto niya marinig mula sa nanay nila. Parang gusto niya maluha but she restrained herself from crying kaya niyakap nalang niya uli ng mahigpit ang kanyang Ate.




~

All That's LeftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon