Chapter Thirteen

11 3 23
                                    

Chapter Thirteen

The Day 1 of Blind date went well for Leanna, well not for River dahil napilitan lang naman siya sumama rito at isa pa,kasama rin naman si Abraham kahit pa may pagkaabnoy ang isang yun.

"Cheap." Tanging sabi ni River habang nakatingin kina Leanna at Jewel. Inabutan ni Leanna si Jewel ng Ice Scramble at pasweet pang sinusubuan ang binata. They are currently on Taal Volcano.


"Sarap nila ihulog pareho sa bunganga ng bulkan." Dagdag pa nito at parang nalimutan na kasama lang niya si Abraham at naririnig siya nito.

"Nagseselos ka? Gusto mo subuan kita, River?" Ani Abraham habang nilalantakan ang sariling Ice Scramble. "Here comes the airplane, River!!!"


"Tigilan mo yang kahibangan mong Abnoy ka! Hindi ako bata para subuan!" Singhal niya rito, kaya napansin sila ni Leanna at Jewel. Natigil naman si Leanna sa ginagawa.

"Sa ating apat, ikaw lang ang KJ dito River. Sana hindi mamana ni Quinn."


"Mas okay nang sakin siya nagmana kesa sa  mala Thesaurus na mukha ng tatay niya." River lowered her voice. "At kung pwede ba, wag natin pag-usapan ang anak ko pag nasa paligid lang ang mga ksp. Ihuhulog talaga kita sa bulkan, makikita mo."

Abraham playfully zipped his mouth and suddenly chuckled.


"Mabilaukan ka sana kakatawa."

"Ang liit lang ng mundo niyo River tas naghahangad ka na di malaman yan ni Jewel? Pinagloloko mo ba ako?"


"Wag mo hintaying ako mismo ang magtahi ng bibig mo, Abnoy."

"Oo na. Ang kausapin mo, yung Kuya mo. Di yun basta papayag na di ka panagutan nyan." Abraham stood up. "Bibili lang ako ng isa pang Ice Scramble. Gusto mo rin ba?"


"Nah thanks. We're not compatible, I'm too hot."

"Ang hangin." Mahinang sabi ni Abraham habang palayo kay River.


"Sure ka na? Papakasal ka kay Jewel?" Tanong ni River kay Leanna while they are riding a horse na siyang maghahatid sa kanila sa malapit mismo sa crater ng Taal Volcano and she was planning to execute her plan. Ang ihulog roon si Jewel at Leanna pag lalo siya nainis sa presensya ng mga ito.

"Why are you asking?"


"Nothing. Pag isipan mong mabuti, pwede ka pa magback out." Untag nito kay Leanna bago pinaunang lumakad ang kanyang kabayo. Leanna just chuckled on what River said.

Nang marating nila ang nirentahan nilang cottage sa mismong malapit sa bulkan, they dropped their things off. Plano nila mag camping roon. The three of them was already setting up the tents habang nakaupo lang si River at pinapanood sila.


"Baka gusto mo tumulong, Ilog?" Si Jewel habang inaayos na ang tent nila ni Abraham.

And yes, she has no choice but to share tent with Leanna.


"Ang pagtulong, kusa yun. E hindi ako nagkukusa kaya tigilan mo ako Jewel." Nakakunot ang noo nito, paano kasi wala siya masagap na signal sa lugar at wala pang kuryente. "At wag mo ako matawag tawag na Ilog, tapos na tayo sa mga panahon ng nakakadiring endearments."

Abraham glared at her and mouthed Leanna who's looking at them. They all feel awkward but River doesn't care. Hindi niya kasalanan kung maawkward si Leanna sa mga narinig niya.


"Ah, ako na ang tutulong kay Leanna sa tent nila." Abraham volunteered at umismid lang sa kanila si River.


Nang gumabi ay nagsindi sila ng bonfire sa may harap ng tent. River was good at cooking kaya siya nalang ang nag volunteer na magluto ng kakainin nila.

All That's LeftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon