Chapter Fifteen
It's already 1 pm when River and Lorraine arrived at Laguna with their kids. They are here to attend Zafiyah's 7th Birthday, Jecel's daughter and at the same time, classmate ito ni Quinn.
Minsan nang naging malapit ang pamilya Crisostomo sa Pamilya Torres kaya kapag handaan, hindi pwedeng hindi imbitado ang mga ito lalo at malaki ang utang na loob ni Jecel kay Don Maximo na siyang sumuporta ng pag aaral nito ng Culinary.
They arrived at venue exactly at 1:30 pm. Alas dos ang umpisa ng party pero may mga bisita na roon at karamihan ay ang mga Classmates nina Quinn at Artemis,pati na ang mga bata sa Bahay Parola ay naroon.
Nang makita ng mga bata na palapit sa kanila si Quinn,ang ilan sa kanila ay piniling lumayo dahil sa takot rito pero may ilang lumapit din. Yun ata ang mga kaibigan ng bata habang si River at Lorraine ay sinalubong ni Jecel at Artemis.
"Happy 7th Birthday kay Zafiyah." Bati ng magkapatid bago bumeso kay Jecel.
"Thank you. Buti, nakarating kayo."
"Puwede ba namang hindi? Ilang araw na rin ako kinukulit ni Quinn."
Jecel smiled at River.
"Hindi talaga ako makapaniwala sa kwento ni Carmela na may anak ka na pala talaga." She chuckled bago iginiya ang magkapatid sa loob habang iniwan na muna nila ang mga bata sa labas na masayang nakikipaglaro sa ibang bata.
"Wag kayo lalayo ha?" Bilin ni Lorraine sa mga bata bago sumunod kay River.
"Dito na muna kayo,di pa tapos mag setup pero patapos na rin naman."
River looked at the every details of the birthday theme, it was Tinkerbell. Maging siya ay napapaisip sa theme ng nalalapit na birthday ng sariling anak at wala siyang ideya sa mga hilig ng anak.
"May maitutulong ba kami?" Tanong ni Lorraine saka sinenyasan ang kasama nitong maid na iabot ang regalo para sa Celebrant.
"Hmm." Saglit na nag isip si Jecel at itinuro ang mesa na lagayan ng mga handa.
"Patulong nalang ako na ilagay ang foods dito. Wala na kasi ako mautusan, lahat occupied. Nakakahiya man sa inyo, Mrs.Chung."
"No worries, ano ka ba. Di na bago sakin to since lagi ako aligaga kapag birthday parties ng mga anak ko." Lorraine smiled. "Shall we?"
"CR lang ako." Paalam ni River sa dalawa bago gumiya sa comfort room ng Hall. Saglit siyang umihi roon at nag retouch. Masyado siya nahaggard sa tindi ng traffic na inabot nilang magkapatid.
"Excuse me, where's the Male's Comfort Room?" Tanong ng isang batang lalaki na tingin niya ay kaedaran lang ni Quinn.
"There. Just walk straight to the left." Ani River at paalis na sana siya nang magsalita ang bata.
"Can you please not talk in english? Hindi po kasi bagay,hindi naman po kayo mayaman."
River scoffed at what she heard. Hinarap niya yun at ngumisi rito. Walang bata bata sa kanya basta papatulan niya ang trip ng isang to.
"Excuse me? How could you?"
The kid just shrugged.
"Kung mayaman kayo, hindi kayo dapat narito."
"And who do you think you are para sabihin na hindi ako dapat narito? Nanay ko nga,di ako mapasunod. Ikaw pa kaya." She smirked at pinakatitigan ang bata at may naalalang isang lalaki rito. Hindi niya alam kung bakit bigla nalang pumasok sa isip niya si Ej Lausingco.
"Hey kid, you just bumped to Senyora Thea's youngest daughter." Natigilan si River nang marinig ang boses na yun.
'Siya na naman?!'