Chapter Three
One week have passed at hindi naging madali ang mga araw na yun kay River. Leanna and Jewel always visit her para kamustahin ang project at lagi din niyang nakikita ang mga yun sa site. Masyado na silang masakit sa mata.
But this time, pinili niya muna na hindi pumasok ng opisina kahit pa siya ay may meeting. Mas pinili niyang tanggapin ang isang Modeling Shoot ng isang Local Tourism para sa Pilipinas.
She turned off her phone right away nang makaalis siya ng unit niya.
"Di ka naman nagpasabi na uuwi ka na from Italy, Miss River. Sana nakapghanda man lang kami ng Welcome Party for you." Si Rica, ang dati niyang PA. "Di namin malalaman na nakauwi ka na kung di dahil kay Sir Jewel."
Napairap siya nang marinig na naman ang pangalan na yun. Kaya nga nagbreak siya ngayong araw para makaiwas, sapul pa rin pala sa kanya.
"Over na ba talaga kayo nun? Mas bet ko pa naman kayo kesa kay Miss Leanna."
"Bagay naman sila ah." Sagot ni River habang nakataas ang kilay.
"Di kayo magagalit man lang? Sayang yung mga panahon na tumatakas kayo at ginagawan namin kayo ni Manager ng palusot."
"Bagay sila kasi pareho silang panget." Umirap pa si River at muling itinuon ang tingin sa bintana.
Alam na alam ni Rica kapag nagkakaganyan na ang mood ng amo niya kaya mas pinili nalang niyang manahimik at huwag na mag usisa.
As soon as they arrived Graceland somewhere in Lucena, the Glam Team welcomed her. Wala ang mga fans ni River, walang isa sa kanila ang nakakaalam na naririto na uli ang kanilang hinahangaan. River wants to surprise them.
~
Sa kabilang dako naman ay ang mga aligagang empleyado ng Cinco dahil sa iisang problema.
Nawawala si River. Cannot be reached. Pinuntahan na nga ng Ate niya ang unit nito at ang mga kaibigan nito pero bigo lang siya.
"Ma'am, cannot be reached po si Miss River." Si Yska na abala sa pagcontact sa partner niyang Engineer na nowhere to be found ngayon at kasalukuyan silang nasa Conference Room para sana sa isang meeting.
"Jusmiyo por Santo, balak ba ako ipahiya ng batang yun?" Nakasapo na ang kamay ni Senyora sa noo niya. Yes indeed, si River ang pinaka nagpapasakit ng ulo niya magmula nang ito ay umuwi.
"Wala ba sa inyo nakakaalam kung saan pwedeng nagpunta si River? Nakakahiya na sa mga Leyva." Si Shinubo, isa sa mga Engineer ng Cinco at parang ito ay malapit nang sumabog dahil sa kagagawan ni River, pinipigilan lang niya dahil naroon rin ang Pamilya Torres.
Napaka importante ng meeting na yun para sa Cinco dahil sa Big Partnership nila with Leyva Group, napili nilang Cinco ang magtayo ng isa nilang Company Branch sa Cebu at ang gusto nilang Personal Engineer sana ay si River, dahil sa recommendation ni Leanna at hindi alam yun ni River.
"Babe, friend mo naman si Miss River di'ba? Baka naman pwede mong hanapin?"
Napatitig si Jewel kay Leanna dahil sa sinabi nito. Nagdadalawang isip siya na hanapin si River dahil hindi naman maganda ang pagkikita nila magmula nang ito ay umuwi. Nang bumaling naman siya kay Senyora Thea, pinandidilatan siya nito. Napalunok siya dahil sa maaaring warning ng Ginang sa kanya.
~
Kasalukuyang nasa biyahe si Jewel papuntang Lucena. Lahat ng mga kaibigan ni River ay tinawagan na niya pero lahat sila ay iisa lang ang sagot at yun ay wala sa kanila si River at alam niyang si Rica ang pinaka huli nitong pupuntahan.
He tracked Rica using some app at ito ay nasa Lucena ngayon. Balewala sa kanya ang tatlong oras na biyahe basta ang mahalaga ay masundo niya si River. Pinili niyang pagbigyan si Leanna kahit pa nakakatakot ang mga tingin sa kanya ni Senyora.
"They even contacted you? Like, how come?!" Isang naghehestirikal na River ang nakikita niya mula sa malayo at kaharap nito ang manager niya. "Meeting? With Leyva's?! Kahit yan pa ang biggest project sa buong mundo, I wouldn't come! Tama nang isang beses ko lang silang napagbigyan para sa Bahay ng Heiress nila!"
Saktong katatapos lang ng shoot ni River nang maabutan ito ni Jewel. As soon as River saw him, automatikong umirap ito sa kanya.
"River!"
"Iwan niyo muna ako dito." Utos niya sa kanyang manager at PA at sumunod ang mga ito.
"What now?" Tinignan niya si Jewel ng mata sa mata. "Pinadala ka ba ng mga Leyva dito? Kung oo, umalis ka na. Shoo!"
"Hindi ako aalis hangga't di ka sumasama sa akin pabalik sa Manila." Panimula nito. "River, di lang Cinco ang mapapahiya sa actions mo. Pati ang business ng pamilya mo, lalo ang Mommy mo. You get what I mean?"
*Yeah I get it and so what? Can't I have my vacation? Can't I have my time for my passion? Kikita pa rin naman ang Cinco at Don Ramon even though they replace me! In fact, I've never been interested to your soon-to-be-in-laws' Empire."
"Leanna recommended you."
"Oh please, I don't need recommendations and back ups. I have my own professional skills."
"You're talking about Professionalism and yet hindi mo magawa ngayon?" Halata sa boses ni Jewel na parang mauubusan na siya ng pasensya but River doesn't care. "Nasaan yung River na kilala ko?"
"Someone destroyed the old River. I bet you know who it is." Si River habang naglalakad paatras at nakatingin parin sa binata. "Buti nga ako, nagbago pa. Ikaw? I even thought na nagbago ka na rin, I thought about it for about one minute." She smirked. "Pero mali ako. The old Jewel will never change. Sunud sunuran ka parin hanggang ngayon." Aniya at naglakad na ito palayo.
Natigilan si Jewel sa mga sinabi sa kanya ni River. Pakiramdam niya, para siyang sinaksak ng isang daang beses.
Sa huli, pinili nalang ni Jewel na contactin ang Ate ni River para ito na mismo ang sumundo rito. Natatakot siya sa mga posible pa nitong isumbat sa kanya. He can clearly feel dissatisfaction towards from what happened to them, especially for what he did and that always haunt him a big time.
The next day, River already received her punishment for what she did. Suspension for 2 weeks ang hinatol sa kanya at pabor naman sa kanya yun habang hindi naman ito pabor para sa parte nina Kate at Hercules dahil sila ang muling sasalo ng mga trabaho nito. Tinawanan lang sila ni River.
River booked a vacation in Isla Verde. She decided to stay there for the meantime habang di pa nalilift ang suspension niya. Napilitan din siyang gumawa ng apology letter pero hindi gumana sa mga Lausingco.
~