Chapter Seventeen
River looked surprised at everything. Sa makalawa pa naman ang kaarawan niya at hindi niya inexpect ito.
She hated surprises. But knowing her Ate? Mahilig manurpresa yun.
"Thank you everyone." Naiiyak na sabi niya at isa-isang niyakap ang mga naroon. Kasama na roon ang Boss niya na si Shinubo na isa sa mga kasabwat ng party na yun. Nagdalawang isip pa siya na yakapin ang ina, ayaw naman niyang mapahiya ito.
Isa isa niyang pinuntahan ang mga bisita noong kainan na. Lahat ng kaibigan ng Kuya niya ay naroon maliban sa iisang tao. Jewel had distanced himself right after what happened to him and Echo.
Flashback...
Enrico was on rage right after he knew what Jewel did to his sister. Okay lang naman sa kanya na maging nobyo ito ng kapatid bilang malaki ang tiwala niya rito pero hindi niya mapapalampas ang ginawa nitong pakikipaghiwalay para sa ibang babae.
Kinalampag ni Echo ang Condo Unit ng kaibigan ni River na si Scarlett. Alam niyang naroon ang kapatid bilang si Scarlett ang takbuhan nito kapag oras ng problema niya. Kaagad siya pinagbuksan ni Scarlett at bumungad sa kanya si Bella sa likod na inaalo ang umiiyak na si River.
"Where the hell is that guy?"
"K-Kuya..."
"Stop with your Kuya's and answer me!" That was the moment when River knew that Echo was on rage.
"N-nasa Restaurant sila. Don't worry, kinakausap na ni Kuya Isaiah!" Si Bella na ang nagsalita para kay River.
"Bella!" River shoot glares at Bella. Umiiling naman sa gilid si Scarlett.
"Sorry! Sinabi ko nalang, ayoko na pagbuntunan ka ng Kuya mo ng galit!"
Sa mga narinig, dali daling naglakad paalis si Echo habang bitbit ang helmet nito. Nabahala naman ang tatlo.
"Bella naman eh! Tignan mo, lalaki ang gulo nito! I bet you already knew what Echo Torres can do!" Scarlett said habang hinahanap sa drawer niya ang susi ng sasakyan at dali daling nagpunta sa pinto pero napansin niyang hindi kumikilos ang dalawa.
"Ano pa hinihintay niyo? Alam ko na libre ang maging tanga pero wag niyo naman araw-arawin!"
"Bakit? A-anong gagawin natin?" River asked.
"Ano pa? Eh di pipigilan ang Kuya mo! Bilisan niyo!"
When they reached the parking lot, agad na pinaharurot ni Scarlett ang Mustang. Mabuti na lamang at hindi traffic kaya agad silang nakarating sa Valeria pero huli na ang lahat.
Naabutan nila si Echo roon na kinwelyuhan si Jewel habang nakasalampak na ito sa sahig at puro pasa na ang mukha. Dumurugo na rin ang labi nito dahil sa mga sapak na timamo nito kay Echo. Hindi naman makalapit ang mga staff dahil sa takot na rin kay Echo.
"Ang lakas ng loob mo na saktan ang kapatid ko!" Aniya saka sinapak uli si Jewel. "Hindi ko pa malalaman kung di nagsabi sakin si Peter!"
"Kuya!" Lumapit si River pero pinigilan ito ni Jecel sa takot na baka ito naman ang pagbuntunan.
"I already warned you but you never listened!" Dinuro duro ito ni Echo. "Ngayon namnamin mo ang kapalit ng ginawa mo." Saka pa uli nakatikim ng sapak si Jewel.
"Kuya, tama na!" Sigaw ji River at napatingin sa kanya si Echo.
"Pinagtatanggol mo pa tong ulupong na to, River?" Dinuro pa uli ni Echo si Jewel gamit ang baseball bat. "Niloko ka na, harap-harapan pa! Matauhan ka naman! Pinagpustahan ka !"