Chapter Five
It's another typical day for River at gaya ng napag usapan, sinamahan niya for Breakfast and Lunch si Jewel at iniisahan niya ito. Nauuna siya lagi sa meal bago niya maiisipang ipatawag ang binata para sa meal niya.
In other words,ayaw niya itong kasabay.
Tahimik siyang sumisimsim ng Pumpkin Juice habang hinihintay na matapos sa pagkain si Jewel. Bored na bored na siya at gusto na niya magswimming at magpa-tan sa dagat.
"May ibabagal ka pa ba jan?" She asked while smirking.
"E kung magkasabay tayo e di sana di ka naghihintay jan."
"Baka mawalan lang ako ng gana pag nagsabay tayo, sayang naman ang ibabayad ko kung ganun lang." Irap niya rito at bumalik sa pagsimsim ng iniinom niya.
"Di ka pa nagtithank you."
Ibinaba saglit ni River ang baso niya bago inilahad ang mga kamay sa mga pagkain ni Jewel.
"Well, that's the sign of my Thank You. I don't like being a vocal."
Jewel shrugged his shoulders.
"Hanggang kailan ka dito?"
"Bakit mo tinatanong?" River leaned on her seat at nagcross arms. She even raised her eyebrow.
"Answering me with a question, really?"
"Yes. Do we have a problem with that? Mag-stay ako dito hangga't gusto ko. Ayan, happy?"
Jewel just shooked his head.
"I'll be staying here until tomorrow."
"I'm not asking. Kung gusto mo pa, umalis ka na ngayon. Pabor sa'kin yun."
Manghang tumingin si Jewel sa dalaga. Malaki nga ang pinagbago nito, mas lalo lang tumaray. Pero sino nga ba naman siya para pakitaan ni River ng kabaitan?
~
Nang hapon din na yun ay nagpunya si River sa isa sa mga Restaurant doon. Bilang maarte ay mas pinili niya ang Restaurant na walang customer. She wants some alone time.
"May I take your order, Miss?" Tanong ng waiter hustong makalapit ito sa pwesto niya. She take a look at the menu at masasabi niyang masyadong pricey ang foods kaya siguro di gaano pinupuntahan.
She ordered some Chicken Roulade and a Black Noodles. Gusto lang niya magpakabusog and she doesn't care kung tumaba man siya. Ang mahalaga sa kanya ngayon, naenjoy niya ang food.
Pero fifteen minutes na siyang naghihintay at wala pa rin ang order niya pero handa siya maghintay. Baka nga naman parating na ang order niya.
While waiting, isang mestisong lalaki ang pumasok sa Restau at naupo sa di kalayuan sa kanya. Ganun na lang ang gulat niya nang makitang mas nauna pa dumating ang order nito kesa sa inorder niya.
"Excuse me?" Tawag niya sa isang staff roon na agad lumapit sa kanya.
"Yes po, Ma'am?"
"I think there's something wrong?" Tumaas na ang kilay niya. "Nauna ako dumating dito and I just ordered the exact same food that he has at kararating lang niya pero mas nauna siya mabigyan ng food to think na almost 20 minutes na ako naghihintay? Para lang maunahan ng kararating lang?"
"Ah Ma'am, di pa po kasi luto yung inorder niyo po. I think there's a misunderstanding."
But seems like River doesn't hear the waiter's explanation. She snaps her fingers towards the other customer hanggang sa napansin na siya nito. Di siya nito napansin nung una dahil sa suot nitong bluetooth earphones.
"Yes?"
"Isn't it unfair na mas nauna dumating ang order mo kesa sa order ko? Are you even a regular customer here kaya VIP ka?"
"I've been a customer here since day 1. Do I need to explain myself?" Aniya at may inilabas na parang card na nagmula sa restaurant. "And I have the exclusive card of this restau. Actually, kaya nga kita ilibre ng lahat ng nasa menu nila." At prente itong sumandal sa kinauupuan niya.
River stood up and looked at everyone, especially sa mga staffs ng Restaurant. Kapag ganitong gutom siya, mas nagiging halimaw ang ugali niya.
"Hindi ko alam na may VIP treatment dito. Magkano ang membership? Name it. I can pay it for triple."
Lumapit pa ito sa pwesto ng lalaki.
"Tama nga ang nasa survey. Na sa kada 100 na malditang katulad ko ay merong isang lalaking mayabang na katulad mo."
Ilang saglit pa ay may lumapit na sa kanila. Manager ata yun ng Restau.
"Sorry for the inconvenience, Ma'am pero kanina pa po si Sir Ej dito."
"Kanina? So kahapon pa ako dito at mukhang invisible sa paningin niyo? On my invisibility mode, wala naman ako nakikitang ibang tao dito bukod sa akin at sa staffs niyo." She stood up straight at taas noo at tinignan niya ang Manager bago nagsalita muli. "I will surely rate this restau in the lowest grade."
"Kanina pa nga ako dito, Miss River. I was here 30 minutes earlier. I just left to get back to my room because I forgot my phone and I got a phone call. Anong explanation pa ang gusto mo?" The man also stood up and River looked at him at her disbelief.
"Totoo po ang sinabi ni Mr.Lausingco, Miss. Kahit icheck niyo pa po ang CCTV's namin dito."
River was too stunned to speak when she heard the man's last name. So this man is EJ? EJ Lausingco? The cousin of her Senior, Shinubo Lausingco? Ang Senior niyang nagsuspend sa kanya?
Kung ano ano na ang naglaro sa isip niya hustong marinig ang last name ng inaaway niya ngayon. Pero mas iniisip niya na baka isumbong siya nito sa Senior niya.
Di pa nga siya nakakaisang buwan sa Cinco, makakastrike two na agad siya kay Engineer Lausingco? Hindi siya papayag! Lalo't alam niyang narinig nito ang pangalan niya mula sa Manager ng Restau.
"Here's your order, Miss Torres."
"River Torres. River May Torres?" Tinignan siya ni EJ mula ulo hanggang paa. "The greatest headache of Cinco now. It's my pleasure to meet you finally." Nilahad nito ang kamay niya kay River na tila nang aasar.
"I'll takeout the order. Pakihatid sa Room ko sa Hotel, the most luxurious one." Ani sa isang staff doon at dali daling naglakad palabas ng restau due to embarassment.
Nang makalabas siya ng restau ay nilingon pa niya ang lugar na yun at tinignan ng masama.
"Babawian kitang EJ ka!" Sigaw niya rito sa sobrang inis.
Kinagabihan ay buong oras lang siyang nakatitig sa Caller ID. Kinakalabog ng sobra ang puso niya sa sobrang kaba.
Engineer Lausingco Calling...
~