Chapter 41---More Complicated
__________Steffany/Uriel's POV.
Nag-aayos ako ng sarili sa kwarto ko ng may kumatok. Nagmamadali pa naman ako dahil unang araw ng summer OJT ko. Tsaka may event daw ngayon sa hotel na naka assign na mag OJT ako... RST-Sarttori.
''Oh, ba't nandito ka?'' Gulat na tanong ko kay Louise.
''Kiefer let me in. Now, let's break the message in this sh!t!'' At pinakita n'ya sa'kin ang telang binigay ni Fatima sa akin dati. Siya kasi ang inutusan kong umalam tungkol sa telang 'yun.
''I'm in a hurry!''
''This will take a couple of minutes.'' Sabi nito kaya napabuntong hininga nalang ako at pinapasok ito sa kwarto ko.
Nilatag n'ya naman ang tela sa ibabaw ng study table ko. Inabot n'ya ang study lamp ko at itinutok ito sa tela at binuksan ito.
''Look, the fabric threads are kinda big and as you can see there are 26 threads both on horizontal and vertical sides.'' Tumango lang ako para magpatuloy lang ito.
''It's like this. There are 26 letters in the alphabet. So, let's put those letters in every thread.''
''Bali, each thread ay may naka-assign na letter?'' Tanong ko.
''Uh huh. The trick is this. Let's find a thread error. You know, hinabi ang bawat thread. The error is when there is an horizontal line on a lane that's supposed to be a vertical line, just like that. Do you get it?''
''Yeah.''
''Good. Let's start from the first four threads, it's A, B, C and D. May nakikita ka bang mali sa pagkakahabi ng mga ito?'' Tanong nito, kaya napatutok ako sa apat na thread na sinasabi n'ya.
''None!'' Sagot ko, dahil wala naman akong makitang mali sa pagkakahabi ng mga ito.
''Go to he next one..'' So I did at may nakita akong mali sa pagkakahabi. Dapat ay vertical ito, dahil horizontal ang sinundan nitong pagkakahabi. Pero horizontal din ito, bali dalawa na itong horizontal.
''Meron!''
''That's it and it's in the thread for the..''
'' Letter E.'' Dugtong ko sa sinabi nito, kaya tumango siya at pinagpatuloy ko ang paghahanap ng mga weaving error. Nakita ko naman lahat at nabuo ko ang hinahanap ko.
''ENVY! The next sin is envy or invidia.'' Seryosong sabi ko at lumingon kay Louise na tumango lang sa akin.
''Kaya mag-iingat ka. Maybe, lahat ng nangyayari sa'yo ay dahil sa taong naiingit sa'yo o kay Fritz, we don't know.''
''Okay, I will..'' At tumingin ako sa relo ko at kinuha ang bag ko.
''Pakipatay ng ilaw ko, kailangan ko na kasing umalis at baka ma-traffic ako.'' At lumabas na akong kwarto.
Just a couple of minutes and the clock is turning 6:00 pm. Mala-late na talaga ako dahil 7:00 ang start ng event.
''Kiefer alis na ako, ikaw ng bahala dito.'' Bilin ko sa kanya.
''Sige, Ate.'' Sagot nito, hindi pa kasi nakakabalik sina Mama dahil pinuntahan nila ang Nanay nitong nagkasakit.
''Hey, wait! Sabay na tayo, doon rin kasi ang punta ko.'' Sumabay si Louise sa paglalakad ko, kaya napalingon ako sa kanya. Ngayon ko lang napagtantong naka formal gray suit ito.
BINABASA MO ANG
The Mavens [COMPLETED]
AdventureSALIGIA; learn to fight to survive. Solve mysteries and face death, while in the game with the seven deadly sins. Live and your enemies will die, die and they will be saved. *** Steffany Rue Villasenior had a joyful childhood, surrounded by people w...