The Se7en Sin ''SUPERBIA''

263 26 3
                                    

This story is "UNEDITED". So guys, expect it please that this story may have flaws, misspellings, grammatical errors and erratums. Just please, do understand about it.:)

****************
The Se7en Sin ''SUPERBIA''

__________

Lavinia Pascal’s POV.

''M-Ma...M-Mama...'' Umiiyak kong tawag sa duguan kong Mama.

Iyak ako ng iyak habang nakahawak sa namumutla na nitong pisngi. Hindi ko alam ang nangyari. kakauwi ko palang galing skwela at naabutan ko itong naliligo sa sarili nitong dugo pagpasok ko dito sa banyo niya. Naka ugalian ko kasing humalik at yumakap kay Mama pag-uwi ko. Pero kanina katok ako ng katok sa kwarto nito pero walang sumasagot sa’kin. Sabi ng mga kasambahay namin nandito ito, pero bakit walang sumasagot? Kaya ginamit ko na ang master key ng kwarto nito at ito nga ang naabotan ko.

''I-Iniwan n-na t-tayo ng Pa...pa mo..'' Hirap nitong pahayag sa’kin.

''A-Ano pong sinasabi n’yo? Mahal tayo ni Papa, hindi n’ya tayo iiwan. T-Teka lang Mama, tatawagan ko si Papa. Hihingi ako ng tulong.'' Tatayo na sana ako pero hinawakan n’ya ako ng mahipit sa kamay, kahit na dumudugo ito dahil sa nilaslas n’ya.

''Wa...wala n-na s’ya! Su..mama na ito sa b-baeng m-mahal nito. P-Pinagpalit n’ya na tayo..'' Dama ko ang hirap n’ya sa bawat pagsasalita nito.

''NO! Mahal ako ni Papa, mahal n’ya tayo! Sandali lang tatawagan ko s’ya!'' Nanginginig ang kamay kong kinuha ang cellphone ko.

Dinial ko agad ang number ni Papa para humingi ng tulong at ng madala na sa ospital si Mama. Maya-maya lang may sumagot sa cellphone ni Papa na hindi ko kilala.

[Hello?]

''P-pwede ko bang maka-usap si Papa?''

[Papa? Sorry but I don’t get you, sino ang hinahanap mo?]

''Si Papa, si Lary Pascal. Please kailangan ko ng tulong n’ya ngayon.''

[What? Baka nagkakamali ka lang. He is my Dad. But wait I’ll hand him the phone, mukhang may problema ka ata.] Bigla akong nanghina sa narinig ko.

Wala sa sariling tumingin ako kay Mama. Humihina na ang paghinga nito kaya mas lalo akong kinabahan.

[Hello! Sino ba ito? Ano ‘yung sinasabi ng anak ko natinatawag mo akong Papa?] And with that sunod-sunod na tumulo ang luha ko.

So, nakalimutan n’ya na ako? Ako na anak niya na tumatawag sa kanyang Papa. I thought I am his princess. His one and only daughter but all this time he is lying to me. Naniwala ako na mahal na mahal kami ni Papa. Na may mga inaasikaso lang ito sa kumpanya nito kaya s’ya nawawala ng matagal. Kaya pala, dahil nasa isa niya itong pamilya. Ang sakit na may tinatawag na anak si Papa at hindi ako, malala pa dahil ako mismo ang sinabihan nito. Inis kong pinahid ang mga luha ko at nagsalita.

''Pasensya na po, baka nagkamali ako ng taong tinatawag na Papa. Dahil ang Papa ko, alam ko mahal ako at hindi kami iiwan ni Mama. Kaya pasensya na po sa abalang nagawa ko.'' Malamig kong sabi sa kanya.

[L-Lavinia? Princ---] Pero hindi ko na pinatapos ang sasabinin nito dahil pinatay ko na ang cellphone ko at humarap kay Mama.

''M-Ma...''

''La..vi..nia, anak. T-tandaan mo, mahal na mahal ka ng Mama. H’wag na h’wag ka ng iiyak. L-Lalong lalo na pagnariyan ang Pa..Papa mo. Ma...hal ki...ta..'' At pumikit na ito.

The Mavens [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon