Chapter 29

382 36 10
                                    

This story is "UNEDITED". So guys, expect it please that this story may have flaws, misspellings, grammatical errors and erratums. Just please, do understand about it.:)

****************

Chapter 29---Cracking the code

__________

Steffany/Uriel's POV.

Nilinis ko muna ang sarili ko at nagbihis. Tinitigan kong mabuti ang hawak kong sobre at binuksan ito at binasa ang walang kwentang naka sulat dito. Mariin akong pumikit at huminga ng malalim bago ko kinontak ko si Yce gamit ang smartwatch ko.

''Hey, I'm not yet done.'' 'Yan agad ang bungad n'ya saking sagot.

''Hindi naman tungkol doon ang kailangan ko. I want to know all the information about Mark Christoffer Choi. Lahat ng tungkol sa kanya, I need it now!'' Narining ko pa ang malalim nitong buntong hininga.

''Okay, I'll send you the file after 15 to 20 minutes.''

''Thank you Yce.''

Tumingin muna ako sa walang malay na si Marky bago kinuha ang gym bag ko at lumabas.

''Babe, you alright?'' Bungad na tanong ni Calex paglabas ko habang mahigpit akong niyayakap.

Tumango nalang ako sa kanya. Nakita kong pumasok sa shower room si Louise at Kiefer.

''Malala ang sugat ni Marky sa ulo, kailangan s'yang madala sa ospital, bago s'ya mawalan ng dugo.'' Sabi ni Kiefer paglabas nito galing shower room.

''I called the security already. Pinatawag ko na rin sila ng pulis at ambulansya. Sinabi ko, nabugbog namin dahil nagbalak siyang pagsamantalahan ka.'' Pahayag ni Louise at nagsindi ng sigarilyo, baka may iniisip.

''Marky, is he...uhmm.'' Si Calex na parang hindi alam ang itatanong, kaya binigay ko nalang ang sobre.

''Pareho pala silang baliw ng nag padala nitong sulat. Ikaw pala Ate ang babaeng kinukwento n'ya. Obsessed pala s'ya sayo.'' Hindi makapaniwalang sabi ni Kiefer.

''Sabilin mo, talagang maluwang lang ang turnelyo nun sa ulo. Tss..so he's the luxuria or lust. What's next?'' Tanong ni Louise at tinapon ang sigarilyo at tinapakan.

Lumapit ako sa bench sa gilid ng pool at umupo, sumunod rin naman sila sa'kin.

''Wala na namang naka sulat d'yan sa sobre. Kaya ewan ko, 'di ko alam.'' Sabi ko sa kanila.

Binusisi naman ni Louise ang sobre at pinunit sa bawat naka dikit na papel. Tinitigan lang namin s'ya sa ginagawa n'ya. Nang mabuksan n'ya ito kunot noo n'ya itong tiningnan at pinakita sa amin.

''D-E 34/ P.16/ 501,29,317,211,89,01,13/52/ P.101..'' Bangit ni Kiefer sa nakita naming naka sulat sa loob ng sobre.

Napatigil kami sa pag-uusap ng dumating na ang mga security kasama ang mga pulis at medics. Dinala na nila si Marky, pero I make sure na may magbabantay sa kanya.

''Kahit 'yun ang ginawa n'ya, he is also a victim. We need to secure his safety.'' Sabi ko pagbalik nila, kinunan kasi sila ng statement ng mga pulis.

''May problema pala talaga si Marky sa ulak.'' Naiiling na pahayag ko habang naka tingin sa laptop, kaka received ko lang ng file na pinadala ni Yce.

The Mavens [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon