Chapter 46--- The se7en sin “AVARITIA”
__________
THIRD PERSON'S POV.
"Fritz, son are you okay?" katok ng Mommy nito.
Narinig kasi nitong nagsisisigaw ito at may mga nabasag na kagamitan sa loob ng kwarto.
"Fritz, I'm worried. I'll open the door now." pahayag nito sa labas ng pinto.
Kinuha n'ya naman ang spare key ng kwarto ng anak sa kakadating lang na kasambahay.
"My God! What have you done Fritz?" gulat na sabi nito at agad na dinaluhan ang anak sa paanan ng kama nito.
Sobrang gulo ng kwarto nito. Kalat ang mga basyo ng alak at upos ng sigarilyo. Halos wala ng mapakinabangang gamit sa loob. Dumudugo rin ang kamay nito. Marahil nakuha nito ng sinuntok nito ang malapad na tv ng kwarto.
"What's happening to you? Bakit ka ba nagkakaganito? Manang Delia, first aid kit please!" Natatarantang sigaw ng Mommy n'ya.
"I messed up everything Mom, I fvck'n messed up everything..." nakayukong sabi nito sa kanyang ina. Inabot naman ng ina ang first aid kit galing sa kasambahay nila at kinuha ang kamay ni Fritz.
" Why are you hurting yourself Fritz? Do you want me to call Uriel? Ilang araw ka ng ganito." sabi nito ng matapos niyang lagyan ng gasa ang kamay ni Fritz. Iningat nito ang ulo at at tinignan sa mga mata ang Ina bago ngumiti ng malungkot.
"May problema ba kayo ni Uriel?" Takang tanong nito.
"I thought I can handle everything, that I can hide everything from her. I am so afraid to loss her that's why I messed up. I am trying to keep her but I didn't notice that she is already slipping away. What have I done?" Malungkot nitong sinabi sa Mommy n'ya. Malungkot din na tumingin sa kanya ang Ina.
"Kung ano man ang pinagdadaanan n'yo ngayon alam kung malalampasan n'yo din ito. Uriel love's you son, I know it for sure. If you think that she's slipping away then hold her tight and if she still fall, catch her. Chase after her if you need too. Just don't do this to yourself." at niyakap nito ang anak at napatango naman yung huli.
"I'm trying my best to not give up Mom, even though I know that I should be the one to take all the blames." sagot nito sa Ina na napabuntong hininga nalang kasi clueless din naman ito sa mga nanyayari sa anak.
..............................
"Ano 'yung nabalitaan ko na pumalpak ka? Nasayo na nga ang mga alas mo pero nawala pa! Wala kang kwenta!" sigaw ng kausap n'ya sa telepono bago ito tuluyang nawala sa linya. Galit naman na inihagis nito sa pader ang hawak.
Hindi nito inakala napapalpak s’ya sa plano n’ya. Hindi niya lubos maisip kung ano yung nangyari at halos lahat ng mga tauhan nito ay wala ng buhay ng makita n’ya. Bigla naman ay may narinig itong kalabog kaya dali-dali nitong pinuntahan ang drawer at kinuha mula dito ang baril. Unti-unti ay binuksan nito ang pinto ng silid nito at maingat na lumabas.
Alam naman nito na nasa labas ang mga tauhan n’ya at nagbabantay pero ang pakiramdam nito ay may nakatingin sa kanya. Pilit nitong inaaninag ang dulo ng hallway ng mansyon n’ya kung saan may nakikita s’yang anino na bigla nalang nawala. Hinanda n’ya ang baril ng malapit na ito sa may terrece ng mansyon ngunit wala naman siyang naabutang tao doon. Dumungaw s’ya sa baba at nakikita ang ilan sa mga tauhan n’ya na matyaga namang nagbabantay.
“Looking for someone?” May nagsalita mula likod n’ya kaya bigla siyang lumingon at tinutok dito ang baril.
“Easy old man, baka magulat mo ako..” malamig nitong sabi sa kanya at kahit hindi nito kita ang mukha alam nitong babae ito at nakangisi ito ngayon sa kanyang harapan.
BINABASA MO ANG
The Mavens [COMPLETED]
AdventureSALIGIA; learn to fight to survive. Solve mysteries and face death, while in the game with the seven deadly sins. Live and your enemies will die, die and they will be saved. *** Steffany Rue Villasenior had a joyful childhood, surrounded by people w...