Chapter 1- Jamais vu
_______Almost 5 years later.
Uriel's POV.
I've seen my self sobbing, while a guy is embracing me. Then he whispered "I love you..." And I don't know what happened next.
''Aaaahh..'' Napabalikwas ako ng bangon ng wala sa oras.
Habol ang hiningang napatingin ako sa bintana, umaga na pala.
''Panaginip, palagi nalang.'' Bulong ko sa sarili.
Inayos ko muna ang kama ko bago pumuntang banyo. Pagkatapos kong mag ayos hinanda ko ang mga gamit ko sa bag. Nang handa na ay naisipan ko ng bumaba at para makapag almusal na.
''Ate, kain na. Morning!'' Bati ng kapatid kong si Kiefer.
''Morning baby bro! Morning Ma, Pa.'' Bati ko sa kanila bago umupo at nag simulang kumuha ng pagkain.
Nakalahati na ang kinakain ko ng mag tanong si mama.
''Anak pupunta ka na ba ng school mo?'' Tanong ni Mama.
''Opo Ma. Credit naman po ang mga minor subjects ko.'' Sagot ko kay Mama. Sumubo muna ako bago mag salitang muli. “Irregular third year student po ang standing ko ngayon. Hahabulin ko nalang ang ilang subjects ko para maging regular po ako.''
''Mabuti naman. Pasensya kana medyo kapos tayo ngayon.'' Sabi naman ni Papa habang umiinom ng kape.
''Okay lang po. Tsaka ayaw kong magka-problema kayo.'' Sagot ko sa kanila.
Huminto kasi muna ako eh. Medyo kinapos kami tsaka baka nahihirapan sina Mama. Ayaw ko namang ganun kaya heto ako ngayon.
''Sige Ma, Pa. Una na po ako.'' Sabi ko, at humalik sa pisngi ni Mama at nag mano kay Papa.
''Sige anak, mag-ingat ka.'' Sabi ni Mama.
''H'wag magpapa gabi. Pagkatapos mo sa skwela, uwi agad.'' bilin naman ni Papa.
''Opo!'' Sagot ko na lang sa kanila. ''Ikaw naman kiefer, bilisan mo na at malalate ka na. Unang araw ng klase tapos late ka. Kupad-kupad mo eh!'' Singhal ko sa kapatid ko.
''Oo nah! Una kana ate, susunod nalang ako. Ingat pala sila sayo. Bye, bye.'' Sagot n'ya naman.
''Talagang una na ako, at anong sabi mong ingat sila sa'kin?''
''Talaga naman ah! Siga ka pa nga sa mga tambay dito eh.''
''Eto na naman kayo. Sige na anak una kana, at ikaw naman bata ka dalian mo na dyan.'' Pagputol ni Mama sa bangayan namin.
''Alis na po ako.'' Muling paalam ko sa kanila bago kinuha ang bag ko at lumabas ng bahay.
Naglalakad ako ngayon sa makitid na daan palabas ng barangay namin. Makitid kasi tabi-tabi at kaliwaan ang mga pamamahay dito. Parang squater's area lang.
Nakakapagaral kami ni Kiefer dahil may ipon naman si Papa. Nagtrabaho kasi s'ya sa ibang bansa, nakapag ipon ng kunti kaya umuwi. Nakapag pundar naman siya ng talyer at carwash, kaya 'yun ang inaatupag niya ngayon. Si Mama naman may tindahan at nagluluto ng ulam pag tanghali.
Tapos si Kiefer varsity ng basketball sa school, kaya half tuition lang. Civil Engineer ‘yung ugok na ‘yun...ako?
Ako nga pala si Uriel Dela Paz at mabuti nakapasa na working student. Maski papanu kunti na lang babayaran nila Mama, pambawi ko na rin kasi sa hirap ng buhay namin ngayon.
Hindi ko namalayan nasa kanto na pala ako at sakto na may naka tambay na jeep kaya sumakay na ako.
''Hoy girl! Nakita mo ba ang bagong magazine ng GOM?'' Narinig kong usapan ng mga studyante sa jeep.
''Ay oo, ang gwapo talaga ni Ethan haizz.''
''Basta ako si Blake my labs pa rin.''
''Gwapo rin kaya si Floyd bebe ko.''
''Ah basta ako, papa Tyler pa rin ako...ayiiieh.''
Parang gusto kong tumawa. kasi naman parang naiihi na ewan ang bakla sa kilig. Tyler...napangiti ako ng malungkot.
''Eh hindi naman nag e-exist ang salitang pangit sa kanila ah.'' Sinabi ni girl 1
''Oo nga, sobrang gagwapo at gaganda nila.'' Girl 2
''Uy! Pero sa kanilang lahat pinaka gwapo si Jarvis. Kaso wala na s'ya.'' Malungkot na sabi ni girl 3
''Tapos ang girlfriend daw n'ya hindi talaga nagpakita. Kaloka! Missing in action pa rin, ni walang balita sa kanya.'' Bakla
''Narinig ko nga ‘yan dati, ni hindi daw pumuntang lamay, grabe naman! Swerte nga sya't naka ligtas s'ya.'' Girl 3
Hindi ko na sila pinansin, nagsimula na kasing umandar ang jeep.
Generation of Mavens...si Jarvis frye Vega Accardo at ang girlfriend niyang si Steffany Rue Villasenior.
Parang jamais vu lang. Seems that I forgot something familiar that happened to me, yet it really happened.
BINABASA MO ANG
The Mavens [COMPLETED]
AdventureSALIGIA; learn to fight to survive. Solve mysteries and face death, while in the game with the seven deadly sins. Live and your enemies will die, die and they will be saved. *** Steffany Rue Villasenior had a joyful childhood, surrounded by people w...