Chapter 43--- The Question
__________
Steffany/Uriel's POV.
Bumabalik ako sa nangyari 5 years ago. Ang kaibahan lang ngayon, natutuwa ako kasi nakikita ko na ang mukha ng taong nagligtas sa'kin. Isa nalang ang pilit kong inaalala... 'yung babae na tinalikuran lang kami when we needed help the most.
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Puting kwarto, nasa ospital ako. The last time I remembered ay 'yung time na nanghihina ako at kasama ko si Vexy. Then the guy from my past came in and saved me again. Napatingin ako sa kanang kamay ko dahil gumalaw ang kanina'y humahawak nito.
''Hey, gising kana..'' Malumanay nitong sabi dahil kakagising lang nito. Inalalayan n'ya akong maka-upo at maka-inom ng tubig bago magsalitang muli.
''Wait, I' ll call the doctor.'' Marahan lang akong tumango kay Kuya.
Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. Napangiti ako sa unti-unting gumising na si Mama. Nasa sofa ito at naka
patong ang mga paa nito sa binti ni Kiefer na natutulog pa. Nagsiksikan naman sa malaking sofa bed sina Tyler, Cloud at Sunny. Nakakatuwa silang pagmasdan.''Anak, gising kana pala. Ayos na ba ang pakiramdam mo?'' Nakikita ko sa mga mata ni Mama ang pag-aalala kaya marahan akong tumango at ngumiti sa kanya.
''Salamat naman at ligtas kana. Sobra kaming nag-alala sa'yo. Akala namin iiwan mo na kami anak..'' At bigla nalang itong umiyak.
''S-Sorry, M-Ma..'' Pilit kong sinabi sa kanya dahil nahihirapan pa akong magsalita. Parang may bumabara kasi sa lalamunan ko.
Niyakap lang ako ni Mama ng mahigpit. Dumating rin naman ang doktor. Okay na daw ang lagay ko at pwede na akong lumabas bukas kung gusto namin. Bibisitahin n'ya nalang daw ako for further check-up. Isang linggo pala akong natulog. Epekto daw ng lason sa katawan ko. Mabuti nga at naisugod ako agad sa ospital dahil kung hindi ay baka namatay na 'ko.
''Kuya si Calex?'' Mahinang tanong ko kay Kuya Raven.
''Nandito s'ya ng araw na isinugod ka. He went off after n'yang malaman na ligtas kana, 'til then hindi na s'ya dumalaw pa dito.'' Tumango lang ako.
''Kuya, can I ask you?''
''Sure thing.''
''Remember noong naaksidente ako...kami. Sino nagdala sakin sa hospital?'' Seryosong tanong ko sa kanya.
''Oh, that? I don't know. Hindi na rin ako nakapagtanong that time kasi kapakanan mo ang iniisip ko.''
''Aah...ganun ba.'' Sabi ko sabay hikab, kasi inaantok na ako. Epekto siguro ng gamot na pinainom sa'kin.
''Yeah. So now, sleep..'' Malumanay na sabi ni Kuya bago ako halikan sa noo. Pagkatapos ay ngumiti ako sa kanya at pumikit na hanggang sa makatulog na ako.
__________
Lumingon ako sa wall clock at mag si-six thirty na ng umaga. Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko. Mukhang ayos na naman ako. Tinanggal na nga nila ang IV ko. Mag-isa lang ako sa kwarto kaya maingat akong tumayo at nagtungo sa banyo. Nag ayos muna ako ng sarili bago ako lumabas ng kwarto.
''Excuse me, Miss..'' Kuha ko sa atensyon ng nurse.
''Yes, Maam? Ano po'ng kailangan n'yo?'' Tanong nito.
''Nasaan ang kwarto ni Vexy Basquez?''
''Ay, tamang-tama po Maam. Doon po ang punta ko ngayon, sumabay kana lang po sa'kin.'' Magalang na pahayag n'ya at nauna ng maglakad, kaya sumunod ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Mavens [COMPLETED]
MaceraSALIGIA; learn to fight to survive. Solve mysteries and face death, while in the game with the seven deadly sins. Live and your enemies will die, die and they will be saved. *** Steffany Rue Villasenior had a joyful childhood, surrounded by people w...