Chapter 32

346 27 9
                                    

This story is "UNEDITED". So guys, expect it please that this story may have flaws, misspellings, grammatical errors and erratums. Just please, do understand about it.:)

****************

Chapter 32--- The fun house

__________

Steffany’s POV.

Nandito kami ngayon sa ospital at binabantayan si Louise. Hindi naman malalim ang tama n’ya. Nawalan lang ito ng malay kanina. Umalis rin kami agad ng dumating sila Cloud. Hiniram ko muna ang cellphone ni Calex at ito nga at kinakalikot ko ngayon ang inbox n’ya.

From: Babe

Fritz, just go straight to the room na nakabukas ang ilaw. I’ll wait you here...hug and kisses, love yah!

Wow lang...wow! Parang nakakakilabot naman nito pag ako talaga ang nag text. Nakakatawa lang.

‘‘Alam mo Cal, kung hindi ka ba naman isa’t kalahating tanga! Bakit hindi mo agad naisip na hindi ako ang nag text sayo?’’

‘‘What? I really thought it was you..’’

‘‘Tinatawag ba kitang Fritz? Tsaka hug and kisses, love yah! Seriously Cal? It’s like O-M-G, you really think I make text like ganun?’’ Nag acting ako na parang sobrang arte ko at nag roll eyes ako sa kanya.

‘‘Pfft...okay I’m sorry. But please don’t talk to me that way.’’

‘‘Hahaha...why? Their’s nothing wrong with the way I make salita naman. It is you nga, you make pauto with Lavinia...okay, baka matuluyan na ‘ko nito.’’

‘‘Yeah, she fooled me----’’

*Tok, tok, tok..*

Hindi na natuloy ni Calex ang sasabihin ng may kumatok sa pinto. Tumayo naman ako at lumapit sa pinto para buksan ito. Pagbukas ko nagulat ako sa taong matagal ko ng hindi nakikita.

‘‘Wilder…’’

‘‘Long time no see, Sarttori.’’ Then she smirked at me.

Napatingin ako kay Calex na naka tayo na pala sa may gilid ko. Binalik ko naman ang tingin ko kay Wilder na naka ngiting tinitignan si Calex.

‘‘Pasok ka muna..’’

Sumunod naman ito. Sinyasan ko siyang umupo sa tapat na couch na inuupoan namin ni Calex.

‘‘Anong kailangan mo Detective Aphrodite Wilder?’’

Yes, she’s a detective, homicide detective. Nasa Crime and investigation unit s’ya at isa pa she’s a forensic expert. Highschool palang kinuha na s’ya ng isang inspector sa isang local police station dahil kasi sa katalinohan nito at galing. Napabilang s’ya sa cold case squad, ‘yung mga unsolve cases at matagal ng hindi umuusad.

Isang taon lang naman ang tanda nito sa’kin. Ang kulit n’yan dati at ako ang kinukulit n’ya palagi. May gusto daw kasi itong patunayan sa pagkatao ko. Then I save her life kaya she owe me her life at ‘yun ang dahilan ng pagtigil n’ya sa kakakulit sa’kin. Pero nalaman din nito ang tunay kong pagkatao.

‘‘It’s because of this..’’ At may pinakita itong zip lock plastic na may bala sa loob.

‘‘Cloud called me about the incident, naayos ko na ang lahat. Ito ang balang nakuha sa ulo ni Lavinia Pascal.’’ At inabot ito sa’kin.

The Mavens [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon