Chapter 09

6 1 0
                                    

09
Enjoy! God bless! Have a nice day ahead! ♡(◕ᴗ◕✿)♡


She was smiling… softly. Napailing na lang ako habang pinapanood siyang maghukay sa paligid ng puno. Nangalumbaba ako habang nakatingin sa kaniya.

Sinuportahan ako ni Auntie at Mom kaya sila ang nagpaalam sa mga malapit dito. Pinayagan daw sila agad at natuwa pa. They told Mom that they were the reason why it didn’t bloom. May ginawa kasing bahay sa katapat kaya hindi na naarawan, that thankfully, natapos after many months. Pero ngayon lang namin naasikaso dahil sa busy sila Mom at pinag-usapan pa kung anong gagawin namin. Wala kasi silang tiwala, dahil sa dalawa lang kami, babae pa 'yong isa.

I looked at her again, until now, we don’t know each other’s name. It's been a week since she cried that hard. It's a good thing that she cried, I guess. She looks like a blooming flower, on my opinion.

Napairap ako nang maalala kung paano niya hilahin 'yong kuwelyo ko no'ng umiyak siya. Nauuhaw daw kasi siya at kailangan niyang uminom, kung hindi, malalanta siya… no… ang sinabi niya is… mamamatay siya. Marami na daw nawalang tubig sa kaniya, I scoffed, as if naman dugo ang mawawala sa kaniya. Nagkumahog akong pumunta sa bahay para punuin 'yong 2 liters na water bottle ko. Nakakagulat kasi nakakalahati siya agad.

After that, she looks happy and calm. She looks peaceful. Like, she become a woman at a young age.

Siguro si Ate, binobote 'yong feelings. Bottling her anger, disappointment, sadness. She looks ugly. Parang bulaklak na lanta at tuyo na.

I laughed as I imagined her face. Napapikit agad ako nang may bumato sa akin ng lupa na parang buhangin na dahil sa liit. Pinagpagan ko ang mukha at damit ko. Masama kong tiningnan kung saan nanggaling 'yon.

“What?” she pouts. “Pinagtatawanan mo 'ko, e! Wala ka na ngang silbi. Ikaw 'tong lalaki pero wala kang ginagawa! Ano? Ikaw magdidilig, gano'n?”

I bit my lower lip as I stopped myself from laughing hard. “I was thinking of someone, not you.”

“Ha!” magkasalubong na 'yong kilay niya. “Sinasabi mo bang asyumera ako?!”

I laughed, “nah. Tsaka isa pa, ikaw 'tong ayaw maagawan ng gagawin.”

Inirapan lang niya ako at inabot sa akin 'yong pang-hukay. “Oh, ikaw na!” Pagkatapos ay ngumiti ulit siya, “ ikaw, ah! ‘Di mo sinasabi na may girlfriend ka na.”

Natawa ako at napailing, “I was thinking of how ugly my sister was.”

She gasped, “you’re so harsh!” Natawa na lang ako at nagsimula nang maghukay.

Lumipas ang ilang araw, patagal nang patagal, para na akong tatay na may alagang anak. Parang bumalik ako sa kung anong ugali ko sa kambal, ugali ko no'ng nasa Pinas pa ako.

She pouts, “please!” Hinawakan niya 'yong kamay ko at agad na hinila.

She's… bringing me again somewhere. Like, every freaking time.

“What about the Sakura that didn’t bloom?”

She pouted more, this time salubong na ang kilay. “Come on! Madadaanan din natin 'yon!”

I sighed tiredly as I nod, “fine.”

She jumped out of joy and smiled widely, “yes! Yehey!”

Our Love On Spring Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon