Chapter 35

1 0 0
                                    

I groaned. My eyes are still close. Wala na 'yong antok ko but I don't want to open my eyes. Naramdaman kong wala ng tao sa tabi ko kaya agad akong dumilat.

I yawned and looked around. Nasa baba na siguro sila. Nagstretch muna ako bago bumangon at pumunta downstairs.

When I entered the kitchen, no one was there. My brows furrowed and look around.

"Sa'n na naman ba sila pumunta nang wala ako?" I shook my head and approach the dining table when I saw a note lying above.

'Sorry, nauna na kaming kumain, hehe. We just went outside. Napagod ka ba last night? >_< hehe joke lang :P

- your sweet loving wife ♡

Natawa na lang ako at kumagat sa egg sandwich. Napailing na lang ako at pumunta sa sala para ilagay 'yong note ni Sanya sa vault doon.

She tell me na she kept this vault. This vault was from her brother, when she still doesn't know him, he used to keep his letters in it. Ngayon, naging habit na rin naming mag-asawa.

I washed up myself and hinugasan ko na rin 'yong pinagkainan ko. After finishing those, wala pa rin sila. Napakunot na ang noo ko at lumabas.

They're not also outside. I look at my surrounding, halos bloom na pala lahat ng sakura. Napailing na lang ako at naglakad-lakad. They might be somewhere near.

Hindi naman kami nag-away kagabi, ah? In fact— ah, nevermind.

I already reached my favorite spot. Napangiti ako dahil continuous na ang naging bloom ng punong 'yon.

I looked at my feet to chuckle. It has been years and here I am, still simping at a certain woman.

Tatalikod na sana ako nang mapansing may gumalaw sa likod ng puno. I can clearly hear a chuckle.

"Hmm...." I acted like I was super super concern. "Asan na kaya sila? Natsu... Akiko..." I fake a sigh. "Natsu! Akiko! Your father is super super worrie—"

"Wah!"

"Bang!"

I bit my lips to stop myself from laughing. I clutched my heart, acting like they really shot me even tho there's no gun. Napaluhod pa ako.

"Oh no!"

"Dada!"

Sanya started to laugh at us. Nagpanggap pa rin akong nasasaktan.

"Oh no! Mommy, Dada needs kiss!"

Kunwaring nag-aalala si Sanya at lumapit sa akin. She baby talk me that made me chuckle. "Oh! Is my baby hurt? Oh... no, here a kiss!"

She showered me kisses that made us all laugh. Agad kong binuhat si Natsu, binuhat naman ni Sanya si Akiko.

When we reunited years ago, we gave each other a space. That time, she gave me an assurance. After few months, when I can already move my arm, we have met each other again. Doon ko na siya niligawan.

And after some months, sinagot na rin niya ako. Instead of being girlfriend and boyfriend, we directed to the altar.

"Dada, I'm hungwyy!" Natsu, our son who was born first.

"We will eat when we come home, okay?"

He nodded and leaned on me. I looked at Sanya who was carrying Akiko, our daughter who's really quiet unlike her brother.

I opened the door and to my shock, lot of people was inside our house.

"Hello, ninong! Hello, ninang! Hello, tito-ninong! Hello another ninong!"

Nagtawanan kaming lahat dahil sa sunod-sunod na bati ni Natsu.

Lumapit si Peyton, "ang hyper talaga ng pamangkin ko, hm?" Pinanggigilan niya ang pisngi ni Natsu. Agad namang hinampas ni Sanya ang kamay niya.

"Tantanan mo nga 'yan, Peyton. Sasakit pisngi niyan."

Inirapan lang siya ng kambal niya. Lumapit din si Peyton kay Akiko. "Cute cute oh," pinanggigilan din niya ang pisngi nito. Nahampas ulit tuloy ng ate niya.

"Bakit ba kayo nandito?" agad kong tanong.

Binaba na namin ni Sanya ang kambal namin. Nagtakbuhan naman ang mga 'yon papunta kay Jade. Sasagot na sana sila nang bumukas ang pinto.

"Hinding-hindi kita mapapatawad!"

Agad na nangunot ang noo ko sa bagong dating. Napairap agad ako. "Ano na namang problema mo?"

"Ikaw!" Masama ang tingin niya sa akin kaya napailing ako. "Hindi mo ako ginawang ninong! How dare yo—"

"Ninong Drix!"

Agad na nagbago ang expression ni Drix. Para siyang naging tuta bigla at napaluhod pa para salubungin ang kambal naming anak.

"Ay, ninong pala ako." Nagtawanan kami sa sinabi niya. I really hide it from him before, baka kasi lumaki ang ulo at kung ano pang ituro sa mga anak ko.

"Ang laki niyo na, mga inaanak ko." Kala mo ay naiyak siya kaya napailing na lang ako.

Naghanda pa kami ng salo-salo ni Sanya dahil sa mga lintikang bwisita. Bebe time at family time sana kami kung hindi nagyaya 'yang Drix na 'yan.

To our shock, andoon din ang family namin. Mom, Dad, Ate Saki, and even Geoffrey's and Sanya's parents.

Hindi ko rin inexpect na si Geoffrey pala ang kuya na sinasabi ni Sanya. A small world, indeed.

"Ang laki ng mga apo ko, oh." Tita Georgia laughed when Natsu pouted even more.

"Panis pala 'yang lahing Alcantara niyo sa lahing Veronilla namin, e." We all laughed at Tito's remarks. Alcantara talaga si Sanya, that makes her a real relative for Geoffrey's side. Veronilla's side was the one who have a twins in genes. Pati rin sa amin may twins kaya hindi na kami nagulat.

Speaking of twins, wala ngayon sila Shawn dahil nasa Pilipinas pa sila. Minsan na lang din magkasalubong landas namin.

Our kids now have a three pairs of grandparents. My parents and Sanya's biological and her other parents.

After years, naging maayos naman ang pagsasama namin ni Sanya. Tuwing Spring ay pupunta kaming Japan, minsan kapag trip, ibang season. Nakapundar din kami ng bahay dito. Buti na lang ay sakop din ng lupa ni Aunt ang tabi kaya naman napatayuan namin nang walang gaanong kalaking process.

Kinagabihan, nang tulog na ang kambal, nagstay pa kami sa kwarto nila.

I sighed in contentment as I hugged Sanya from behind.

"Are you tired, love?"

Agad akong umiling. She chuckled kaya natawa na rin ako nang mahina. "I am happy."

I bit my lips when she leaned on me more. "Stop it, Sanya."

Agad siyang natawa. "Fine, fine." Humarap siya sa akin at pinulupot ang braso sa leeg ko. "Do you still love me?"

I furrowed my brows, "what? Hindi ka lang pinaisa—ouch!" Mahina akong napahiyaw nang hampasin niya ako. "Of course, I love you!"

"Even I hurt you?"

"As long as you love me too." I sighed and kissed her forehead. "You love more than you hurt."

My heart contains so much love and happiness. Just looking at my wife and kids. It is already so much. Napalingon ako sa kambal naming anak na mahimbing pa ring natutulog.

When I looked back at Sanya, she gave me a quick kiss. "I love you so much."

I looked at her, adoring her features. I smiled at her sweetly, "I want to spend countless Spring with you."









END

Our Love On Spring Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon