Chapter 28 - It's not over

4.3K 74 3
                                    

Di ako mapakali gusto ko na puntahan si Alyssa, okay na kya sya? Ang tagal naman kasi matapos ng class ko. Nako nakalimutan ko kung may gamot pa ko dun? Ay baka di pa sya kumakaen, bili na lang ako ng food. Haay gusto ko na sya isurprise.


"Lazaro!" sigaw ng professor ko kaya natigilan ako sa pagda-daydreaming dito, napangiti naman ako ng alanganin sa prof at tska nakinig na ulit ako sakanya.


Yehey! Natapos din yung class namin, right after nun ay dumaan muna ako sa cafeteria para bumili ng food namin. Dahil sa sobrang excited ko yung lakad ko na dahan-dahan paunti-unting bumibilis hanggang parang naging jogging na pero nung may nadaanan akong mga bulaklak sa may path walk malapit na sa dorm ay pa-simple akong pumitas tska nagmadali na ulit tumakbo.

Di ko na naantay ang elevator kaya naghagdanan nalang ako nasa 3rd floor lang naman kami eh. Pagdating ko sa pintuan ng room namin ni Aly ay inayos ko ang sarili ko, punas pawis muna at ayos uniform, inamoy ko pa muna yung pinitas kong flowers para kay Aly, lambing to pambawi sa mga kasalanan ko.


Nang ready na ko ay kinuha ko yung susi ko pero napansin kong hindi naman nakalapat ng maigi ang pinto kaya binuksan ko na lang, di ko malaman kung bakit parang kinabahan akng magbukas ng pintuan.


(Play Media)


Parang nadadala ako at unti-unti akong lumalapit hanggang sa magdikit ang mga labi namin. Humalik ako at gumanti din sya ng halik. Natigilan lang kami ng maramdaman kong may pumasok ng pintuan, ganuon din si Aly na biglang napaupo at tinanggal ang eye patch nya.


Kitang-kita ko ang pagkagulat ni Dennise at ni Alyssa, tinignan ako ni Alyssa na may halong pagtataka at tinignan naman nya si Dennise na parang naiiyak na bata.


"Anong ibigsabihin nito?" naiiyak na tanong ni Den habang naglalakad sya papalapit saamin ni aly, nabitawan nya din ang bulaklak at pagkain na hawak nya.


"D—-Den?" tawag ni Aly habang tumatayo at isinusuot ang tsinelas nya. Nahawak na nya si Den sa mga braso, "Den mali —-" *pak* hindi na naituloy ni Aly ang sasabihin nya dahil inunahan na sya ng sampal ni Dennise kaya napatayo ako para hilahin si Alyssa.


Pareho na silang naiyak, "Tapos na tayo Aly!" sabi ni Den atska nya ibinagsak yung aquarium na may toy jellyfish at diretsong lumabas sa kwarto.


Halata ang pagkagulat ni Alyssa sa ginawa ni Den kaya natigilan sya, agad ko naman syang hinawakan pero bigla syang natauhan at akmang hahabulin si Den pero pinigilan ko sya, "Aly hayaan mo na muna si Den!" sigaw ko sakanya.


"Bitawan mo ko bang, kailangan ko syang sundan, mali ang lahat!" pilit syang pumipiglas sa pagkahawak ko kaya nabitawan ko din sya. Nang makaalis sya tska ako nanghina at napaupo sa gilid ng kama.


Humagulgol na ako ng marealize ko na hindi talaga kami pwede ni Alyssa masyado nyang mahal si Dennise, napaka swerte naman ni Dennise samantalang ako palagi nalang naiiwan.


———


Tumakbo agad palabas ng kwarto para habulin si Dennise, hindi ko alam kung bakit andun si Bang bakit nya ako hinalikan at bakit ko ba sya hinalikan. Kahit nakapajama ako ay todo hanap ako kay Dennise sa buong campus nagbabakasakaling makita sya, tinatawagan ko din sya pero wala patay yung phone nya.

Yes or No? (either way I love you..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon