Chapter 3 - Third Parties

7.3K 106 0
                                    

        **DENNISE POV**

        Hila-hila ako ngayon ni Bang andito kami sa loob ng Gym at mukhang may hina-hunting, Jusme! Kala mo di galing sa break-up.

"Hoy! Dahan-dahan naman baka tamaan tayo ng bola." sabi ko.

"Wait lang friend, nakita kong dito sya sa gym pumasok kanina eh!" sabi ni Bang

"Halika na kasi marami pa akong gagawin!" inis na sabi ko.

"Sandali lang naman tatanungin ko lang pangalan nya tska mag-tha-thank you na din ako, ang sweet kaya nya." kinikilig na sabi nya. "Ay ayun sya oh! wow varsity pala sya ng basketball, POGI points na to den!" kinilig ulit at kinawayan yung crush nya sabay bangga ng bewang nya saakin.

*Aray ko ah! kung hindi ko lang to bestfriend sinaktan ko na to! Wait, yung papalapit kaya yung tinutukoy nya? Si Bwiset!* Lumapit na sya saamin at parang kiti-kiti naman itong katabi ko. 

"Hi miss iyakin ikaw pala yan at hello miss sungit! Ano ba maipaglilingkod ko sainyo?" Hala nagi-isterikal na si Bang.

"What magkakilala kayo den?"  nagulat si bang at napatingin saakin.

"Oo roomate ko sya!" inis na sabi ko at habang hindi ako nakatingin sakanya.

"Wow! ang swerte mo naman den! Oo nga pala ano ba name mo hindi ko man lang naitanong kanina."  pa-cute na sabi ni bang. Nako ang landi ni shie! kainis.

"Ano ka ba ang landi mo ha diba kaka-bre---"  Aba at hindi pa talaga ako pinatapos magsalita.

"Ah! So stupid, I forgot to introduce myself. Ladies! I am Alyssa Valdez."  Wow pa-gentlewoman? Takot naman sa ipis. hahaha

"Hi ako naman si shiela you can call me bang at itong masungit na to si dennise or denden na lang, sorry ah! ganyan talaga yang bestfriend ko bipolar." Hala kinilig nanaman sya at anong bipolar sira ulo ka shie!

"Uh! Okay lang mukha namang harm less yung bestfriend mo."  aba at nang-asar pa close ba tayo ha?

"Anong sinasabi mo? Nako! lagot ka saakin mamaya." galit na pagbabanta ko sakanya.

"Bakit ano gagawin mo?"  bwiset manyak! ."Well excuse me muna ladies, I need to take a shower pa. See you around bang, nice meeting you." Aba at kinilig nanaman to si Bang kinurot ko nga sa tagiliran. Nakakahiya eh!

        **SA KWARTO**

        Naglalaro lang sya ng PSP nya at naka-earphone. Nang biglang may tumatawag sa akin.

        *L.A calling*

"Oh bes kamusta?" excited na sabi ni LA at pumasok naman ako sa banyo.

"Hi bes! okay naman, ikaw? miss kita ah!" sabi ko sakanya.

"Hmm eto di pa ko ready sa college eh! haha" lokong sagot nya.

"Masasanay ka na din nyan. Ah-bes may sasabihin ako sayo."

"Ano yun bes may problema ba?" medyo nag-worry yung voice nya.

"Err--kase yung roomate ko baka magalit si mama." hininaan ko ng konti yung boses ko.

"Ano ka ba wag mo na isipin si tita secret na lang natin, okay?" secure na sagot nya.

"Hay thank you bes! Hmm bye na muna may assignment pa ko eh! see you soon. bye" then hung up.

        Paglabas ko ng banyo, nagulat ako sa nakita ko. WOW! anong ginagawa ni Bang dito, magkatabi pang nakaupo sa kama at share ng earphones. Nako landi agad shie, di ba kaka break mo lang?

"Hi besh!" kinikilig na sabi ni bang.

"Oh besh ano naman ginagawa mo dito?" curious lang. yung isa naman nakangiti lang habang patuloy na naglalaro. Bwiset!

"Eh sinaoli ko kasi yung panyo ni Aly eh yung pinahiram nya saakin kahapon." kinikilig na boses.

        At kinuha na ng bwiset yung atensyon ni Bang at ngayon ay tinuturuan nya maglaro si Bang. Jusme kung makikita nyo lang si Bang ngayon sobrang nag-papacute at akala mo talagang inosenteng hindi marunong maglaro ng PSP. Masyado namang pa-ovious tong si Shie na gustong-gusto nya si Aly.

         **ALYSSA'S POV**

        Himala tahimik ang tigre! Biglang may tumawag sakanya at pumasok pa ng banyo, akalain nyo may boyfriend yung ganun kasungit na babae? kawawa naman yung lalaki. Biglang may kumatok sa pinto (Gulat kayo no narinig ko kahit naka-earphones ako, mahina lang talaga ako magsounds para marinig ko yung nasa palgid ko. Anyways yung kumakatok!) Tumayo ako at binuksan ko si Bang pala.

"Hi Aly!" ngiting-ngiting bati nya saakin.

"Oh! Bang  ano ginagawa mo dito?"

Sumilip sya sa loob, "Ah di mo ba ko papasukin?"

"Ah sorry! Sige tuloy ka."

"Isosoli ko kase yung panyo mo e, nilabhan ko yan." nakngiti habang inaabot saakin yung panyo ko.

"Ah~ salamat, so siningahan mo nga kase nilabhan mo e." pagbibiro ko sakanya.

"Sira hindi! nakakahiya kase eh! Oh bakit may hati yung kwarto nyo?" nagtaka sya.

"Ah yung landlady ko kase maarte!" 

"Si den ba?"  halatang natawa sa sinabi ko.

"Oo. Ganun ba talaga kaibigan mo?" nagtatakang tanong ko. Sabay narinig nya si den sa banyo.

"Ah long story wag mo na lang itanong." 

"Sige na di na ko magtatanong. Lika dito laro tayo?" di ko na lang pinilit. Ano kaya yun?

        At lumabas na yung tigre sa lungga nya, haha! Ang sama ng tingin saamin at ininterogate pa si Bang. Pagkatapos nun eh! Bumalik na sya sa table nya.

Yes or No? (either way I love you..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon