Part 40 - Kahit ayaw mo na

457 11 5
                                    

"Woooohooo! Go Aly!"

"Den, tara na may class pa tayo"

"Ella, wait lang, konti na lang oh matatapos naman na!" pagmamakaawa nito sa kaibigan.

"Kanina pa yang wait mo eh nag-OT na nga yung laro nila"

"Sige, sige na kapag nag-time out, magpapa-alam lang ako kay Aly"

"Tsk sige na, antayin kita dun sa may pinto ng gym ha"

"Oo na sige na"

---

Pag-pasok ni Den sa classroom nila ay pinagtinginan sya ng lahat lalo na ng professor nila.

"You're late!" 

"Sorry ma'am" nakatungong nagmamadaling umupo si Dennise sa tabi ni Ella.

"Ano ka ba naman sabi mo saglit ka nalang?"

"Sorry na kasi naman eh exciting yung laro"

"Exciting ba talaga?" 

"Shh makinig na tayo"

--

"Ah Hello! Ly? ....Ah ganun ba? sige, okay lang, sige, sige, ingat ka ha! update mo ako. love you"

"Eww Den! tigilan mo nga!"

"Eww eww ka dyan, inggit ka lang eh!"

"Inggit ka dyan eh--" at hindi na nakapagsalita ang kaibigan nya dahil tinakpan nya agad ang bibig nito.

"Dami mo pa sinasabi, tara na! at kumaen na tayo!"

"Aray ko naman! mapanakit ka talaga kaya--" natigilan nanaman si Ella

"Kaya ano? sige ituloy mo!" 

"Wala, tara na nga buti nalang busy si Aly, ako nanaman ang makaktikim ng libre mo!"

--

"Hi anak!"

"Hi ma!"

"Oh mukhang pagod na pagod ka ah? saan ka galing?"

"Madami lang po ginagawa sa school"

"Ah kamusta naman si Aly?"

"Ahh busy lang sya ma"

"Kumaen ka na ba? May niluto na ako"

"Sige po ma, magpapalit lang ako ng damit"

At umakyat si Den ng kwarto nya at ibinagsak nalang ang bag sa sahig at ang sarili nya sa kama. Napapikit nalang sya sa pagod hindi lamang dahil sa school works kundi dahil sa pagod nya kay Aly.

--

"Dennise!" para namang nanigas si Den sa kinatatayuan nya dahil tinawag sya ni Aly, sobrang namimiss nya ang mga pagkakataon na si Aly ang may kailangan sakanya at sya ang hinahanap.

"Oh! Ly, bakit?"

"Ah kase meron pa akong homework sa physics, kaso may laro ang team eh baka.."

Agad naman kinuha ni Den ang libro at notebook ni Aly, "Ano ka ba bakit ngayon mo lang sinabi? Alam mo naman na alanganin ka na kay Ma'am Gomez"

Hinalikan naman ni Aly sa noo si Dennise, "Haay angel talaga kita! Thank you Den, see you later ha para kuhanin ko sayo yan, bye"

"Sige, bye, i lo--" pero hindi na narinig ni Aly ang huling sinabi ni Den dahil nagmamadali na itong umalis.

"Ay tanga!" sigaw ni Ella sabay pinulot ang librong sya din naman ang naglaglag.

Yes or No? (either way I love you..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon