Chapter 14 - Do not Disturb!

5.8K 92 7
                                    

        ***ALYSSA POV***

        Maaga kami pinauwi ng last professor ko kaya naman excited akong pumunta dun sa fountain para antayin si Dennise. Di ako mapakali para akong naiihi dito kaya pilit kong pinapakalma sarili ko. Ang bagal naman ng oras Ugh!

"Baldo!" may sumigaw na alam ko na kung sino to. Kalma lang Aly, lingon lang dahan-dahan ha. Paglingon ko nginitian ko sya at nakita ko papalapit na ang prinsesa este si Den, muntik pa madapa, haha! Namula sya cute! Grr! nakakagigil.

"Kala ko di ka na darating eh!" 

"Ha-- hindi noh ang tagal kasi nung prof namin eh! Sorry."

"Hindi, okay lang kaya nga din pala kita niyaya para bumawi about dun sa nangyari kagabi."

"Ahh oo nga pala may kasalanan ka sakin, MERON ka ba ngayon at grabe moodswing mo?"  Oo Den meron ako, MERON AKONG NARARAMDAMAN na hindi ko maipaliwanag.


"Kase ano--" Ayt! Sila Ella at Bang, Bakit sila andito?

"Uii! Magkasama sila, anong ginagawa nyo dito?" asar ni Ella.

"Ah kakaen lang sana." nasabi ko sakanila hindi ako readdy magsinungaling eh!

"Yun naman pala eh! Tamang tama gutom na din ako!" sabi ni Bang. Arg! Kainis bakit kayo sasama? Tinignan ko si Den yung mala-diwatang ngiti kanina biglang parang naging tigre nanaman, Haay!

"Hindi na, hindi naman talaga ako gutom eh!" HALA! Wag mo ko iwan sakanila Den, ikaw gusto ko kasama.

"Pero Den!" naiiyak kong sabi kay Den kaso ang tigas talaga nya.

"Okay lang Aly samahan mo na sila, madami pa ako gagawin." at nag-walk out sya.

"Tara na Aly, hayaan mo na si den baka MERON lang yun." sabay higit nya sa mga braso ko pero hindi ko parin inaalis ang mata ko kay Dennise na naglalakad na palayo.

        Tamad na tamad yung bawat hakbang ko papunta sa cafe ni Auntie paano ba naman nawala yung plano ko at hindi pa yung taong gusto ko makasam yung kasama ko. Kaasar!

"Hi Auntie A!" bati ni Ella.

"Oh! Kulang nanaman kayo ah?"

"Ah si Den po may moodswing nanaman eh!" sabi ni Bang. Pero napansin ata ni Auntie na naka-busangot yung mukha ko.

"Baldo! Ano naman ya't para kang nalugi?"

"Ah wala po Auntie iniisip ko lang yung exam ko kanina." sus sana makalusot! pero mukhang alam na ni Auntie kung bakit ako ganito.

"Ahh! Edi umuwi ka na at mag-aral!" sabay kindat nya saakin, haha! Ang kulet nagkakaintindihan kami ni Auntie.

"Sige po Auntie pakain na muna ako." sabay ngiti buti na lang alam ni Auntie nakaisip na ko ng way para makahiwalay sakanila.

        

        Nilagyan kami ni Auntie ng bagong bake nyang chocolate cake ipapatikim nya kasi saamin yung new recipe nya e.

Yes or No? (either way I love you..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon