Chapter 19 - Double Trouble

5.3K 88 13
                                    

          **DENNISE POV**

        Tapos na sembreak hindi ko malaman kung bakit excited ako kahit alam kong balik pasukan nanaman bukas. Dahil yata kay Alyssa to eh! Waah gusto ko na sya makita. May binili akong pasalubong sakanya sabi nya kasi magtatampo sya kapag wala kaya ayun, Oo sya ang nagrequest kasi po palagi kami magkausap sa phone nung bakasyon. Hihihi! Ang landi ko ba? Pero oo eh hindi ko matiis na hindi sagutin ang tawag nya. Di ko maintindihan kung nagpaparamdam na ba sya saakin pero ayoko naman mag-assume. 

       

            Pagdating ko sa dorm na-dissappoint ako kasi wala pa sya dito akala ko pa naman may surprise, ano ba yan kakasabi ko lang na hindi ako mag-aassume pero nag-assume na pala ako, haha! Nakakainis ka Valdez your driving me insane. Para hindi ako masyadong mainip, niligpit ko muna itong mga gamit ko.

"Hi! Miss!" nagulat ako at napalingon, pagtingin ko si Aly na sa wakas, may kagat syang rose at sobrang lapit ng mukha namin. "Errr!" sabi nya at pinapakuha nya saakin yung bulaklak na nasa bibig nya. Kinuha ko naman ito at inamoy tapos kinilig talaga ako kasi nasurprise parin ako kahit papano.

"Bakit ngayon ko lang?"  tanong ko sakanya at tumayo na sya kinuha ang gamit nya na nasa labas pa ata.

"Sorry matraffic kasi, na-miss mo ako?"  tumingin sya saakin na nakaupo parin sa sahig habang pinatong nya ang bag nya sa kama, lumapit sya at ginulo ang buhok ko. "Hoy! Tunaw na ako!"

Natauhan naman ako bigla kasi lumilipad pa ata ako sa kilig, "Huh! Eh gutom ka ba? Gusto mo kumaen tayo sa labas?"  Whaaat? Seriously I'm asking her out?

"Ano yun date?"  sabay tingin ng nakakaloko. Ramdam kong namula ako.

Padabog akong tumayo, "Hell no! Feeling ka!"  tapos lumapit sya sa likuran ko at binack-hug ako! Waah! para akong nawalan ng lakas dahil unti-unti nyang kinukuha. Pinatong nya ang ulo nya sa balikat ko.

"Sabagay ayoko na ako ang niyaya sa date, so Dennise pwede ba kitang i-date ngayon?"  humarap sya ng konti saakin, shit! yung mga labi nya malapit na sa pisngi ko at hindi parin bumibitaw sa pagkakayakap nya saakin. Okay yung puso ko pakipulot nalaglag na ata sa sahig eh!

Nangiti naman ako at humarap din ng konti sakanya, juicecolored konti na lang lips na namin yung magdidikit, "Okay po!"  sabi ko na lang at bumitaw na sya. 

"YES! Yun oh! first official date!"  sigaw nya at may pagsuntok pa sa ere. Ang sweet na ang cute na ewan. waaahh! kinikilig ako.

"Tama na yan, halika na!"  sabi ko sakanya at hinigit ko na sya palabas ng kwarto.

 "Hi girls, saan ang punta nyo?"  tanong ng isang pamilyar na boses at nagulat ako nung nilingon namin kung sino sya.

"L.A, anong ginagawa mo dito?"  nilakihan ko sya ng mata dahil nagulat talaga ako.

Yes or No? (either way I love you..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon