Chapter 2 - Introduction

8.9K 133 2
                                    

   Hi I am Alyssa Valdez. Only daughter & someday magiging taga-pag-mana ng aming farm sa Batangas. Ever since sa papa ko na ako lumaki, iniwan kami ni mama dahil ipinagpalit nya si papa at simula nuon di na ko umasang babalikan nya kami, sobrang mahal sya ni papa at ramdam ko yun. Kaya saakin na lang nya ibinuhos ang lahat ng pagmamahal nya. Kaya siguro hindi na ako naniniwala sa love love na yan eh!

     Okay college na ko officially bukas at papunta ako sa dormitory ko, sana maraming cute dun (haha! malandi!).At magiging varsity nga pala ako ng basketball team ng school namin. Oo sorry lesbian ako pero aaminin ko maraming nagkakagusto sa akin, medyo marami na din ako naka-fling pero wala akong panahon seryosohin sila, ayoko matulad kay papa.

        ***DORMITORY***

        Pag-pasok ko ng kwarto yung roomate ko na sa banyo at kumakanta pa ng let it go, haha Weirdo! Wow di ganito ang ineexpect kong dorm, mabuti at spacious yung kwarto at mukang maayos sa gamit ang roomate ko. Wow terrace! mabuti na lang may pwedeng tambayan sa gabi.

        Narinig ko bukas na yung pinto ng banyo at pagharap ko, *wow ang ganda ng roomate ko*, mag-hehello na sana ako ng biglang may nakita akong ipis at bigla akong napatakbo sakanya.

"Waahh!" sabay takbo  sakanya, napayakap pa ata ako, nakakahiya.

"Oh shit!"  sigaw nya.

"Aray! Ang sakit, grabe ganyan ka ba mag-welcome ng tao?"  sigaw ko sakanya.

"Sira ka pala eh! ikaw itong dumaba sakin" pasigaw na sagot nya sakin.

"Eh kasi may nakita akong ipis, ang laki." reklamo ko habang naka-hawak sa bewang ko, aray!

"Nako so-sorrry! ikaw naman kasi." hiyang sagot nya.

 

       Pumasok ulit sya sa banyo para magbihis at tinawagan ko yung bestfriend kong si Kim. Magkaiba kami ng pinasukang college,as usual family decisions.

        **Phone Convo**

"Hello! Dude, kamusta roomate mo maganda ba ha? sexy ba?" excited na tanong nya sakin.

"Dude may roomate is insane! Unang meeting palang namin sinaktan na agad ako." reklamo ko kay kim.

"Masarap na sakit ba?" malakas ang tawa nya sa kabilang linya.

"Bastos na bata! Pero buti na lang maganda sya kaya papalampasin ko na lang to."  nakangiting sabi ko kay kim at nagpaalam na ko sakanya.

        Naramdaman kong lumabas sya ng kwarto baka nahiya sya sa ginawa nya sakin *sus dapat lang ang sakit parin ng likod ko noh!* kaya nagligpit na lang muna ako ng mga gamit ko at nung matapos ako ay humiga muna ako, hindi naman ako inaantok pero pumikit lang ako habang nakikinig ng music.

        Naramdaman ko pumasok na sya sumilip lang ako at nakita ko na nilalagyan nya ng duct tape yung sahig, bumangon ako at umupo, pinapanuod ko lang sya. Pero naiinis na ko sa ka-weirdohan nitong babaeng ito kahit maganda sya.

"Miss anong ginagawa mo?" inis na tanong ko sakanya.

"Kita mo naman diba, hinati ko yung kwarto natin" pagalit na sabi nya habang hinahagis ang mga gamit ko sa side ko.

"Ang daya mo naman nasayo yung banyo pati yung tv, paano ko magbabanyo nyan?" inis na tanong ko sakanya. Madaya to ah!

"Edi dumaan ka sa ibabaw ng tape." pilosopong sagot nya. Naglakad nga ako sa ibabaw ng tape at parang tumutulay papunta ng banyo. Halatang nairita sya sa ginawa ko at tinawanan ko lang sya.

 

        Paglabas ko ng banyo eh! Bigla syang nagsalita.

 

"Dyan ka lang sa side na yan! Ayoko ng maiingay at makalat sa kwarto!" utos nya saakin. Grabe napaka-bossy naman neto.

"Pwede bang kumata?" aasarin ko sya.

"Depende kung maganda ang boses mo, marunong ka bang kumanta?" tanong nya. Sabay kumanta ako ng let it go. hahaha

"Stop! Ayoko." bigla syang namula, siguro napansin nya.

"Eh magpatugtog?" tanong ko ulit.

"Ng ano naman?" inis na sya.

"Gitara." sabi ko.

"Oo sige na, ano pa?"

"Magdala ng babae?" natatawa ako.

"Sira ulo ka, subukan mo lang!" inis na sya.

"Eh ng lalaki?" mas natawa na ko.

"BWISET KA!" nainis na sya ng tuluyan at humiga na sya. tawang-tawa ko sakanya ang sungit nya.

 

        **FIRST DAY SA CLASSROOM**

        May nakita akong babae, umiiyak. Ano ba yan ayoko talaga nakakakita ng babaeng umiiyak. Lumapit ako at inabot sa kanya ang panyo ko.

"Oh! Punasan mo yang luha mo, you can blow your nose if you want." at bumalik na ko sa upuan ko.

        **UNIVERSITY GYM**

        After ng mga class ko pumunta na ko sa gym para ma-meet ang magiging teamates ko, wala ng try out kasi nauna na kami mag-try out bago pa kami makapag-enroll. After ng meeting namin sa coach namin ay naglaro muna kami ng mga teamates ko. At nung natapos na kami maglaro, may nakita ako sa bench at mukhang familiar, kumakaway pa yung isang babae saakin kaya lumapit ako sakanila.

"Hi miss iyakin ikaw pala yan at hello miss sungit! Ano ba maipaglilingkod ko sainyo?" syempre gentleman ako e.

"What magkakilala kayo den?"  gulat sabi nung babae.

"Oo roomate ko sya!" inis na sabi nya at hindi sya tumitingin saakin.

"Wow! ang swerte mo naman den! Oo nga pala ano ba name mo hindi ko man lang naitanong kanina." sabi ng babae.

"Ano ka ba ang landi mo ha diba kaka-bre---" hindi na sya pinatapos ng babae magsalita.

"Ah! So stupid, I forgot to introduce myself. Ladies! I am Alyssa Valdez." 

"Hi ako naman si shiela you can call me bang at itong masungit na to si dennise or denden na lang, sorry ah! ganyan talaga yang bestfriend ko bipolar." halatang kinikilig yung boses nya.

"Uh! Okay lang mukha namang harm free yung bestfriend mo." pang-aasar ko sakanya.

"Anong sinasabi mo? Nako! lagot ka saakin mamaya." galit na pagbabanta nya saakin.

"Bakit ano gagawin mo?"  pang-iinis ko sakanya habang kinindatan ko sya."Well excuse me muna ladies, I need to take a shower pa. See you around bang, nice meeting you." at naglakad na ko papuntang locker room at narinig kong kinilig si bang pero sinaway sya ni Den.

 

Yes or No? (either way I love you..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon