Chapter 33 - Finally Dennise!

2.5K 51 8
                                    


Nagising nanaman ako at ang sakit parin ng puso ko. Paulit-ulit. Nakakapagod. Choice ko naman ito eh pero bakit hindi ako masaya?

Nakatulala lang ako sa kisame. Ganito palagi ang eksena ko tuwing umaga simula ng piliin ko kung ano ang magpapasaya kay mama kesa sa ikakasaya ko.

Alam ko naman nung araw na yun nung itinanggi ko sya alam ko na hindi ako magiging masaya.

Bumababa na ako para kumaen tangahali na naman wala nanaman nangyari sa araw ko. Hindi ko alam kung napapasin ba ni mama na nagmumukmok lang ako sa buong bakasyon ko kasi normal lang din ang pakikitungo nya sakin parang walang nangyari na confrontation sakanila ni Alyssa at saamin.

*flashback*

"Maupo ka!"

"Flowers po!"

"Ahh ma'am, andito po ako para sana kausapin si Dennise"

"Bakit? Ano ang kailangan mo sakanya?"

"Ka---se po may hindi lang po kami pinagkaunawaan nung huli naming pagkikita"

"Ano naman ang dahilan ng pag-aaway nyo?"

"Ahh ma'am, kasi po.."

"Anong namamagitan sainyo ng anak ko?"

"Ahh ma'am, mahal ko po ang anak nyo kaya kung sana po ay mapagbigyan nyo ako na mahalin sya"

"Nahihibang ka ba? Alam mo ba ang mga sinasabi mo?

"Opo ma'am, alam ko po na mali pe--"

"Alam mo naman palang mali , so ano pang ginagawa mo dito?"

"Pero nagmamahalan po kami ng anak nyo!"

"Anong gusto mong marinig saakin? Na live happily ever after? Alam mo namang malabo ang ganyang relasyon"

"Pero nandito nga po ako para patunayan ko, namin ni Den na may chance ang ganitong relationship"

Hindi lingid sa kaalaman nila mama na nakikinig lang ako sa may hagdanan, pigil na pigil ang pagluha, natatakot at nasasaktan din ako sa lahat ng naririnig ko.

"Sige kung totoong mahal ka din ng anak ko, tatawagin ko si Den para patunayan ang lahat. Kilala ko ang anak ko at alam kong hindi sya papatol sa kagaya mo" nagulat ako ng bigla akong tawagin ni mama.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa hagdan at unti-unting bumababa dahan dahan din na tumayo si Aly, palapit saakin.

"Dennise!" mahinang sabi ni Aly, pero hindi ako makatingin sakanya.

"Ma" sabi ko at tumingin ako kay mama at alam nyang namumuo na ang mga luha ko.

"Totoo ba ang lahat ng sinasabi nitong kaibigan mo?"

"Dennise, mahal kita. Sabihin mo din na mahal mo ako oh!"

Natuwa ang puso ko ng marinig ko yun pero andito si mama sabharap namin at may kasalanan pa sya saakin, "Aly, nahihibang ka ba? Wala naman lahat ibigsabihin ang pakikitungo ko sayo"

"Pero Dennise!" nakita kong napaluha na si Aly, masakit pero nangingingibabaw ang inis ko sakanila ni shiela.

"Pwede ba umalis ka na" narinig ko na lang na sabi ni mama.

"Ito ba ang gusto mo? Hayaan mo hinding-hindi na ako magpapakita pa sayo" paunti-unti ay lumapit pa saakin si Aly, "Pero gusto ko lang sabihin sayo na hindi ko yun alam dahil may takip ang mga mata ko nun" at tuluyan ng naiyak si Alyssa at umalis sa harapan ko. Napaupo na lang ako sa kakaiyak at hindi makapagisi ng diretcho. Alam ko nakatingin lang saakin si mama ng mga oras na yun.

Yes or No? (either way I love you..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon