Chapter 7 - Telephone Booth

6K 92 0
                                    

Nag-lakad na kami pauwi ni Valdez pero hindi ako sumasabay mag-lakad sakanya, inunahan ko syang mag-lakad.

"Hoy! Sungit, bagalan mo naman para namang wala kang kasama." reklamo nya saakin.

"Bilisan mo oh palakas na yung ulan, wala man lang tayong sisilungan." sagot ko naman sakanya, hinabol nya ko at hinawakan yung kamay ko para hilahin ako.

"Uy! chansing ka ha!" pang-aasar ko sakanya.

"Kasi naman kaka-kain lang natin baka sumakit yung chan ko." sabi nya. Binagalan ko nalang naawa naman ako sakanya e kaya sabay na kami ngayon maglakad.

"Sungit, bakit ayaw mo sa mga katulad ko?" out of the blue tinanong nya ako.

"Ha? Kasi napaka-sira ulo mo e." ayoko pag-usapan please.

"Sira alam mo naman tinutukoy ko e!"

"Bakit gusto mo malaman?"

"Curious lang. Malay mo may nanakit na sayo na katulad ko baka may EX GIRLFRIEND ka na." ang lakas ng tawa nya pag-kasabi nya nun.

"Tignan mo! Bwiset ka talaga!" sinigawan ko sya at binilisan ko ulit yung lakad ko. Pero hinila nya ulit ako.

"SUNGIT mo talaga! sorry na nag-jojoke lang. Masama ba magtanong? Bakit nga kasi?" pangu-ngulit nya saakin.

"Actually ang kulit mo! pero alam sa totoo lang hindi ko din alam eh, si mama kasi talaga ang may ayaw sa mga katulad mong nasa third sex at naipasa na saakin ni mama yun hanggang yun na yung kinalakihan ko."

"Eh di ba si Bang nagka-EX GF, di ba bff kayo? Paano yun?" dami naman nyang tanong, bakit kaya?

"Ahh! Excempted na si bang bff ko na sya since kindergarten pa pero alam mo simula nung naging sila ni Ara yung EX nya tumamlay friendship namin, nasaktan ko sya kasi hindi ko sya matanggap matagal din kami hindi nag-usap pero masaya ako kasi okay na kami ulit pero tanggap nya na din yung perspective ko about sa mga ganun. We respect each other na lang."

"Ahh! So dahil friends na tayo tanggap mo na rin ako?" sabay pinisil nya yung pisngi ko.

"Aray ko naman! Hoy hindi tayo close noh!" habang hinihimas ko yung pisngi ko ang sakit kasi ng pisil nya.

"Edi ico-close kita!" sabay kindat saakin. Ano ba yun ang cute nya! Pero kunwari nainis ako, haha.

"EWAN KO SAYO! wag ka ngang feeling." binilisan ko na ulit yung lakad ko, bigla namang bumuhos na yung malakas na ulan.

"Hoy sungit ayun oh sukob tayo dun sa may telephone booth, dalian mo." sabay hinawakan nya ko sa kamay at hinila papunta sa booth.

"Akalain mo uso pa pala to dito?" na-amaze na sabi ko sakanya.

"Ganyan naman ang mga tao di nila pinapansin or pinapahalagahan yung mga bagay na minsan napasaya din sila." aba't may pinaghuhugutan si valdez.

"Wow deep mo naman!"

"Hmm! sorry di ka ba sanay?"

"Honestly! hindi e." totoo namang hindi kase loko-loko sya.

"Sabagay di kita masisisi. Siguro dahil wala akong kinalakihang mama kaya loko-loko at nakakabwiset ako.." nagulat ako sa confession nya.

"Hala! sorry valdez ha! Bakit nasan mama mo?" magkaharap kami ngayon at nakasandal pareho sa salamin nitong telephone booth.

"Sumama sya sa ibang lalaki!" nagulat ulit ako.

"Haa-Eh! Sorry for asking ha pero bakit?"

"Dati kasi walang matinong trabaho si papa kaya siguro sumama sya sa mayaman, kung alam lang nya kung gaano na kaunlad si papa ngayon sigurado ako gugulong pabalik yung nanay ko." nakita kong nalungkot yung mga mata nya.

"Grabe ka naman mama mo parin sya. Malay mo nagsisi na sya sa ginawa nya at natakot na ulit magpakita sainyo ng papa mo."

"Sana nga nagsisi na sya.O yan humina na ulit yung ulan tara na sa dorm at inaantok na ko." pinilit syang ngumiti at hinila nanaman nya ako. "Yaan mo papakabait na ko para sayo" may ibinulong pa sya pero hindi ko na narinig eh.

Pagdating namin sa kwarto namin bwiset basang-basa yung kama ko na malapit sa bintana di ko naman alam na papasukin ng tubig yung kwarto. Pareho kaming nagulat. Saan ako matutulog nyan? :-(

Yes or No? (either way I love you..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon