Chapter 5 - The Fart

6.3K 101 4
                                    

**DENNISE POV**

Tumunog na yung alarm ko at may naamoy ako, amoy pagkain. Pagkakita ko yung bwiset nang-iinggit habang sumusubo ng niluto nyang mac & cheese. Derederetcho naman ako sa pagpasok ng banyo. Paglabas ko wala na sya pero nag-iwan sya ng food at nakapatong sa hati ng kwarto namin may nakalagay pang note, "Don't worry walang lason yan, sorry kahapon." In fairness naman sa bwiset na to mabait naman pala.

Andito ulit kami ni Bang sa Gym kasama din namin si Ella sasabihin ko pa ba kung bakit? Hahaha. Syempre inaabangan nanaman yung bwiset na yun. Sorry hindi ko mabanggit pangalan nya, haha! Teka ang dami naman atang nanunuod masyado eh practice lang naman ginagawa nila.

"Go baby!" Sumigaw yung mga babae sa likod namin nung nag-shoot si bwiset.

"Baby kayo dyan! Akin lang si Aly! hmp" Inis na bumubulong si Bang.

"Nako Bang baby ata ng lahat yan si Aly eh! wag ka na umasa." pang-aasar ni Ella.

"Wag na talaga kayo umasa may girlfriend naman ata yan e." sabay tumingin sila sakin at para bang sinasabi na paano ko nalaman. *lagot ako nadulas ako* "Err kase kahapon may babae syang kasama at dun natulog katabi nya" hindi ko na sinabi na may iba pa akong nakita lagot ako eh.

"Sus natulog lang pala malay mo kaibigan nya lang yun." sabi ni bang. Nako shie kung alam mo lang yung nakita ko.

Tuloy parin ang pag-sigaw nung mga babae at nakikipag sabayan pa to si Bang puro asar lang naman si Ella sakanya. Magaling naman si bwiset kahit papano. Leche pa-cute ng pa-cute dito sa mga babae.

Maya-maya pa ay natapos na yung practice nila at papunta na yung mga players sa locker room kung saan madadaanan nya kami pero bago sya tumuloy ay napatigil sya sa tapat namin. Binati nya yung mga babaeng nag-papacute sakanya.

"Hi Ly, tubig oh!" pagaalok ni Bang.

"Ahh sige salamat may gatorade naman ako e." nalungkot si Bang. Maya-maya naman napansin namin na bigla na siyang nilapitan nung ibang mga babae.

"Hi Aly!" , "picture tayo" etc. At kung ano ano pang pagpapapansin ang ginagawa nung ibang babae. Akalain nyo yun may nag-papapicture pa sakanya. Nag-pacute naman sya.

Umalis na lang kami nila Shie at Ella at pumunta kaming cafeteria.

**SA KWARTO**

Busy ako sa study table ko ng may bigla akong narinig. Busy din si bwiset sa pagbabasa, naka-indian seat sya sa sahig at nagluuluto kasi sya.

"Prrrruuuut" seriously? natawa ako bigla at lumingon ako.

"Sorry di ko kayang walang tunog eh! Wag ka ngang tumawa dyan." nahihiyang sabi ni Bwiset. Nautot sya! hahahahaha

"Wag ka mag-alala you're secret is safe with me." sabay tumawa ulit ako ng malakas.

"Tigilan mo nga yung pagtawa!" utos nya saakin.

"Oo na sige na, nakakatawa ka naman kasi talaga."

"Gutom ka na ba?" bigla syang naging seryoso.

"Bakit ano ba yan? Galing nga nakakapagluto ka sa rice cooker?"

"Tofu and asparagus with worcestershire sauce. Oo naman marami ka pa nga pwedeng lutuin dyan bukod sa kanin eh!" taray iniimpress naman ako masyado nitong babaeng to. "Tikman mo na, masarap yan at healthy pa." pag-aalok nya sakin, inilapag nya yung rice cooker sa gitna ng linya namin at inabot sakin yung tinidor. Nung natikman ko napatigil ako.

"Uuuy nasarapan sya!" pangaasar nya sakin.

"Hindi noh bago lang sa panlasa ko." pagtatanggi ko pero masarap naman kaya sumubo pa ako ng isa.

"So gusto mo na nagluluto?" tanong ko sakanya.

"Hmm masaya lang masarap o hindi yung kalabasan, nageenjoy ako." sagot nya saakin. Matino naman pala ito kausap minsan eh.

"Ano bang course mo bakit marunong ka magluto?" na-curious ako eh bakit ba. haha

"BS in Agriculture major in Agricultural Economics" sagot nya saakin.

"Ang layo naman sa pagluluto sa course mo."

"May farm kasi kami sa Batangas & someday ako na mag-patakbo nun kaya yun yung kinuha ko di ko pwedeng pabayaan yung pinaghirapan ni papa." Akalain mo kahit loko loko sya, sweet din naman pala.

"Teka bakit nang-iinterogate ka? Ikaw anong course mo?"

"Marine Biology ang kinukuha ko dito."

"Wow! Pang-matalino." pang-aasar nya saakin. "Edi mahilig ka sa mga isda?" oo nga pala may aquarium akong dala pero maliit lang nakalagay sa may study table ko.

"Ah oo yan oh si Flipper, he's breed is little dolphin."

"Cute naman ng pangalan nya, dolphin talaga yan? Ba't ang liit?"

"Hindi talaga sya dolhin yun lang yung tawag sakanya kasi mukha syang dolphin pero isa syang short nose trunkfish, imported pa yan regalo sakin ni mama."

"Eh bakit mag-isa lang sya, di ba yan nalulungkot?"

"Hindi pwede, masungit yan si flipper walang tatagal na isda sa kanya. Kaya wag mo subukang magdadala ng ibang isda mag-gagalit yan!"

"Parang yung amo nya?" pang-aasar nya sakin.

"HINDI KAYA! Namimili lang talaga ko ng kakaibiganin ko."

"May isda bang lesbian?"

"Hindi ko alam pero may mga isda na gusto nila kasama yung kapareho nila ng gender."

"Eh may isda bang ayaw sa mga lesbian?" nang-iinis talaga to!

Tumingin ako ng masama sakanya, "Pagbibigyan kita ngayon."

"Ito naman nagbibiro lang ako. Don't frown like mackerel, okay!" sabay ngumiti sya. Cute ng killer smile nya. hihi.

Yes or No? (either way I love you..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon