Chapter 43 - Kahit di mo alam

878 18 6
                                    

Patuloy lang ang pag-agos ng luha sa mata ni Den habang tumatakbo palayo kay Alyssa, hanggang dinala sya ng mga paa nya sa pinakatuktok ng building. 

"Dennise, please! pakinggan mo naman ako!"

Humarap agad si Den sa taong humabol sakanya, naglakad ito ng mabilis at sa sobrang inis nya nasampal nya sa magkabilang pisngi si Alyssa, "Ano bang gusto mo ha? Ano pa bang sakit ang ibibigay mo saakin?" 

Hinahawakan naman ni Alyssa ang mga braso ni Den para hindi na muli ito makapanakit, at nagsimula na din syang umiyak, "Den, hindi ko ginusto ang lahat ng to', maniwala ka saakin walang araw na hindi kita na-mimiss at walang araw na hindi ako nasasaktan sa tuwing nakikita kita"

"Sige, papaniwalain mo ulit ako Ly, tutal dyan ka naman magaling eh! napaka sinungaling mo!"

"Oo sinungaling ako, oo naging masama ako sayo, halos sabi nga ni Ella pinaglaruan na kita pero Den--"

"Ano ha, para ano? Wala ka nang maisip na kasinungalingan? Lahat ginawa ko na para i-please ka, para mapatawad mo ako ulit para maayos tayo ulit pero binalewala mo lang lahat"

"Alam ko, at nung unang nag-kita tayo sa UNI wala akong ibang gustong gawin kundi ang yakapin ka at halikan ka pero hindi ko magawa"

"Bakit? Sabihin mo saakin kung bakit Ly, dahil ayoko na  at pagod na pagod na ko sa ganitong sitwasyon, ipaparamdam mo na mahalaga pa ko sayo pero mamaya itataboy mo na ulit ako"

"Ayoko lang na masira ang relasyon nyo ng mama mo Den, I'm sorry"

Parang batang natulala si Den at tumigil sa pag-iyak, "Si mama? Anong kinalaman ni mama? Anong ginawa ni mama?"

"I'm sorry Den, nangako ako sa mama mo, I'm sorry" at niyakap lang nang mahigpit ni Alyssa si Dennise. 

"Alyssa hindi pwede, kailangan kong malaman" halos galit na ang tono nito.

"Den, please!"

"Kung hindi mo sasabihin saakin ako ang kakausap kay mama"

"Please den!"

"Alyssa Valdez, isa!" napapapikit na si Den sa inis.

--

Flashback

Narinig ni Alyssa ang isang mahinang katok sa pinto ng kwarto nya at agad naman nya itong binuksan, "Pa"

"Nak, pwede ba akong pumasok?"

BInuksan naman ni Aly ang pinto para ipahiwatig na pumasok ang ama.

Umupo naman sa kama si Aly at nagpapanggap na nanunuod ng telebisyon, tumabi naman ang ama nya dito.

"Anak, bakit mo hinayaang umalis si Den?"

Humarap ito saglit sakanyang ama, "Pa, nagkakasakitan na kami, siguro kailangan lang namin ng space para parehong makapag-isip."

"Eh okay ka naman ba sa ganun?"

"Siguro, Sana po"

"Alam mo anak, minsan lang dumarating ang pag-ibig na ganyan, dapat hindi na pinapakawalan yan"

"Paano papa kung ako lang ang lumalaban?"

"Diba pinuntahan ka na nya dito? Ano pa ba ang hinahanap mo? ANo pa bang klaseng laban ang gusto mo? Nakita mo ba kung paano makipagpaligsahan si Dennise ng atensyon kay Maymay?"

Natawa naman saglit si Alyssa ng maalala nya ang itsurang selosa ni Den, "Gustong gusto ko nga sya panggigilan nun pa eh kung alam mo lang kaso andyan si Maymay ayoko naman syang saktan."

Yes or No? (either way I love you..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon