Chapter 9 - After Crossing the Line

6.2K 107 0
                                    

        **Dennise POV**

        Nagising ako at nasa bed nga pala ko ni Valdez, nakatulala muna ako sa kawalan and naisip ko na what happened yesterday is a bit fun, Ugh! Okay t'was really fun. Parang ngayon na lang ulit ako sumaya ng ganun after all hindi naman pala ganun nakakabwisit to si Valdez eh! Sinilip ko sya ng dahan-dahan nasa sahig kasi sya dito sa side ng bed. Cute cute naman nya.Bigla akong bumalik sa pagkakahiga ko kasi uminat na sya baka gigising na din.

"ARAAAY! ang sakit ng likod ko! :-( " sabi nya. Napabangon naman ako at umupo sa kama.

"Hala! Sorry. Sabi ko naman sayo ako na lang dyan e."

"Ang kulit mo din talaga eh no? sabi ko okay lang." tumayo ako tapos hinila ko yung dalawang braso sya palikod tapos tinulak ko ng paa ko yung likod nya, haha brutal ba? ganito ko magmasahe eh!

"Aray ko naman LAZARO, dahan-dahan!"

"Sorry! haha, Pero mamaya okay na din yan." at tumayo na sya. Ako na lang nagligpit nung hinigaan nya at nung kama nya.

"Gusto mo ba pagdikitin na lang natin yung kama natin? Para malayo na din sa bintana at di na maulit yung nangyari sa bed mo?" tanong nya sakin.

"Ah-Err! Sige okay lang naman pero wag mo lalagyan ng malisya ha! Maglalagay ako ng maraming unan sa pagitan natin!" Ano ba yan baliw ka ba Lazaro, guilty ka ba?

"Feeler ka talaga! Pero cute mo, namumula ka!" What namumula daw ako, patay. Ano nangyayari sakin?

"Tse! mainit kase!" palusot ko na lang.

"Gusto mo ba ng noodles? Magluluto ako :-)" Hala ang cute naman ng smile nya.

"Ah osige lang. Ikaw lagot ka kapag nalaman nilang nagluluto tayo dito."

"Bakit magsusumbong ka ba?"

"Syempre hindi pero lagi mo ako lulutuan ha?"

"Sure basta ikaw." sabay kindat. Naku naman Valdez wag kang ganyan.

*knock-knock*

        Binuksan ko yung pinto. Si Bang at Ella pala.

"Oh aga nambubulabog kayo?" tanong ko sakanila pero derederetcho lang sila.

"Amoy pagkain!" sabi ni Ella.

"Wow Aly nagluluto ka pala!" sabi ni Bang tapos tumabi sya kay Valdez na naka-indian seat sa sahig, nagluluto kasi sya sa mahiwagang rice cooker nya.

"Ah oo, kaen tayo! wait lang malapit na to maluto." ano ba naman yan panggulo naman to sila besh e! What ano sabi ko ?

"Oh magkatabi na kayo matulog?" sabi ni Ella napansin nya kasi magkadikit na yung bed namin.

"Ah hindi pa mamaya palang, nabasa kasi yung bed ko kagabi kaya naisip namin na pagtabihin na lang malayo sa bintana."

"Ay swerte mo naman Besh!" pabulong na sabi ni Bang.

"Ano yun Bang?" sabi ni Aly.

"Ah~Eh Wala. Kaen na lang tayo! hehe."

"Ah sige! dun tayo kumain sa may terrace para presko." At ayun pumwesto kami sa terrrace naka-indian seat parin at naka-palibot sa rice cooker. Sinusubuan ako ni Valdez pero nahiya ako kaya umiling na lang ako, isipin pa nila Ella close kami (bakit hindi pa ba? Ay Ewan.) kaya kay Bang na lang nya isinubo.

        Hindi ko na namalayan simula nung gabing yun naging close na pala kami ni Valdez after all okay naman pala yung mga katulad nya. Minsan nga ako pa nag-yaya kay bang manuod ng games ni Valdez eh! Madalas ko na syang nakakasama hindi ko napapansin na nagiging comfortable na ko with her.

        Nung minsan nag mall kami.

"Lazaro halika nga dito, wag ka lumalayo baka mawala ka." sabi nya habang inaamoy yung mga pabango. Lumapit naman ako tinitignan ko kasi yung mga undies e ang cute, haha. Napansin ko may mga girls na nag-papacute sakanya.

"Baby! Ang tagal mo naman pumil!" habang inihiga ko yung ulo ko sa balikat nya at kumapit ako sa braso nya. Nakita ko naman yung mga babae na sumama yung tingin saakin tapos umalis na.

"Hoy Lazaro anong pinagsasabi mo at teka anong ginagawa mo." sabay tanggal ng baraso nya sa braso ko. Tawang-tawa ko kase nabwisit sya sa ginawa ko.

"Kase may nagpapa-cute sayo pinag-tripan ko lang."

"Sus! Selos ka lang eh! halika na babayaran ko na to." bigla akong natigilan, A-K-O?  selos. Eww!

        Nung isang beses naman nag-spend kami ng weekend together.

"Hoy! Valdez wag ka nga magtaklob ng kumot dyan!" takot na takot kase nanunuod kami ng conjuring, hahaha. Magkatabi kami sa kama at nakasandal sa headboard.

"Ano na naha-habol na ba sya?" sabi nya habang nakataklob parin ng kumot.

"Baliw ka! Manuod ka kase hindi yung nagtatanong ka edi sana kinuwento ko na lang sayo?" tapos hinigit ko yung kumot. Bwahahaha! nakapikit naman sya.

"Bwiset ka Lazaro kapag ako di nakatulog mamaya!" hahaha. Bwiset lakas man-chix pero duwag naman.

"Ang duwag mo talaga!" hahahaha. 

"Paano ba naman sayo pa nga lang takot na ko eh!" Aba sira ulo talaga to, hinampas ko nga pero mahina lang, hehe.

        Nung isang beses naman may nakita akong sunflower sa study table ko di ko alam mararamdaman ko pero parang kinilig ako, ano ba yan!

"Valdez, salamat sa sunflower ha"

"Ha? hindi naman sayo yun nakipatong lang ako, kinuha mo pala!" 

"Leche edi ibabalik ko!" inirapan ko sya. Sabay tumawa naman sya ng malakas.

"Ang pikon mo talaga pero ang cute-cute mo kapag-masungit ka." sabay pinisil nya yung pisngi ko. Aww namula ata ako sa sinabi nya. Kaya pinaghahampas ko na lang sya ng unan at naghabulan kami sa kwarto. Bwiset kasi lakas ng trip.

        Nung minsan wala akong magawa pinuntahan ko sya after ng training nya. Hinigit ko sya papunta ng swimming pool nasa likod lang naman ng gym yun eh!

"Hoy! Lazaro teka naman di pa nga ako nakakapag-shower eh!" rekalo nya habang higit-higit ko sya sa braso. Kinuha ko yung bag nya at hinagis ko sa gilig ng pool sabay talon sa swimming pool.

"LAZAROOOO! BALIW ka talaga, alam mo naman bawal yung ganitong outfit sa pool e!" paano naka-jersey pa sya at rubber shoes habang ako naman naka-maong shorts, tshirt at keds pa. Bakit ba gusto ko eh naiinitan ako kaya gusto ko magswimming.

"Wag ka nga maingay Valdez kapag tayo narinig nung guard lagot ka saakin" Ay anak ng biglang may guard na nga. "Huminga ka ng malim Valdez dali lubog tayo para di tayo mahuli!" naghawak kami ng kamay tapos umupo kami sa ilalim ng pool. 

        Ilang saglit lang tumaas na kami kinulang na kami sa hangin e at buti na lang sumilip lang yung guard at di kami napansin. Nakatayo lang kami sa pool abot naman namin e.

"Ano ba kasing naisip mo at nandito tayo?" naiinis nyang sabi.

"Gusto ko lang sa tubig ngayon. Gusto ko lang maging jellyfish kahit saglit"

"Ha~?? Jellyfish?"

"Eh kasi sa lahat ng sea creature sila yung pinaka-free maglangoy, parang ang lambot lambot nila basta di ko din madescribe. Gusto ko sana mag-alaga ng isa kaso mahirap at delikado."


Yes or No? (either way I love you..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon