Chapter 18 - Officially Missing You

5.7K 91 0
                                    

        **STILL DEN'S POV**

        Mga two days pa kami nagkasama ni Alyssa sa dorm bago sabay din kaming umuwi.

"Mama! Malakas kong sigaw pagdating ko sa bahay!"  at sinalubong naman ako ni Mama ng magandang ngiti at mahigpit na yakap. Naibagsak ko na lang ang mga gamit ko sa sahig.

"Aahh! Baby girl!"  sabi ni Mama at niyakap ako.

"Maaaaaaa!"   humiwalay ako sa yakap nya dahil nainis ako binebaby parin ako ni mama. Pero cute.

"Eto naman, naglalambing lang si mama eh! Halika na sa loob at kumain ka, alam kong napagod ka sa biyahe!"   yaya nya saakin at pinapasok na lang sa mga kasambahay ang mga gamit namin.

"Kamusta ka naman sa UNI anak?"  usisa ni mama habang eto ako parang gutom na gutom.

"Nako ma, ang laki ng school namin, madaming estudyante, mayayaman sila at ....."   nako muntik ko na maikwento si Alyssa.  "Ah Eh marami na din po akong kaibigan dun Ma"   wooah! muntik na ko.

"Oh mabuti naman, sorry anak kung hindi kita masyadong natatawagan alam mo namang busy si mama."

"Okay lang ma, naiintindihan ko po. Kain na po tayo!"

        Pagkatapos ko kumaen ay umakyat na ako sa kwarto ko, Grabe! na-miss ko ito! Napatalon ako sa kama ko pero nanibago parang may na-mimiss ako ah! Si Alyssa! I actually missing her. Gusto ko sya tawagan pero baka isipin naman nya na miss ko sya eh wala pa ngang 24 hours nung maghiwalay kami. Tsk! Ano ba to! nakakainis.

        **ALYSSA POV**

        Sa wakas nakauwi rin ako saamin. Makaka-amoy ulit ako ng sariwang hangin, payapa at tahimik. Sinalubong agad ako ni Papa sa labas ng gate, pinabakuran kase ni papa ang lahat ng nasasakupan nya para isang gate nalang ang buong "hacienda" nya, oo kay papa lang naman yun, si papa lang ang mayaman at ayoko angkinin at ipagmalaki ang pinaghirapan ni papa pero proud ako kay papa kasi naging ganun sya ka-successful. Sa loob ng "hacienda" dun din nakatira ang ilang tauhan ni papa kaya masaya din parang may maliit na barrio tuloy saamin at sila ang mga nakasama ko sa aking paglaki.

"Baldoo!"  masayang bati saakin ni Papa. Niyakap ko naman si Papa. Ganun din si Uncle Ben na kasama ni Papa sya ang nagmaneho ng luma naming jeepney, isinakay na rin nya ang mga gamit ko duon at nag-drive na papasok.

"Kamusta na papa? Kamusta si Yayo?"

"Okay naman anak, madami paminsan-minsang gawain pero alam mo namang maraming tumutulong saakin dito. Ayun simula ng umalis ka humina syang kumain kailangan mo lambingin!"  Oh! mamaya isipin nyo kung sino si yayo isumbong nyo pa ako kay Den na nang-chichicks. Si yayo yung alaga kong kabayo, regalo ni papa nung bata pa ako. Hindi ko kasi masabi ang kabayo dati kasi bulol ako hanggang akala ni papa yayo ang ipinangalan ko sa kabayo. haha. Tinamad na ko pangalanan pa sya kaya ganun na hanggang ngayon.

Yes or No? (either way I love you..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon