WG Jamaica - Part 9

437 14 0
                                    

"ANG GANDA-GANDA mo, Mica," halos pumalatak na sa sabi sa kanya ni Christian.

Lagi na ay pinapaulanan siya nito ng papuri. At lagi na rin ay nakakapagpataba iyon ng puso niya. Papunta sila sa kasal ni Veronica. Sa halip na ang uniform niya bilang photographer ang suot niya ay naka-gown siya bilang bahagi ng entourage nito. Kung siya lang ang masusunod ay siya ang personal na magko-cover ng kasal nito subalit mas hiniling nito na maging abay siya. Staff na niya ang bahalang mag-cover ng naturang kasal.

Strapless ang sunset orange gown na suot niya. May beadwork ang bodice niyon na halos katerno ng beadwork ng wedding gown nito. Halos pare-pareho naman sila ng gown ng iba pang miyembro ng entourage dahil si Veronica mismo ang gumawa ng mga iyon. Estilo lang ng neckline ang pagkakaiba.

"You're gorgeous," ganting papuri niya sa binata. Naka-Barong Tagalog si Christian. At kung simpatiko ito sa kaswal na kasuotan ay mas lalo itong naging guwapo sa pormal na damit.

"Shall we?"

Tumango siya at inalalayan pa siya nito pasakay sa kotse. Napapangiti siya habang nakatingin kay Christian na patungo sa driver's seat. Tiyak niyang magugulat ang mga wedding girls. Buong akala ng mga ito ay wala siyang partner sa okasyong iyon. Ang alam ng lahat ay loveless siya.

Oh, well, iyon din naman ang alam niya—dati. Malay ba niyang darating sa buhay niya si Christian?

Masaya siya sa relasyon nila ni Christian kahit na nga ba wala namang pormalidad iyon. Wala pa namang isang buwan ang kanilang pagsasama. Masaya sila at hindi nag-aaway. Hindi nga lang din nila sinasabi pa sa bahay ag tungkol doon. Pero palagay niya ay nararamdaman din ng mama nito at Auntie Ruth ang kung ano ang meron sila. Madalas ay inaanyayahan sila ng dalawa na sumama sa lakad ng mga ito. At madalas din ay si Christian ang mabilis na tumatanggi at ikakatwirang mayroon silang sariling lakad.

Mayroon naman talaga. Lagi na ay kasama niya ang binata sa trabaho niya. At pagkatapos niyon ay dadalhin muna siya nito sa restaurant bago sila umuwi.

"Hindi pa ba tayo aalis?" tanong niya dito nang mapansing nakaupo na sa harap ng manibela subalit hindi pa binubuhay ang makina.

"I want to kiss you first," sabi nito at dinukwang na nito ang kanyang mga labi.

The kiss was light and brief. At ang epekto niyon ay ang mabilis na paggapang ng masarap na kiliti sa kanyang likod. Matamis ang ngiting gumuhit sa mga labi niya pagkatapos. At kahit hindi siya humaharap sa salamin, alam niyang may kakaibang kislap sa kanyang mga mata.

It had always been like that. Sa maikling pagsasama nila ni Christian ay naranasan niya ang ibayong saya. Tila nagkamali siya sa pag-aakalang kumplikasyon ang hatid ni Christian sa buhay niya.



"WHERE are we going, Christian?" tanong ni Mica sa binata. Sinundo siya nito sa studio. At dahil nasanay na siyang bigla na lang ay sumusulpot ito doon, nai-program na rin niya na mabilis tapusin ang kanyang trabaho upang malaya siyang sumama sa paanyaya nito.

"Basta, " maluwang ang ngiting sabi nito at sumakay na sila sa kotse.

"Saan tayo magla-lunch?" tanong uli niya mayamaya. Lumagpas na sila sa AyalaCenter kung saan karaniwan na silang nagtatanghalian. Karamihan sa mga restaurant doon ay nakainan na nila. Hindi pa sila kumain ng dalawang beses sa isang lugar—fast food man iyon o fine dining restaurant. Tila naging goal na nila na masubukan ang lahat ng kainan doon.

"Surprise."

"Surprise ka diyan. Uuwi lang yata tayo, eh," aniya nang lagpas na sila ng Makati. Patungo na sa Alabang ang direksyong tinatahak nito.

Wedding Girls Series 24 - JamaicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon