WG Jamaica - Part 10

404 13 0
                                    

TULOG na tulog si Christian habang nakaunan sa hubad niyang dibdib. Nararamdaman niya ang banayad na paghinga ng binata tanda na mahimbing ang tulog nito. Hinaplos niya ang makapal nitong buhok.

She had given her precious hymen to him. Dalawampu't anim na taon rin niyang iningatan iyon subalit hindi naman siya nakadarama ng pagsisisi. Kung sa ibang sitwasyon ay malamang na manghinayang siya. Baka nga iyakan pa niya pero sa pagkakataong iyon.

At natanto niya kung bakit.

Mahal niya si Christian. Labis pa sa sapat ang dahilang iyon para makadama siya ng katiting mang pagsisisi.

Napangiti siya. She never expected herself to fall in love. Pero bakit siya tatanggi kung gayong dumarating sa kanya ang pagkakataon. Walang kasing-sarap ang kaligayahang hatid ng umiibig. At alam niya, hindi man bumabanggit sa kanya si Christian ng tungkol doon ay dama naman niya sa kilos nito ang pagmamahal nito sa kanya.

Iniisip na lang niya palagi na malamang ay hindi mahilig si Christian na magsabi ng I love you. Hindi naman pare-pareho ang mga lalaki. Baka nga hanggang ngayon, malaki pa rin ang porsyento ng mga lalaking mas gustong ipakita sa kilos ang pagmamahal kaysa literal na sinasabi.

Hindi naman problema sa kanya kung kasali sa mga lalaking iyong si Christian. Mas gugustuhin pa nga niya siguro ang ganoong tipo kaysa naman sa lalaking maya't maya kung magsabi ng I love you pero hindi naman magawang patunayan sa kilos.

Isang maluwag na paghinga ang ginawa niya. Puno ng ligaya ang kanyang dibdib at hindi napigilang yakapin si Christian. Dahil doon ay naalimpugatan ito.

"Mica..."

Ngumiti siya dito. "I love you," she whispered to him.

Tumingin ito sa kanya. Ang itsura ay tila nananaginip pa. he smiled back at her. At pagkuwa ay lalong isiniksik ang ulo sa kanyang dibdib.

Hinayaan lang niya ito. At muli ay buong pagmamahal na hinaplos ang buhok nito.


HALOS mapuno ang back seat ng mga bulaklak. Kanina buhat sa condo nito ay napadaan sila sa isang flower stand. Inihinto doon ni Christian ang sasakyan at inakala ni Mica na bibili lang ito ng simpleng bulaklak. Isang bungkos na malamang ang pinakamarami subalit nagulat siya nag ipasakay na lang nitong bigla ang ilang timba ng bulaklak.

"Okay ka lang, Christian?" gilalas na tanong niya.

"Okay na okay," sagot nito sa kanya na may kasama pang kindat. "Manang, dahan-dahan lang, ha? Baka masira," paalala pa nito sa tinderang nagsasakay ng mga buaklak.

"Aanhin mo ba ang mga iyan?" tanong niya dito nang umaandar na uli sila.

Nagkibit ito ng balikat. "Ako, wala akong gagawin diyan. Ikaw, ano ang gagawin mo sa mga iyan? Para sa iyong lahat ang mga iyan, eh."

Kung isang tangkay o kahit isang bungkos pa ang ibinigay nito sa kanya ay hindi siya magugulat. Pero ang timba-timbang mga bulaklak? Hindi niya kayang mag-isip agad-agad kung aanhin niya ang mga iyon. Wala naman siyang balak na magtayo ng flower shop!

"Why, Christian?"

"Anong why?" Inabot nito ang kanyang kamay at masuyong pinisil iyon. "I'm so happy, Mica. Kulang ang mga bulaklak na iyan bilang pasasalamat sa iyo sa kaligayahang nararamdaman ko ngayon."

She was so touched. Isang pinong ngiti ang gumuhit sa mga labi niya. "Ayos na sa akin ang isang tangkay. Iyon nga sigurong isang bungkos ay sobra na. hindi ako sanay na binibigyan ng bulaklak. Thank you so much, Christian."

"Huwag ka munang magpasalamat. Umpisa pa lang iyan. Marami pang darating."

"Ganyan din karami? Baka maging instant negosyo ko na iyan," reaksyon niya.

Malakas ang naging pagtawa ni Christian.

"Magugulat sina Auntie Ruth at Tita Lydia. Tiyak na magtatanong iyon," sabi niya mayamaya sa tonong tila nagrereklamo subalit nakangiti naman.

"Kung magtatanong, di sagutin," sagot sa kanya ni Christian.

"Tutuksuhin tayo," aniya.

"So? I don't care. Ang importante sa akin ay mabigyan kita ng bulaklak. Kung nagkataong mayroon pang tinda iyong ale, di, binayaran ko na rin sana."

"That's over, Christian."

"Hindi kayang talunin ng anumang dami ng bulaklak ang kaligayahang nasa puso ko kapag kasama kita, Mica."

She rolled her eyes. "Yuck, Christian! Nagiging makata ka," kantiyaw niya dito ngunit sa loob niya ay kinikilig din naman siya.

Padabog na binitiwan nito ang kamay niya. "Seryoso ako. Kung ayaw mo, di huwag. Hindi na ako magsasalita."

Nagulat siya. Ilang sandaling pinag-aralan niya ang anyo nito. Nakatutok sa kalsada ang tingin nito. Bahagya pang nakakunot ang noo.

"Christian," nag-alangang tawag niya. "S-sorry."

Mabilis na sumulyap ito sa kanya. Mabilis ding bumalik ang ngiti sa mga labi. "Corny ba? Pasensya ka na."

"Sorry na," ulit niya.

"Halika nga," anito sa kanyang inabot ang kanyang kamay at hinila papalapit dito. Mabilis naman siyang umisod. "Pasensya ka na rin. Iyon kasi ang naisip kong salita para mai-describe ko ang nararamdaman ko."

"Nagbibiro lang din naman ako. Kinikilig nga ako, eh," amin niya.

"Hus? Nagpaliwanag pa, eh, napahiya na nga ako kanina."

"Sorry na nga po."

"Kiss me."

"Ha?"

"I said kiss me," ulit nito at sa isang pagtatagpo ng kanilang mga mata ay alam niyang seryoso ito.

Napalunok siya at napatitig sa kalsada. "You're driving, Christian," paalala niya dito.

Isang mabilis na paghinga ang ginawa ni Christian. At bago pa niya nahulaan ang gagawin nito ay namalayan na lang niya na kinabig nito ang batok niya at mariin siyang hinalikan sa mga labi.

Siguro ay isang segundo lang ang itinagal ng halik na iyon. Baka nga mas matagal pa ang naging pagtigagal niya pagkatapos pero sa kanyang mga labi maging sa kanyang gulugod ay dama niya ang intensidad ng halik na iyon.

"Delikado iyon!" naibulalas na lang niya pagkuwan.

Isang mahinang pagtawa ang pinakawalan ng binata. "Wala namang nangyaring masama, ah?" At luminga ito sa kanya. "I love you."

Napanganga siya.

"Jamaica. Hey!" pukaw nito sa kanya.

Napasinghap siya. "You said you love me," tila nangangarap na sabi niya. Inaasahan na niyang may katugon na pag-ibig ang nararamdaman niya dito subalit hindi niya akalaing magiging ganoon kasarap sa kanyang pandinig ang mga salitang iyon.

"Yes I did say that. Mahal kita, Mica."

Kagyat na namasa ang kanyang mga mata. "I love you, too, Christian," basag ang tinig na sabi niya. "God, I'm so happy."

"Then don't cry," tudyo nito sa kanya at pumalatak ito. "Nagiging ma-drama tayong dalawa. Corny nga yata ang pag-ibig."

Natawa siya pero naluluha pa rin siya.

*****

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Wedding Girls Series 24 - JamaicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon